Chapter 50
Night Swimming
I fixed all my things in my backpack. Afterwards, we ate dinner in a restaurant along with my 3 grandfathers and Tim's family. They gave us gifts before we went back to the mansion.
Aalis din si kuya so pareho na kami nagready ng nga gamit namin. Nagsuot ako ng black spaghetti strap top and highwaisted denim pants at nagsuot ako ng peach long cardigan. Hinanap ko yung black without toe slippers ko dahil sa beach naman pupunta.
Around 9 pm nga kami sinundo ni Kieran kasama si Zuen at Zeun. Bala tatlong van at isang jeep wrangler kami, may mga driver naman na kasama dahil sa minor pa nga kami. Tumabi ako kay Zeun, nakipagpalit pa ako na sa may tabi na lang ako ng bintana buti na lang pumayag.
Nakatulog ako sa biyahe dahil sa pagod. Ginising ako ni Zeun ng nasa beach na kami, almost 4 hours din ang naging biyahe. Pagkababa namin ay syempre madilim at malamig. Kaunti lang ang tao dahil sa isa itong private beach resort na pagmamay-ari ng pamilya ni Noah. Treat ito ng parents ni Noah sa amin kaya wala kaming binayaran na entrance.
"Andrea, picture tayo!" sigaw ni Nathalia kaya napabalik tuloy aki ng lakad patungo sa kanila. Papunta na sana ako sa pampang.
Kumain na muna kami, may mga dala ring ilang mga beer at alak. Sharing sa foods kaya naman marami pa rin plus may pinahanda naman si tito na mga pagkain para sa amin.
Halos nagkwentuhan lang noon una hanggang sa may mga nagsisimula ng uminom.
"Guys, laro tayo habang hindi pa ako lasing. Laro tayo dali," excited na pag-anyaya ni Zeun.
"Anong laro naman?" tanong ni Haze.
"Simple lang, Haze my labedabs. Maglalaro tayo ng patintero..."
"Gabi na."
"Huwag kayo kj. Tara dali, hati dalawang team. Makaunang makascore ng 2 panalo ang winner tapis ang loser kailangan uminom ng dalawang shot." Pagpapaliwanag niya kaya naman sumang-ayon na ang iba. Hindi naman maglalaro ang iba kasi umiinom na raw sila so kami-kami na lang na mga isip-bata.
Nahati kami sa dalawa, team ko at team ni Kieran na vice president.
Team Kieran Team Andrea
Zuen Zeun
Asher Zat
Cristian Shardein
Nathalia Cyrus
Haze Jude
Rylee Euque
Dianne Evangeline
Kami ang unang sumabak pero talo. Nahagip ako ni Kieran parang tanga lang. Nakalimutan ko kasi na mag-ingat nasa malapit lang pala ang kalaban.
Nang sila na at kami ang taya lahat sila nakapasok pero syempre kailangan ng coordination at kanina pa talak ng talak si Zeun, siya ang nasa gitna at ako naman ang nasa isang line.
"Huwag kayo magpapaloko sa tricks ng mga yan. Umayos kayo lalasingin ko talaga kayo kapag tayo natalo..."
Natawa na lang kami kay Zeun. 2nd game wala pa ring nananalo at nakakabalik sa game.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED PRESIDENT OF SECTION HUMILITY (COMPLETED) PART I
Jugendliteratur[COMPLETED] Andrea Ryleigh Santiago becomes the president of section Humility unexpectedly without her will at first. Her classmates keep on bothering her until she approved and say yes. This is how the journey of Humility section, the worst section...