18

418 22 6
                                    

Clarity Amelia Salvacion's

"Jowa, let's go out on a date..." napangiti ako sa bigla nitong pag-aaya. Dalawang araw bago ako tuluyang gumaling. At sa dalawang araw na iyon ay hindi umalis si Ybarra sa tabi ko. Ang trabaho nya ay dinadala na lang dito ni Mr. Alejandro dahil nanggagaling sa main office ng Stavros ang mga iyon.

Kahapon naman ay nakilala ko si Southeast del Gado...napagwapong nilalang pero mas gwapo pa rin sa paningin ko si jowa ko. May pagkaseloso pa man din ito... May mga pinag-usapan sila tungkol sa kung ano... Na may ideya naman ako... Ayaw kasing sabihin sa akin ni Ybarra dahil hindi naman daw importante... Pero ayaw maniwala ng puso ko dahil alam kong mahalaga iyon...

Pinalis ko na lang ang ideyang iyon. Tulad ng pangako ko ay mamahalin ko na lamang siya hangga't akin pa siya... Hangga't pwede pa.

"Gastos lang yun jowa. Lutuan na lang kita ng lunch natin?" saad ko rito.

Ngumuso naman ito kaya pinatakan ko sya ng halik sa mga labi na nagpangisi rito. Nako... Clarity Amelia... May kurot ka sa singit galit kay Mother Superior nyan... Landi landi mo.

"Money is never an issue here, jowa. I earn for us to spend. And I want to date my girlfriend. Can you make it happen, jowa kong maganda?" napanguso ako para pigilan ang kilig na nararamdaman ko. "C'mon... Jowa... Let's have a date... Hmmm?" anya pa na ikinangiti ko ng tuluyan. Wala tuloy ako nagawa kundi ang tumango. Daig pa ang nanalo sa loto ng boyfriend ko na napasuntok pa sa hangin tsaka ako hinalikan sa labi bago sinabihan na magbihis na.

"JOWA ANO PALA DAPAT ISUOT?" Sigaw ko mula sa loob ng kwarto.

"Jowa... Wear whatever you are comfortable with okay?" bilin nito mula sa labas.

"Okay!" sagot ko tsaka kinuha ko ang mahabang palda ko na kulay puti at itim na plain fitted na tshirt. Inilapag ko muna iyon sa kama tsaka ako nagtungo sa banyo at naligo. Saglit lang naman ako kung maligo at agad na nag-ayos. Nagsandals lang akong itim na flats... Nagpulbos at liptint lang ako. Tsaka nagsuklay. Tapos ay lumabas na...naratnan ko ang gwapong gwapo kong jowa na nakacoat na black at underneath na plain white turtle neck shirt then white pants. Nakablack armanj leather shoes pa ito.

Nako... Apakayayamanin talaga ng hitsura ng jowa ko. Ayieh! Sarap i-kiss  ng matagal. Joke!

Napatingin ito sa akin at napangiti siya ng makita ako. Nilapitan nya ako at hinalikan sa mga labi. "My lovely girlfriend." bulong nya ng isandal nya ang noo sa akin at habol habol ang hininga.

Napangiti naman ako kahit mainit ang pisngi ko. "Gwapo ng jowa ko. Sarap pa mag-kiss." puri ko rito na ikinahalakhak nito bago ako niyakap ng mahigpit.

"Let's get going... Jowa. Baka hindi na kita ilabas dito..." makahulugan nitong saad na ikinanguso ko na lang.
Tsaka nagpatangay na lamang sa kanya palabas ng unit. Nagtataka pa ako ng sa rooftoo nya ako dinala at hindi sa parking... Napanganga na lamang ako ng makita ko ang naghihintay sa aming helicopter...

" Hala sya jowa! Sabi ko na gastos mo e! Lutuan na lang kita ng lunch nat--"

"C'mon jowa... You already agreed to go on a date with me. Gusto kong maging espesyal iyon. Naplano ko na lahat... So please jowa...date na tayo..." pangungumbinsi nito.

Huminga ako ng malalim tsaka napipilitang pumayag sa kanya. Inalalayan nya ako pasakay ng helicopter at sinuotan pa ako ng gears. Kumapit ako ng mahigpit sa kanya na agad naman nyang naintindihan kaya niyakap nya ako ng mahigpit. Hindi pa talaga kasi ako gaanong sanay sa helicopter. Mas nakakatakot kasi ito kaysa eroplano.

"Look at outside, jowa." he said mariin akong umiling na ikinatawa nito. "C'mon, my love... Take a look... You'll be missing one of the most breathtaking view of the world." saad nya sa di ko inaasahan itatawag nya sa akin ay iyon pa kaya napatingin ako sa kanya... Hindi ko alam pero parang magkahalong tuwa at sakit ang naramdaman ko dahil doon... Ngumiti ito sa akin tsaka nya marahang iniharap ang aking mukha sa labas ng bintana... Napasinghap ako sa nakita kong kagandahan ng tanawin... Kung sanang wala akong dinaramdam na kirot sa puso ko ay sigurado akong mas maeenjoy ko ito lalo na at kasama ko ang mahal ko.

Stavros 8: Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon