Chapter 49
Moving up(on)
Laging nagrerecord ng vedio si Cristian. Gusto niya raw na may mahalungkat pagdating ng araw. Yung makita na ito kami noon, successful na kami ngayon sa future. Nakangiti lang akong nakamasid sa kanila habang nakangiti sila't nagbibiruan.
"Mamimiss ko 'to," sabi ni Cristian. "Ikaw ano mamimiss mo?" tanong niya habang nakatutpk ang camera niya sa mga classmates namin.
"Lahat-lahat ng kulitan, asaran, bangayan, at adventure ng section na ito mamimiss ko."
"Kapag umalis ka na sana may time ka pa rin sa amin."
"Sabihin mo rin yan sa iba. Hindi lang din naman ako ang aalis ah..."
Last practice na namin ngayon. Bukas na ang moving up ceremony kaya naman ito kami ngayon kahit gustong maging masaya ay hindi nawawala ang pangamba.
Tumambay kami sa Eat Now, Move on Later kami lang naman lagi ang tambay rito kaya mamimiss din daw kami ng mga crew at ng manager.
Lumapit sa akin si Zeun saka hinaplot ang kamay ko at may nilagay siyang bracelet.
"Friendship roped braided distance couple bracelet let yan." Pinagtabi niya ang kamay namin kaya nagkadikit ito. "Ingatan mo yan, dapat pag nagkita-kita tayo nasa saiyo pa yan."
I nodded.
Pinagmasdan ko na lang ito sa kamay ko. Ginulo ko ang buhok niya kaya padabog siyang tumayo. Hinila ko siya paupo kaya tawa ako ng tawa. Nagulat na lang ako ng biglang may yumakap galing sa likuran ko.
"He's standing behind the tree," he whispered.
Kahit hindi niya sabihin alam ko na ang tinutukoy niya kaya ni-tap ko na lang ang kamay niya. Binitawan ko si Zeun saka dahan-dahang humarap sa kanya.
"It's hurt so much," I whispered. "Wala akong ibang magawa." Niyakap na lang ako ni Kieran.
"Tama naman talaga kasi ang kuya mo. Aalis ka papuntang US, siya naman sa Germany so masurvive niyo man sa una sa tingin mo aabot sa hanggang makabalik kayo sa Pinas?" tanong ni Zeun.
"Hindi ko alam pero nananaig sa akin ang hindi. Alam ko na malabo, masisisra lang kami pareho. Siguro nga kailagan ko na lang magmove on."
Si Kieran na ang palaging naghahatid at sundo sa akin. Makakasama ko rin siya sa pagpunta ng US, tatlo kaming aalis nila kuya pero may kanya-kanya naman na kamjng buhay pag nasa US na kami. Walang alam ang parents ko sa nangyayari pero masaya sila na makita kami ni Kieran, peri sabi ni mommy desisyon ko na ito hindi na sila makikiaalam kaya hindi ko na iniisip ang iniisip nila sa amin ni Kie.
Magdodorm na lang kami pagdating doon so magkakahiwa-hiwalay pa rin naman kaming tatlo.
Natulog ako ng maaga dahil sa pagod ang sakit ng ulo. Si kuya ang gumising sa akin, nandito na kasi kami sa bahay.
"Wake up, little brat. Mapapagalitan ka na ni mommy, aattend pa kayo sa mass."
Ay shit!
Napaupo kaagad ako at pumunta ako kaagad sa cr, lumabas ulit ako ng maiwan ko ang towel ko.
"Kuya, yung damit ko sabihin mo kay mommy."
"Okay."
Dali-dali lang akong naligo. Matapos ko maligo ay agad ko pinatuyo ang buhok ko. Lagot na naman ako kay kuya kapag nalate kami.
I put on some makeup on my face before I left my walk-in closet. Paglabas ko ay nakahanda na ang isusuot ko na White mesh V-neck Tutu white pleated ruffles sexy vague dress and a pair of pumps. I slight curled my hair and put some my accessories.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED PRESIDENT OF SECTION HUMILITY (COMPLETED) PART I
Teen Fiction[COMPLETED] Andrea Ryleigh Santiago becomes the president of section Humility unexpectedly without her will at first. Her classmates keep on bothering her until she approved and say yes. This is how the journey of Humility section, the worst section...