Chapter Sixty Three

590 21 0
                                    

"WHERE is your ring?" Nagtatakang tanong ni Hunter habang nasa sasakyan kami papunta sa salon for the opening party. I'm super excited.

Tiningnan ko ang kamay ko. "In my purse?" I answered casually.

Kumunot ang noo niya. "Why did you take it off?"

I shrugged. "Can't I take it off?"

"I mean... You can. But... Hindi ba dapat suotin mo yun ngayon? I'm planning to tell everyone about our plan to get married. So..."

Actually, my naisip akong plano kagabi. We need to talk about his trauma but I am not opening that up first. I don't have the right to. But I can force him. Alam kong ang harsh pakinggan pero hangga't di niya nilalabas ang totoo niyang nararamdaman, I don't think we'll be able to move on. May plano na kaming magpakasal. I don't want secrets between us. Alam kong masisira lang nun ang relasyon namin.

"Do you have to tell them now?" I asked innocently. "I mean, I said yes but that doesn't mean I will marry you right away. Ang totoo niyan, pinag-iisipan ko pa kung talagang worth it ba na magpakasal tayo agad. Ni wala pa tayong isang taon. Let's keep it a secret for now hanggang sa buo na ang isip ko."

He looked at me funnily. "What? But you wanted us to marry as fast as we possibly can. Bakit naman pag-iisipan mo bigla kung worth it ba ang desisyon natin?" He asked sarcastically.

I shrugged. "Can't I change my mind? Isa pa, napag-usapan na natin na magpapakasal lang tayo pag na-solve na natin ang lahat ng issues natin. Sa pagkakaalala ko, di mo pa ako completely wine-welcome sa buhay mo. You haven't told me your secrets yet. I'll wear it back once you decide to finally tell me about it. Let's not tell anyone about our plans yet. Who knows? Baka magbago pa ang isip nating dalawa, diba? Hindi magwo-work ang relasyon natin kung patuloy tayong magtatago ng sekreto sa isa't isa." I said calmly.

Magsasalita pa sana siya nang huminto na ang sasakyan. Nasa harap na kami ng salon. Agad kong napansin ang napakaraming taong naghihintay sa labas. This isn't really the official opening. Tanging mga kakilala lang namin ang inimbitahan namin ngayon para mag-celebrate or something like that. Bukas na kami tatanggap ng customers but a lot of people made a reservation a couple days ago so yun na muna ang ie-entertain namin.

Napakunot ang noo ko nang makitang may mga reporters sa labas. Lumapit sa amin ang mga bodyguards ni Hunter na di ko alam kung kailan dumating. Pinagbuksan kami ng mga ito ng pinto. Nauna si Hunter na bumaba saka inalalayan niya ako. Agad kaming nilapitan ng mga reporters at inatake ng tanong. The guards stopped them from getting near us. Nasa likod na ang ibang bisita kung saan gaganapin ang maliit na party. There's like a small gate na nasa gilid kung saan sila papasok. Nakaabang doon ang ilang bodyguards ni Hunter pati na rin ang sekretarya niya to check kung may invitation card ba sila. I'm glad I listened to Hunter about sending invitation letters. Inexpect niya na na may mga reporters na makikihalo sa mga bisita so we decided to make this exclusive. Hindi lang namin inexpect na ganito kadami.

But we will be entertaining other people too. We prepared food for them na nasa gilid. Everyone's welcome to eat kahit yung mga reporters. Hindi ko alam kung kailan namin icu-cut yung ribbon. Maybe a couple minutes later? I don't know. Masyado pang maraming tao dito sa harap. We'll probably wait for our family and friends para present sila sa picture taking.

Hinawakan ni Hunter ang kamay ko. Why are these reporters so vicious? Like geez. Relax, people.

Nagtungo kami ni Hunter sa likod para batiin ang mga bisita. Agad silang napatingin sa amin nang makita kami at pumalakpak. Ngumiti ako sa mga ito. Isa-isa silang lumapit sa amin para i-congratulate kami sa salon. Nahiwalay kami ni Hunter sa isa't isa dahil doon.

False God: Hunter Arcello (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon