Edited ang last part. Sorry 👉👈
Clarity Amelia Salvacion's
"See you later...jowa." paalam ni Ybarra matapos nya akong ihatid sa bagong workplace ko. Nagpaalam din itong bibisitahin ang kaibigan nya sa dating workplace ko.
"See you... Ingat." paalala ko rito na ikinangiti nya. Kumaway pa ito sa akin bago ako tumalikod at pumasok sa loob ng center.
Yes. Nagkabalikan na kami. We decided to work things out hoping that I can find what's missing if I give it a try... Sinusubukan kong ibalik ang pakikitungo ko sa kanya dati bago nangyari ang lahat.
"Nurse Clarity, Ellena is waiting for you to prepare her for her session." ani Nurse Fiona sa akin, ang head nurse namin
Ngumiti ako rito at sinabing pupuntahan na ang pasyenteng nakatoka sa akin. She was brought here 2 months ago according to her record. She's traumatized and severely violated. Lagi itong tulala pero nakakausap naman siya lalo na kung ako ang kausap nito. She's Filipina and pregnant by the way.
"Good morning, Ellen. Kumusta ka?" malambing kong bati rito na ngumiti naman agad sa akin at hinimas ang umbok ng kanyang sinapupunan.
"Mabuti naman ako, Nurse Clarity... Ikaw?" anito ngunit hindi umabot ang ngiti sa kanyang mga mata.
"Ayos lamang din ako. Nakatulog ka ba ng maayos at kumain na?" tanong ko
"Oo...hindi na ako nagkaroon ng masamang panaginip kagabi. Simula ng ikaw ang umaantabay sa amin ng baby ko ay wala na akong ganung panaginip" malumanay nitong saad.
Ngumiti akong muli rito. "Lucky charm mo talaga ako. Kaya dapat ninang ako ng baby mo okay? Osya... Maghanda na tayo para sa session mo... Tapos habang hinihintay ko matapos iyon ay bibilhan kita ng mga cravings mo... Sabihin mo sa akin okay?"
Tipid ang ngiti nitong tumango at nagsimula na sa paghahanda rito... Pinagmamasdan ko ito habang nagkukwento siya ng mga ala-ala nya kasama ng pamilya nito. May isa itong kapatid na lalaki at ang papa nya ay nakapag-asawa ng iba dahil maagang yumao ang ina. Kitang kita sa mga mata nito ang pangungulila para sa pamilya. Wala itong naikwento tungkol sa ama ng kanyang anak kaya naisip kong ayaw nitong mapagusapan ang kahit anong tungkol doon.
Nang natapos kong ihanda siya ay inalalayan ko sya patungo sa therapy room kung saan naghihintay ang therapist nito tsaka ako nagpaalam muna upang bilhan siya ng cravings nya. Hindi man ito naglilihi ay tiyak na mas gagaan abg mood at gagana ang kain nito kung gusto nya ang pagkaing ihahain sa kanya.
Cristoffer Ybarra Stavros'
"Hey, bestfriend..." nakangisi kong untag kay PJ ng lumapit ito sa akin. Naupo ito sa tapat ko at napailing ng makita ang nga dala kong pagkain na niluto ng aking Amelia para rito.
Noong nagtungo ako rito sa Switzerland, una akong pumunta rito sa facility dahil ayon sa report na binigay ni Renz ay dito sya nagtatrabaho, but sa halip na si Amelia ang natagpuan ko rito ay si Peol Jay Gernome. Nagkagulatan pa kaming dalawa noon.
"Someone's happy huh?" komento nito na ikinangisi ko lalo tsaka itinulak patungo sa kanya ang lunchboxes.
"I am. Don't asked why baka mainggit ka at umiyak dahil wala ang sweetheart ko rito." mapang-asar kong saad.
Ngumiti lamang ito at nailing bago inabot at binuksan ang isang lunchbox.
"I guessed, you found her huh?" anito at sinimulang kainin ang laman na Filipino dish nung lunchbox. "Kinda missed this. Thanks, Stavros." anya tsaka sumubong muli ng sinigang at kanin.
"Yeah. She actually cooked those foods kahit na masama loob ko dahil may ipagluluto syang iba bukod sa akin ay pinalagpas ko na lang since you are my bestfriend and I am happy to be with her."
Natawa ito at naiiling na tila hindi makapaniwala sa akin. "Pussy whipped." tuya nya at pinagpatuloy ang pagkain.
"I will fly back to Philippines to check on business, family and of course them... May gusto ka bang ipadala or ipasabi?" tanong kong ng matapos itong kumain.
Natigilan ito saglit tsaka sinimulan nya iligpit ang lunchbox. "As long as they are fine and safe, I'll be fine."
"They are...I assure you that, bestfriend." at nginitian ito.
"Something off to you... Akala ko ba okay na kayo at nahanap mo na sya?" tanong nya sa akin. Concern is evident on his voice. Hindi ko na lang sya biniro.
Huminga ako ng malalim at ngumiti ng tipid. "We're fine...but something's changed..." panimula ko.
Nangunot ang noo nitong sumandal sa upuan nya. "How d'yah say so?"
"I just know...or I'm just being paranoid? I don't know. I'll figure it out soon... Basta I know my love for her will never change..." saad ko at pilit winawaglit ang isiping iyon.
May kulang... My nagbago sa kanya... Yun ang nararamdaman ko simula ng magbalik ako. Ayokong aminin... Ayokong ientertain iyon...
"Change is constant... Ybarra." napatinging ako sa seryosong si PJ. "Just make sure that no matter what change her, involve yourself. Siguraduhin mong kahit anong mangyari ipaglaban mo sya... I am telling you... Ybarra... Mahirap pag nawalan ng tunay na minamahal... Sobra" natigilan ako ng makita ang sakit na nakapinta sa mga mata nito.
Tila nakaramdam ako ng takot na baka mangyari sa amin ang nangyari sa kanila... Hindi ako papayag...
Clarity Amelia Salvacion's
"Thank you sa paghatid at sundo... Ybarra.I'll cook for dinner" saad ko ng nakangiti rito bago naunang bumaba ng sasakyan.
Naramdaman ko ang pagmamadali nitong pagsunod sa akin papasok ng unit. "You should wait for me to open the car door for you...jowa. Ang kulit mo talaga." anya sa akin na tila isang batang nagtatampo.
Ngumisi naman ako at naiiling sa kanya. "Kaya ko naman kasi, Ybarra. Arte mo." saad ko matapos kong iwanan ang mga gamit ko sa salas at nagtungo agad ng kitchen. Naghugas muna ako ng kamay bago hinanda ang mga lulutuin ko.
"Still... You must let me do thing for you okay?" pangungulit nito kasabay ng pagyakap nito mula sa aking likuran, nabitawan ko tuloy ang hawak kong carrots sa gulat ko rito.
Ramdam na ramdam ko ang mainit nitong hininga sa aking batok at tainga na naghahatid ng kakaibang kiliti sa akin...
"Ybarra..." mahina kong saway sa kanya na tila ungol na lumabas. Hala sya!
Naramdaman ko ang mas paghigpit ng yakap nito sa akin at ang pagtatanim ng maliliit na mga halik sa aking batok na naghahatid ng kakaibang init at kilabot sa aking pagkatao... Mariin kong kinagat ang pangibabang mga labi upang pigilan ang pagtakas ng mga makasalanang tunog mula sa aking bibig...
"Mahal kita..." bulong nito sa akin na nagpabilis ng tibok ng puso ko. "Sobra pa sa labis... Umaapaw at wala ng pagsidlan... Amelia... Mahal na mahal kita." dagdag pa nito. Alam kong hinihintay nito na suklian ko ang mga winiwika nito... Ngunit hindi ko mahanap ang boses para roon... Tanging ang pangalan lamang nya ang aking nasambit...
"Y-Ybarra..."
"Alam ko... Amelia. Hindi mo kailangan magsalita ngayon... Wala kang tanong na kailangang sagutin... Gusto ko lang ipaalam sayo na mahal kita... Tunay na mahal kita... Amelia. At pupunan ko kung ano man ang kulang sa pagitan nating dalawa... I will fill those empty spaces and suffice the love for both of us. I will earn you... Hahanapin at paghihirapan ko iyon... My love. " anya sa pinakasinserong tono na aking narinig mula sa kanya. Alam kong alam na nya ang nararamdaman ko.
Na...
Alam nyang may nagbago na... At may kulang na sa parte ko...
Hindi ko maiwasan ang hindi masaktan para rito...
Bakit kung kailan mahal na nya ako... Ay tsaka naman tila wala na akong pagmamahal na tulad ng dati na natitira para rito? Na... Hindi na tulad ng dati ay tila ba nahumaling lamang ako sa ideyang mahal ko sya... Kahit na wala na talaga...
Nalilito ako...
Naguguluhan...
At isang tao lamang ang pumapasok sa isipan ko na naging dahilan ng lahat ng ito...
Hendricks....
BINABASA MO ANG
Stavros 8: Let You Go
RomanceI've been through hell and back again I've come to understand that when You tell me that I can't pretend I either care about your stuff Make the most of the things that might be rough I let you go Oh, holding out hope for you Holding out hope, Holdi...