Chapter Fifty Seven

606 15 0
                                    

MY friends had to leave after the weekend dahil may trabaho pa sila. We only have 3 days in the island bago kami umuwi. Tanging kami na lamang ni Hunter at ang mga magulang ko ang nagpaiwan. Medyo tahimik na dahil wala ng nagsisigawan at nag-iiyakang bata but I'm happy I'm having a lot more time with Hunter without disturbance. Lalo na ngayong... Alam niyo na... Magaling na siya. I mean, we're not sure about that yet. Minsan nahihirapan pa din siya. Minsan naman bigla na lang siyang maa-arouse kahit nakatingin lang sa akin. He's having a hard time controlling it. He agreed to meet a doctor once we leave the island. Sasamahan ko siya. He also promised to see a psychologist for a counseling. He's in a great mood dahil nagi-improve na siya kaya oo lang siya ng oo sa lahat ng suggestions ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari pero di na lamang ako masyadong nag-iisip. This is a great news, okey. I'm just happy for him and for us.

Anyway, andito kami ngayon sa likod ng guesthouse. Tinuturuan ako ni Hunter na magtanim kasama sina mommy at daddy. Wala kaming magawa and there are like small plants na di pa natatanim so we thought we should do it.

"Paano kung umalis na tayo? Mabubuhay ba ang mga toh? Di ba sila kailangang diligan?" Tanong ko kay Hunter.

Tumingin siya sa akin. "Magpapadala ako ng magbabantay nitong isla pag wala tayo. Ibibilin ko na lang na i-check na rin ang mga tinanim natin to make sure na maayos lang sila. But other than that, as long as there's water, they can live on their own."

"May nahanap ka ng caretaker nitong isla?" Tanong ni mommy kay Hunter.

Tumango si Hunter. "He was one of my father's bodyguards. He used to be part of the military. Kilala ko na siya bata pa lang ako kaya may tiwala ako sa kanya."

"And he agreed? I mean, this is an isolated island. Malayo sa syudad. Wala ba siyang pamilya?"

"Hiwalay sila ng asawa niya. May mga anak siya pero matatanda na ang mga ito't may sarili ng pamilya. Right now, he doesn't really have anyone so he agreed para daw may mapaglibangan naman siya. I offered him a big salary too. I know it's not easy to take care of an island. I'm actually planning to hire one more para naman may makasama siya. I will be leaving my boat in here so he could use it in case of emergency o kung may kailangan siyang puntahan sa syudad. He could use it to patrol the island in case there are intruders. I am still planning to tighten the security around the area so no one could enter."

Nagpatuloy kami sa pagtatanim. Nang mapagod ay umupo na muna kami sa ilalim ng malaking puno. Naglagay kami ng tela roon na mauuupuan namin..Mom prepared some snacks and drinks too. Para lang kaming nagpi-picnic. I can't believe I'm doing this with my parents. Never in a million years did I imagined planting a tree with them or just sitting with them under a shed while eating and talking. These all happened because of Hunter. Napalapit ako sa kanila dahil sa kanya.

Uhaw na uhaw ako dahil sobrang init ngayon sa isla. Grabeh! Dalawang baso din ng juice ang nilagok ko. Sumandal ako sa balikat ni Hunter. Inikot niya ang kamay sa beywang ko. "Imagine raising our kids here." Bulong ko.

Ngumiti siya. "Do you want to live here?"

"Well, it's not a bad idea. Pero alam kong hindi ka pwedeng manatili dito. May trabaho kang kailangan mong asikasuhin. Saka may salon na rin akong ima-manage pag-uwi natin. Pag may mga anak na tayo, gusto ko lang na dalhin sila rito every summer o kung kailan vacant tayong pareho. I want them to have childhood memories in this beautiful island. I think they'll love it. We can build a small playground near the guesthouse."

"That sounds like a great idea. Let's do that." Aniya naman.

I giggled. "Mas lalo akong nae-excite. I seriously can't wait to have kids with you."

False God: Hunter Arcello (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon