Xl TRIP

325 32 0
                                    

Kabanata 11

Trip

Parang wala rin namang pagbabago sa sitwasyon. Ang pinagkaiba lang halos lagi ata akong mukhang may security guard, lagi nakabuntot sa akin ang mga kaklase ko. Mapa-recess man yan or kahit anong klaseng break ay may nakabuntot sa akin. Ayaw nila paawat.

My mom congratulates me even my dad. Si kuya naman wala lang, feeling ko tinatawanan niya lang ako. Ayaw niya kasi ako isama, ayaw niya daw magbantay ng bata. Hindi naman na ako baby, pero pwede din namang maging baby mo.

"Cafeteria tayo." Pag-aanyaya ko sa kanila.

"Tara, gutom na rin ako." Pagsang-ayon ni Nathalia.

Kami lang nila Asher, Nathalia, Zat, Aliyah, Haze, at Evangeline ang magkakasama. Sina Asher at Zat ang bumili ng pagkain kaya naghanap na lang kami ng mapagpipwestuhan. Sa dami ng tao ay sobrang ingay ng paligid. Tila mga langaw na nalipad at sabay-sabay.

Nag-uusap-usap lang kami habang kumakain like throwback. Tawa rito, tawa roon. Matapos kumain ay bumalik kami sa room, sakto lang kasi papasok na ang next subject teacher namin. Minsan on time pero madalas late. Nandiyan pa yung tipong kumakain ka pa lang sasabihin na bilis na nasa room na si ma'am kahit wala pa naman. Syempre magmamadali ka tapos mauuwi lang pala sa wala.

May mga activities kami na ginawa. Tamad na tamad ako mag-participate pero kinaya ko naman. Natapos ang activities na talo kami, talo grupo ko, paano ba naman kasi mali naman yung words na ipinass ng katabi ko sa mali na. Yes, nagpass the message kami. Talo pero enjoy naman.

Nang dumating ang hapon napagkasunduan na pumunta kami sa Eat Now Move On Later. Nang nasa may hallway pa lang kami ay sobrang ingay na nila. Nang magsimula na kami maglakad ay nasa unahan namin sila Art. Napatitig ako sa kanya habang may kasama siyang girl, I mean may katabi siyang girl. Mukhang may ipinapaliwanag siya dito kaya napanguso na lang ako.

Laking gulat ko ng may humila sa braso ko at hinila ako patakbo. Feeling ko tinangay ako ng hangin dahil sa pagkakahila sa akin ni Zeun. Hindi ko naman alam kung ano trip ng lalaking ito.

"Bitawan mo ko, Zeun!" sigaw ko.

Napatingin sa amin si Art at pilit ako nagpupumiglas. Kaso binitawan ako ni Zeun ng nasa tapat na kami nila Art. Nakatingin sa amin halos lahat ng kasama niya maging yung girl.

"Ano sabi mo?" tanong niya sa akin.

Hindi ko siya maintindihan kaya naman nanggunot ang noo ko. Wala akong alam sa kung ano na naman ang pinaplano niya.

"Hah?" takang tanong ko.

"Crush mo si Art?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko na naman sila nagegets. Ako na naman ang pinagtitripan ng mga taong ito.

"O-oy a-ano?" nauutal kong tanong.

Anong trip ng lalaking 'to? Bakit laging gusto na lang nila ay napapahiya ako. Sa harap pa mismo ng klaseng ito.

"Seryoso ka? Crush mo talaga? Hindi kami naniniwala..."

Napatingin ako sa kanya ng patanong at taka kong itinuro ang sarili ko. Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko? Wala naman akong naiintindihan. Mukha silang nagpaprank.

"Oy h-hindi ah. Ako ba pinagtitripan mo, Zeun?"

"Crush ka daw niya, huwag kang maglala-lapit sa ibang babae."

Nagulat ako sa sinabi niya at napatingin kay Art na bakas din and gulat sa kaniyang mga mata. Napalingon muli ako kay Zeun, bago ibinalik kay Art ang paningin ko.

THE UNEXPECTED PRESIDENT OF SECTION HUMILITY (COMPLETED) PART ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon