XV MY HERO

325 30 1
                                    

Kabanata 15

My hero

Everything was perfect, not actually. Naging less na ang pag-aaway, puro na lang talaga kulitan. Nagkakaroon na rin talaga ng mabuting usapan at unity. Ma'am Grazielle always cheering up us when some students or professor and even our dean downing us. Yeah, walang kung sino-sino para kay Dean.

We're just a student na ginagawa ang lahat hanggang sa abot ng aming makakaya hindi nga lang nawawala ang kakulitan. Kasi bata kami, I mean alam ko na darating din ang araw na mag-iiba na ang lahat. Na mawawala na yung kulitan at magkakahiwa-hiwalay na. Hindi naman na kasi talaga yun maiiwasan.

"Noah, masakit ah!" Kinurot niya kasi ang pisngi ko. "Hindi ako cute, ogag ka!"

"Mamimiss kita." Naningkit ang mga mata ko.

"Aalis ka ba?" takang tanong ko.

"Wala lang, feeling ko lang dapat sabihin ko ang lahat ng gusto kong sabihin. Mood swing." Nagulat ako ng tumawa siya.

"Weirdo."

***

Sumali ako na maglaro ng isang online game, magkakampi kami nila Nathalia, Noah, Zeun, Tim, at Asher. Pabuhat lang ako, pero okay lang naman na mamatay. Doon din naman patutungo ang lahat.

Sinusundan ko lang hero ni Noah, cancer lang ako sa larong ito. Nang may mga kalaban na ay ilang beses ako pinapatamaan buti na lang tinulungan ako ni Noah.

"Pabuhat si Andrea."

"Isa sa cancer, pati itong si Nathalia."

"Nakakapatay din naman kami ng kalaban ah, huwag kayo masyadong hambog." Natatawa na lang ako kay Nathalia.

Nang matapos ang game ay team namin ang nanalo, pero syempre si Tim ang MVP. Tinawan-tawanan pa ako ni Noah kasi siya laging nagliligtas sa akin.

"Kahit wala sa game mananatili akong superhero mo," sabi niya pa.

Binatukan ko siya kaya lumayo ito sa akin. "Masakita ah," reklamo niya.

"D'yan pa lang nasasaktan ka na. Paano pa kapag iniligtas mo na ako?"

"Basta, ang macho ko kaya."

"Macho? Patpatin ka nga eh. Matangkad ka lang."

"At least matangkad, ikaw minion."

"Hoy, singko height ko."

Pinagtawanan niya lang ako kasi pangminion pa rin daw ang 5 kaya pinagbabatukan ko siya. Wala siyang magawa sa buhay niya kaya nangtitrip siya.

***

Sa mga sumunod na araw panay ang pagtitig ko kay, Noah. Ang weird kasi ng ginagawa niya, tsaka bigla-bigla na lang siya mawawala kapag mag-uuwian na. Kapag nasa labas ng school layo siya ng layo. Napapansin ko kasi, parang may tinatakasan siya. I don't know kung sino pero hindi maganda ang feeling ko.

Today is October 28, ang bilis ng panahon. Nang mag-uuwian na ay nakaabang ako sa kung ano gagawin niya. Nang papalabas na siya ay agad din ako sumunod ng makalabas ako at pababa na siya sa may hagdan ay sinundan ko siya.

"Noah!"

Hiningal ako sa kakasunod sa kanya buti tumigil siya ng tawagin ko siya.

"Ano?" Napahawak ako sa may pader dahil nga sa hinihingal ako.

"Akala mo hindi ko nahahalata." Ngumuso ako bago sumandal na sa pader. "Ba't feeling ko lumalayo ka? Ba't feeling ko iniiwasan mo kami? I asked.

"Hindi kaya, baka nakakalimutan mo. Andrea, anak ako ng governor. May mga bagay na kailangan kung gawin para makatulong kay daddy." He smiled before he waved his hand.

THE UNEXPECTED PRESIDENT OF SECTION HUMILITY (COMPLETED) PART ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon