NAKATULALA lang ako habang nakahiga sa guest room nina Shantal. I lost consciousness earlier dahil sa sobrang pag-iyak ko. Paggising ko, andito na ako sa kwarto. Nang maalala ko lahat ng nalaman kanina, parang nagkapira-piraso na naman ang puso ko. Akala ko naubos na lahat ng luha ko kanina but here I am again. I don't know how to stop myself from crying. I feel so heartbroken for Hunter. How do I face him later? Malamang iiyak lang ako sa harap niya. I'd break down seeing his face and remembering how he looked like in those photos. I don't want him to see me like this. I don't want to tell him what I found out. I don't want to see his gentle eyes perturbed. It will kill me.
Sinubukan kong panuorin ang clip ni Shantal pero alam kong hindi ko yun kakayanin so I just asked her to delete it completely. I read that it was the footage of his parents shooting themselves. Shantal told me na sinira nung mga pulis ang lahat ng footage na nakuha nila sa crime scene and yun na lamang ang tanging natira. Hindi niya alam kung bakit nila iniwan yun. Maybe they used it for something. I don't know either.
Pinahid ko ang mga luha ko nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok roon si Shantal. Paano nga ba niya ako nadala rito? I guess nakauwi na si Phillip. She must have asked him to put me here.
"Okey ka na ba?" Tanong ni Shantal.
Hindi ako sumagot. Alam kong magsisinungaling lang din naman ako. I'm obviously not okey. I mean, how do I even make myself feel better after that? Ngayon naiintindihan ko na kung ba't ayaw magkwento ni Hunter. Maliban sa gusto niya iyung makalimutan, malamang ay pinoprotektahan niya lang ako.
Umupo si Shantal sa tabi ko. Inalalayan niya akong umupo at binigay sa akin ang hawak niyang baso ng tubig. Agad ko iyung ininum. Nauhaw ako dahil sa pag-iyak kanina. My throat's literally dry.
"Gusto mo bang umuwi? Ihahatid ka na namin ni Phillip."
Mabilis akong umiling. "C-Can I stay here for awhile?" Namamaos kong tanong.
Kumunot ang noo niya. "You want to stay here? Hindi mo ba...-- hindi mo ba kakausapin si Hunter?"
May luha na namang tumulo sa mata ko nang marinig ang pangalan niya. "H-hindi ko alam kung paano. I-I need to clear my head first. I dont want him to see me like this."
Niyakap niya ako saka hinagod ang likod ko. "Then stay here as long as you want. I know this isn't easy for you. Give yourself time to think and decide how you should face him."
"T-thank you."
Sandali kaming nanatili lang na nakayakap sa isa't isa. I tried to calm myself down. Hindi mawala sa isip ko si Hunter. May plano kami ngayong gabi pero may pakiramdam akong di ako makakarating. I will only ruin our moment. I'm not ready to face him yet. Don't get me wrong. Hindi na magbabago ang nararamdaman ko para sa kanya kahit ano pa ang mangyari. I still love him kahit matapos lahat ng nalaman ko. In fact, mas lalo ko lag gustong manatili sa tabi niya para alagaan siya. Alam ko lang na mahihirapan akong kontrolin ang emosyon ko pag nagkaharap kami. Palalalain ko lang ang sitwasyon. Ang tanga ko pa naman pag ganitong wala ako sa sarili.
"Do you want something to eat or drink?" Tanong ni Shantal pagkuway.
Umiling ako. "I'm fine. But thank you. If.... If someone comes looking for me, tell them I'm not here."
She nodded. Mukhang naintindihan niya ang ibig kong sabihin. "Don't worry. Hahayaan kitang mapag-isa na muna. Kung may kailangan ka, bumaba ka lang. Wala akong pasok ngayon so andito lang ako sa bahay. You can tell Phillip if you need something too." Aniya.
"Thank you." Tipid kong wika.
She kissed me on my forehead. "Magpahinga ka na muna ulit. Your eyes look so tired from crying."