Chapter Eight

525 15 0
                                    

BUSOG na busog kaming pareho pagkalabas ng restaurant. Halos di ako makahinga sa dami ng kinain namin. Nagpahinga kami saglit sa kotse niya. Nakasandal lang ako sa headboard ng upuan. Tawang tawa ako habang nakatingin sa kanya. Halos pumutok na yung mga butones ng suot niyang shirt sa kabusugan niya. That was worth our money. I feel so satisfied.

Marahan akong lumapit kay Hunter saka hinawakan ang tiyan niya. "You look pregnant." Biro ko.

He laughed. "So are you."

We both laughed. Tinaas ko ang suot na shirt at hinawakan ko ang tiyan ko. I'm wearing a crop top kaya malamang na mapapansin ng mga tao ang tiyan ko. Ni halos di na kita yung konti kong abs. Halatang napasabak sa kainin. I don't even care. I just enjoyed my moment with Hunter so much.

Tumingin ako muli sa kanya. Napansin kong nakatitig siya sa may dibdib ko. Hindi ko napansin na kita na pala ang bra ko nang itaas ko ang suot na shirt. Nag-iwas siya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.

"I feel so full." Sambit ko para patayin ang katahimikan na pumalibot sa amin.

Tumikhim siya. "Should we go?" Aniya.

"Gusto mong magpahangin na muna bago ka bumalik sa opisina?"

He looked at me again. "Sure. I need to digest all we ate before I go back. Where do you want to go?"

I clicked my fingers. "I know a good place." Wika ko.

I opened his GPS saka nilagay ko roon ang address na naisip. May lugar kami na nadalas naming pinupuntahan ng mga kaibigan ko noong nasa college pa kami. We barely go there together now but since I quit my job I always find myself visiting that place. Natuwa ako nung makitang halos walang pinagbago yung lugar. We built a tree house in a big tree in there. That lot is owned by my family. We were meant to build a house in that lot for me and Rina but when we decided to live with our friends after highschool, it never happened. We beg dad not to cut the tree. We find it fascinating. It looks really old. We thought it's better if we leave it alone. Then one day we just made a tree house above that big tree and halos araw-araw ay doon kami tumatambay.

Sinabi sa amin ni daddy na ibibigay niya yung lot sa kung sino man ang unang ikakasal sa amin ni Rina. We both agreed na kahit anong mangyari di namin puputulin yung puno. If one of us inherits it, we'll probably just build a house around it. It's sentimental for us. Our memories of good old days grew together with that tree.

Pagdating namin sa destinasyon, agad na lumibot ang mga mata ni Hunter sa paligid. Eto ang pinaka-peaceful na lugar na alam ko. Malayo toh sa mga naglalakihang building at bahay. There are other trees surrounding the big tree. Tanging tunog lang ng kalikasan ang maririnig mo. It's like you're not even in the city. May maliit na lake din di malayo sa tree house. It's super pretty!

"What is this place?" Mangha niyang tanong. "Ngayon ko lang nalaman na may ganitong lugar pala rito."

Lumapit ako sa kanya at agad na kumapit sa braso niya. "My parents own this land. My friends and I used to come here when we were in college."

Tumangu-tango siya. "This looks peaceful."

Napangiti ako sa sinabi niya. Hinila ko siya papunta doon sa puno. Nagulat siya nang mapansin niya ang tree house na nasa taas. He didn't notice it earlier dahil nag-camouflage yun sa puno.

"Do you want to go up?" I asked.

Tumingin siya sa maliit na hagdang pinako lang sa puno saka nag-aalinlangang lumingon sa akin. "I don't think it's safe lalo na sa sitwasyon ko ngayon. We just ate a whole buffet, Lana" paalala niya sa akin.

I chuckled. "Don't worry, it's really strong. Kakabisita ko lang dito like a month ago. I replaced those old staircase. Saka kung mahulog ka, sasaluhin naman kita." Biro ko.

False God: Hunter Arcello (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon