V MISUNDERSTANDING

435 30 0
                                    

Kabanata 5

Misunderstanding 

Minsan akala mo okay na pero hindi pa pala. Minsan kahit ayos na, babalik at babalik pa rin ito sa dati at mas lalong komplikado na. We easly appreciate a different kind of things pero parang ang dahil lang mawala, parang ang dali magbago. Magigising ka na lang na nakalimutan na naman nila yung kahapon.

Sabi na ma'am may ibinigay na punishment si Dean, kailangan namin na manalo sa PE contest or magcocommunity service kami for 3 days. Hindi pa ba sapat yung itinakbo namin? Hindi pa ba sapat yung effort namin? Minsan kasi talaga kahit anong effort mo kulang na kulang pa rin depende sa taong pinag-alayan mo nito.

"So guys, bukas na yun. Kailangan natin magpractice ng magpractice."

"For me ayos na magcommunity service na lang, wala naman tayong laban. I mean, malamang yung mga nasa kabilang section ang papanigan," sabi ni Zat.

Actually, tama siya. Walang-wala kami sa ibang section na kahit gawin namin best namin, hindi nila iyon makita. Yes, unfair. Hindi naman kasi talaga nawawala yin diba? Para kaming ampon sa school na ito, parang tanga talaga kami oo ganito talaga. 

"Please, ang nenegative n'yo. Ganyan na ba talaga kayo ka walang k'wenta? Kung gusto n'yo magcommunity service, huwag n'yo ako idamay!" sigaw ni Frei.

"Sa tingin mo madadamay ka? May sakit ka diba? Bawal ka mapagod, huwag ka maarte. Lagi mo naman backup parents mo," sabi ni Shardein.

"Bakit ba gustong-gusto na lagi kang nasa taas?" tanong ni Archie na ikinagulat namin.

"Gusto niyo malaman!" hasik ni Frei.

Naglakad siya at pumunta sa may gitna. Ibinagsak niya ang hawak niyang libro sa sahig kaya nagulat halos lahat sa amin.

"Kasi kapag nanalo ang section na ito, ililipat na ako ng section, hindi na dito sa bulok na section na 'to! Wala man lang kafuture-future!"

Susugurin na sana ni Nathalia si Frei pero hinawakan siya ni Nathaniel para pigilan. Alam ko naman na naging nega na si Zat pero wala siyang karapatan na sabihin na walang kafuture-future ang section na ito. Itaga nila sa bato, magiging successful din ang section Humility. 

"Tang*** mo! Doon ka sumiksik sa mga barkada mo sa section ng matatalino! Walang pumipigil sayo!" nangigigil na sigaw ni Nathalia.

"You're being too much, Frei. Wala ba kaming halaga sayo? Gagamitin mo ba talaga kami?" malungkot na tanong ni Zeun bago namartsa palabas.

"Ganoon na lang ba yun sayo?" tanong ni Austin.

Ngayon ko lang nakita na emosyonal ang mga boys, halos lahat lumabas na sa room at natira na lang kami ni Frei. Alam ko na sumusobra na talaga siya sa oras na ito.

"Kung yan ang gusto mo. Masusunod Frei." Tuluyan ko na rin siya iniwan para lumabas. Break naman ngayon kaya kakain muna kami.

Habang kumakain ay walang kibo ang lahat. Sobrang apektado lahat. When it comes to boys, ginagawa nila lahat para sa amin. May k'wenta sila, mahalaga kami. Nakakalungkot na kung gaano ko ipinagpapasalamat na kasection ko ay siyang namang sa pag-ayaw ni Frei sa amin. 

Nang nakabalik kami ay nagpractice agad ang lahat. As in parang pinipilit lang nila. Nang dumating si Frei ay pinagpractice siya ng boys. Free day ng lahat ngayon para sa preparation. Wala na ring kibo pa si Frei.

"I already sent the design or our outfit for tomorrow sa gc, maghanap na lang kayo noon, para magkaroon ng buhay PE uniform natin."

Hanggang hapon nagpractice kami, maaga ang uwian kaya inayos na agad namin ang gamit namin for tomorrow. Umuwi rin kami ni Tim, walang gana tumambay. Nang makauwi ay nadatnan ko si kuya na hawak laptop niya na nakaupo sa sofa. Naupo ako sa tabi niya at isinandal ang sarili sa arm rest nito.

THE UNEXPECTED PRESIDENT OF SECTION HUMILITY (COMPLETED) PART ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon