XLVII THE LAST MOMENT (UNTOLD)

276 20 0
                                    

Kabanata 47

The last moment

Hindi talaga maiiwasan na malungkot sa ganitong pagkakataon. Ang hirap-hirap tanggapin pero kailangan harapin na walang permanente sa mundo. Kailangan natin magpatuloy, kahit magkakahiwalay na kayo ng taong nakasanayan mo na.

Paano pa kaya yung mga simula kinder magkakasama na noh? Yung lahat ng memories na maalala nila simula pa talaga, maglaro, madapa, mag-away, mag-agawan, mabuo ang mga relasyon na akala mo pang matagalan. Mga alaalang simula pa lang nandiyan na pero sa bandang huli darating at darating ang isang araw na mapuputol lang din talaga ang lahat. 

Nang dahil sa vacant isinara namin ang room namin, it's time to adventure raw kasi. Sama-sama kaming naglakad pababa sa building namin. Nang makasalubong namin yung crush ni Cristian ay pinagtutulak siya ng boys kaya halos mamula na ang tainga ni Cristian sa hiya. Nasira rin ang polo niya, natanggal yung butones kaya mukha na siyang narape plus yung buhok niya pa magulo.

"Tara na, libutin na natin ang school. Maghasik ng katarantaduhang tayo lang ang may alam!" sigaw ni Zeun. 

Halos libutin nga namin ang buong school pero lahat kami ang nakaline up. Kailangan sundan naming lahat kung saan man pupunta, saan man papasok si Zeun. Kapag humiwalay ka, ikaw ang magpapakain sa humility ng one week.

Sobrang kahihiyan namin ng pumasok kami sa isang room, as in pumasok lang kami ng walang pasabi plus madami pa kami at magkasunod-sunod lang. Pumasok sa entrance si Zeun at lumabas sa exit, nakatingin lang sa amin ang nasa klase at nakatulala.

Nakakahiya at least sama-sama.

Nang nasa school hallway na kami ay may nakasalubong kami na galing section A sa grade 8. Hinulog ni Tim at Zeun ang nilukot na papel sa tabi ng madadaanan ng mga ito.

"Ma'am, nagkakalat sila oh. Grabe nasa class A pa naman wala man lang pagmamalasakit sa kapaligiran," madramang usal ni Zeun na sinang-ayunan naman ng bawat isa sa amin.

"Bad, ma'am. Very wrong sila sa part na yan," sabi ko ng tingnan ako ng masama ng nasa unahan nila. "Ma'am, grabe siya makatingin." Turo ko sa lalaki. 

"Hoy crush mo ba si Andrea?" tanong naman ni Austin. "Hindi yan available sa nasa class A." Tumango na lang ako basta saka kami nagpaalam kay ma'am. 

Nagulat kami ng may bumato sa ulo ko ng lukot na papel. "Ma'am, binato ako oh!" Turo ko sa papel na nasa lapag na kaya napalingon si ma'am na dapat paalis na.

"Kapag binato ka ng papel batohin mo ng pagmamahal," sabi ni ma'am kaya natawa kami. "Class A, pulutin niyo kalat niyo." 

Sumunod na ang mga classmates ko kay ma'am, naglakad na ako pero lumingon ulit ako sa kanila saktong nakatingin pa si kuya. Nagwave ako saka nag-flying kiss kaya itinulak siya ng mga kasama niya kaya nabadtrip kaya sumunod na lang ako kina ma'am baka ako pa ang mapagbuntongan ng galit ng mga yun.

***

"Andyan na si sir!" sigaw ni Zeun pagpasok sa room. Nag-dribble pa siya kunwari at nagpashoot saka tumakbo papalapit sa akin. 

THE UNEXPECTED PRESIDENT OF SECTION HUMILITY (COMPLETED) PART ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon