Chapter Nineteen

574 16 0
                                    

INUWI ako ni Hunter sa bahay kung saan ang mga kaibigan ko. Pagdating namin, agad akong pumasok sa loob. Ni di ko na inimbita si Hunter at sumunod na lamang siya sa akin. Nang makapasok sa bahay, una ko agad na nabungaran si Rina na kakababa lang ng hagdan. Agad na nag-abot ang kilay nito nang makita ako.

"So you finally decided to show up." She said sarcastically. "Alam mo ba kung gaanong nag-alala sin--"

Hindi niya natapos ang sasabihin nang lumapit ako sa kanya at mahigpit ko siyang niyakap. "I miss you." Wika ko at di na napigilan ang mapahikbi.

Hindi siya nagsalita. Mukhang nagulat siya sa reaksyon ko. Naramamdaman ko lang ang kamay niyang pumalibot sa katawan ko at mahigpit akong niyakap pabalik. Para akong bata sa lakas ng pag-iyak ko. Rinig ko ang malalakas na kalabog ng mga paang pababa ng hagdan. Tumingala ako. Nakita ko sina Joey at Tiffany na takang takang nakatingin sa amin. Why are they all home? Wala ba silang trabaho?

"What is happening here?" Nakakrus ang mga brasong tanong ni Joey.

Umalis ako sa pagkakayakap kay Rina at yumakap naman sa kanilang dalawa. "I miss you guys." Namamaos kong sambit.

"Are you okey?" Natatawang tanong ni Tiffany.

"Why are you so dramatic today? Saka saan ka ba nagpunta? Dalawang araw kang di umuwi, girl." Anah namang si Lana.

Humagulhol ako. "Sorry di ako nagpaalam. Malamang nag-alala kayo."

Hinagod ni Tiffany ang likod ko. "It's okey. We were worried, but you're not a kid anymore. We know you can take care of yourself. Wag ka na umiyak."

Matapos ang ilang segundo ay umalis na ako sa pagyakap sa kanila saka bumalik kay Rina. She looked at me funnily pero niyakap din naman ako pabalik.

"I miss you too." Bulong niya at hinalikan ako sa noo.

Tumikhim Joey. Pansin kong nakatingin sila ni Tiffany sa likod namin. Parehas kaming tumingin ni Rina doon. Ngayon ko lang naalala na kasama ko nga pala si Hunter. Naiilang siyang ngumiti sa kanila at bumati. Bumaling ang tingin nina Rina sa akin na para bang nagtatanong.

I bite my lips. "Uhm... I know you all know him already." Wika ko.

Pinanliitan ako ng mata ni Rina. "Siya ba ang kasama mo nitong nakaraang dalawang araw? Did you run away with him?"

"You what????" Sabay na gulat na sigaw nina Tiffany at Joey.

My eyes widened. "No. I mean, magkasama kami nung nakaraang dalawang araw pero hindi ako sa kanya nakatira. I wish I did though."

Marahan niya akong pinalo sa noo ko. "You're such a headache. Sobrang nag-alala si mommy sayo. Saan ka ba nagpunta? Dad won't tell us."

Huminga akong malalim. I don't think Caleb wants me to tell Rina or mom. Sigurado kasing guguluhin nila siya pag nalaman nila na tumira ako sa kanya ng dalawang araw. Ilang taon na siyang di nagpapakita sa mga magulang namin. That's why he was mad when I told dad where he lives.

"It's a secret. But I'm back now." Sagot ko.

"I think you actually live with him." Nagdududa niyang wika at tumingin kay Hunter. "So you didn't listen to my warning. You do like my sister."

Tumikhim si Hunter. "I love Lana. But she's telling the truth. She didn't live with me." Seryoso niyang wika.

Malakas na napaubo sina Joey at Tiffany. Mukhang nagulat sa sinabi ni Hunter. "You love her???" Joey asked unbelievably.

Lumapit ako kay Hunter at kumapit sa braso niya. "He does. He's my boyfriend now." I said proudly.

"So you actually did it. Wow. Ikaw na." Manghang wika ni Joey at pumalakpak.

False God: Hunter Arcello (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon