35

505 23 29
                                    

Clarity Amelia Salvacion's

"S-saan tayo pupunta, Hends?" kabado kong tanong rito. Kasalukuyan kasi kaming naglalakad-lakad sa labas at binabagtas ang daan patungong unit ko pero hindi ako sigurado kung saan nya ako dadalhin.

"Taking you home perhaps?" anito na tila may hindi ikinatutuwa. Napanguso ako dahil doon.

"You're being KJ, Hends! I just wanted to have some fun tonight" saad ko na ikinahinto nito sa paglalakad at hila sa akin. Tiningnan nya ako ng masama at tila nagbababala. Napalunok pa ako sa kaba dahil alam kong hindi nito nagustuhan ang sinabi ko. Napatingin ako sa unit ko na malapit na lamang sa pinaghintuan namin

"Fun? Talaga ba? Clarity Amelia? Kailan pa naging fun sayo ang pagattend ng mga ganoon party?!"
He said sarcastically.

"You're being sarcastic now, Hends." inirapan ko ito tsaka tumingin sa kalangitan ng maramdaman ang malamig na ihip ng hangin sa kabila ng mga patung-patong kong kasuotan.

Huminga ito ng malalim tsaka hinawakan muli ang kamay ko at hinila ako payakap sa kanya." Worried and just missed you... Nurse na maganda..." he whispered.

Napanguso ako at huminga ako ng malalim para kalmahin ang tibok ng puso ko. "P-panget mo kamo!" pagsusungit ko na ikinatawa nito. Alam kong pulang pula ang mukha ko at pinagpapasalamat ko ang kadiliman ng gabi. Napaangat ang tingin ko sa unit ko ng maramdaman ang tila nanonoot na tingin ng kung sino mang naroroon.

"Well... Let's go?" tanong ni Hendricks na ikinatingin ko rito ng naguguluhan. Lumapad ang ngisi nito at kinurot ang tungki ng aking ilong. "Let's have some fun... I know a place where we can have one!" nakaramdam ako ng excitement dahil sa sinaad nito... Ngunit bigla kong naalala ang taong nasa loob ng unit ko...

Gising na kaya sya? Sana kumain na sya...

Napangiwi ako ng makita kong tunggain ni Hends ang laman ng beer in can na binili namin sa convenient store na dinaanan namin kanina ng magtungo kami dito sa barn ng kaibigan ni Hends di kalayuan sa neighborhood namin. Maganda ang lugar at relaxing kung hindi lang sobrang lamig ng klima ngayon. May bonfire sa harap namin ng kaibigan ko at nagiihaw kami ng marshmallows. Puro junkfoods and beer ang binili namin patungo rito ah... Pati soda.

"I thought you wanna have some fun now, Clarity? C'mon drink up! Ako bahala sayo!" tila nanunuyang saad nito sa akin at iniabot sng kakabukas lang nitong lata ng beer. Napasimangot ako pero dahil sa pride ko ay tinanggap ko iyon at uminom. Napangiwi ako sa pait ng lasa na ikinatawa naman nito.

" Pait! "reklamo ko pero dahil sa init na hatid niyon sa sa katawan ko ay nagustuhan ko na rin. Ang lamig kasi rito

"That's nothing compare with that green liquor you were about to take back at Cristof's party." Sarkastikong saad nito na ikinanguso ko tsaka kinuha ang isang stick ng marshmallows. Hinipan ko ng kaunti at kumagat doon bago uminom muli sa lata.

"David been asking if when are you going home? Gustong gusto ka nyang dalawin but his schedule is tight-up...lalo na at maraming pending projects ang munisipyo niya... Plus the ongoing development of the Stavros's island" kwento nito.

Huminga ako ng malalim. "Hindi ko pa alam... Hends..." halos bulong kong sagot habang nakatingin sa apoy sa aking harapan.

"Is it safe to assume that your enjoying your stay here? Or you're nor yet ready to face the guy who broke you?" napatingin ako sa tanong niya. Walang mahanap na salita para isagot sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na hindi ko kayang bumalik doon dahil wala naman akong babalikan... Na ang lalaking tinutukoy niya ay nasa loob mismo ng apartment unit ko...

Stavros 8: Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon