Kabanata 7
Trouble
Today is Friday, and it's PE day. Hate na hate ko 'to, alam kung hindi lang ako. Alam ko na marami tayo, hindi ko kasi talaga bet ang PE, hindi rin ako sporty na tao kaya ewan ko talaga sa buhay ko. Baka nga bumagsak ako, sana naman hindi talaga.
"Bilisan mo na, huwag kayong babagal-bagal!"
Ayoko na tumakbo mga bhe. Masakit na ang mga paa ko. Namamanhid na ata. Grabe kasumpa-sumpa talaga sa akin ang PE.
Dahil PE namin ngayon, sabi ni ma'am Grazeille na sa trunking field na lang daw kami. Mamaya after a minutes maglalaro na raw kami. Hate na hate ko ang PE kasi naman ayoko talaga, hindi ako sporty eh. Basta hate ko, wala ng buts.
"Pagod na ako, Tim."
"Malapit na oy, huwag kang magpabuhat kasi ihuhulog talaga kita. Huwag mo akong inaano d'yan, Andrea."
"Ang sama mo."
"Dali, sasabayan kita."
Sinabayan nga ako ni Tim sa pagtakbo after naman ay pinapili kami kung anong sport ang gusto namin so I choose badminton. Kami ni Noah ang pair, siya una nag-aya eh. Buti nga pinapili kami. Ayoko sa basketball kasi halos agawan at takbuhan. Ayoko sa volleyball kasi baka matamaan ako sa mukha.
Kanina pa kami naglalaro, hindi pa bumabagsak ang shuttlecock at ngalay na kami pareho pero wala atang gusto sumuko.
"Noah, tama na." Halos hindi ko na maibaba kamay ko para ready kapag nasa base ko na naman ang shuttlecock.
"Tigil na, Andrea. Hindi ko na kaya." Pareho na ang nararamdaman namin pero ayaw naman magpatalo.
"Nangangalay na ang kamay ko hindi ko na kaya!" sigaw ko.
"Ikaw na kasi!"
"Ikaw na nga kasi!"
"Ikaw na please."
"No, ikaw na. Mapride akong tao, ikaw na kasi."
And it turned out na ako ang panalo, hindi na niya talaga niya kaya nabitawan ko na ang racket at napaupo na lang sa ground. Tumabi sa akin si Noah at naupo rin at isinandal ang ulo sa balikat ko.
"Nawala lahat ng lakas ko, Andrea. Putcha! Hindi ko ineexpect na ganoon yun katagal."
"Wohu! Ang galing niyong dalawa! Idol!" sigaw sa amin ni Zeun.
Naupo na ng maayos si Noah saka kumaway. Wala talaga akong lakas, parang gusto ko na lang mahiga. Kanina pa naman kasi kami naglalaro, tapos yung last talaga ang super nakakapagod.
Nang matapos ang PE time namin ay sabay-sabay na kami naglakad papabalik sa room pero nakasalubong namin yung mga grade 10 B.
"So andito pala yung sikat sa school," he said sarcastically.
"Talaga, famous pala tayo. Kaya pala maraming naiinggit sa atin noh?" tanong ni Zeun.
"True, lahat ng teacher kilala tayo. Halos sa buong school kilala ang section natin pati kay Dean. Nakakaproud noh, guys?" Sapaw naman ni Zayn.
"Gusto niyo fansign? Punta na lang kayo sa room namin, libre lang." Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Austin.
"Mga gago kayo!" Nagulat kaming lahat ng suntokin ng lalaki si Zeun kasi siya ang malapit dito.
Hindi namin alam ang gagawin kaya pilit naming inawat ang mga boys. May mga kasama rin kasi yung mga nasa kabilang section kaya nagkarambulan talaga. Sa kakaawat namin ay may mga times na naitutulak na kami palayo.
Nagulat ako ng tulungan ako ng Art na tumayo. May dumating na rin na mga professor kaya natigil na rin sa wakas. Pinasunod kami ng prof sa guidance office.
Nang mapatingin sa akin si Art ay ngumiti ako ng slight. Slight lang talaga. "Thank you," I murmured.
Nang makarating kami sa guidance office ay tahimik ang lahat. May mga sugat din ang mga boys at maging ang mga girls na umawat tulad ko na may sugat sa siko. Sina Nathalia, Shardien, Zat, at Aliyah din may mga sugat din.
"So magtatanong pa ba ako kung sino ang nagsimula?" tanong ni Dean.
At this time, wala na naman kaming laban. Halata naman na kami ang may kasalanan para sa kanila.
"So ano?"
"Kami po," hindi na ako magugulat na yun ang sasabihin ni Noah.
"Anak ka pa naman ng governor pero ganyan ka. 1 week community service para sa inyo, at sa inyong grade 10 kayo ang maglilinis sa room niyo., walang maglilinis ng room n'yo for 3 days. Makakaalis na kayo." Tumingin sa akin si Dean pero tumalikod na ako saka sumunod sa mga kaklase ko napapalabas na.
Nang makalabas kami ay dumiretso na agad kami sa room namin. Nakakatawa pero hindi na namin kailangan pumunta sa clinic kasi may nakahanda naman ng first aid kit dito sa amin. Hindi ito galing sa school, katarantaduhan lang namin 'to.
Ginamot ko ang sugat sa labi ni Tim, maging sa kilay niya at sa siko niya. Pagkatapos ay hinila niya ako at siya naman ang gumamot sa sugat sa siko ko. Matapos ni Tim ay tumulong na rin ako sa iba. Halos lahat walang imik kasi nga pagod na kami sa PE tapos ganoon pa ang nangyari. Pinilit ko na lang gawing unan ang bag ko dahil sa pagod na nararamdaman ko.
"Ate's, kuya's ayos lang kayo?" Napaangat ako ng tingin at napatingin sa may pinto at nandoon si ma'am Grazielle.
Pumasok siya at pumunta sa unahan. Naupo siya sa teacher's chair at inilibot ang tingin sa amin.
"Why did all of you didn't say anything? Bakit inako niyo ang kasalanan na hindi naman kayo ang nagsimula?" tanong niya sa mahinahon na paraan.
"Hindi naman na kailangan, ma'am. Kapag sinabi namin na hindi kami ang nagsimula, hindi naman sila agad-agad maniniwala. Mas magtatagal lang kami sa guidance office at hindi pa sure kung paniniwalaan kami," sabi ni Noah.
"Pero hindi naman pwede na kayo ang maghirap, don't worry ako ang gagawa ng paraan."
"No need, ma'am. Kami pa ba, hindi na po ito bago sa amin. Salamat na lang po," sabi naman ni Zuen.
"Pero—"
"Respect our decision, ma'am. Lalawak lang ang issue, at baka pati mga parents namin ipatawag pa, ayaw namin mangyari yun. Gusto namin na dito lang kami sa section na ito," sabi ni Zeun na ikinangiti namin.
If malalaman ng parents namin na ganito pala sa section namin na ito ay maari nilang kausapin ang Dean na paghiwa-hiwalayin kami. Ayaw yun mangyari ng bawat isa, kahit ako. Ayoko makipagplastikan sa taga-ibang section. Kaya nga dito lang ako.
Nang mag-uwian na ay dala ni Tim ang bag ko, kapag Friday kasi maaga ang uwian namin, kasabay lang talaga ng senior. Nakaabang na sa amin si kuya at ng makalapit kami at pareho kaming pinitik ni kuya sa noo namin.
"Aray ko!"
"Ouch!"
"Ano, ba't sumali-sali kayo." Nagulat ako ng hatakin ako ni kuya at tiningnan ang sugat ko sa siko.
"Ano gusto niyo? Isusumbong ko talaga kayo!"
"Huwag!" sabay naming sabi ni Tim.
"Pasok na sa sasakyan at baka hindi lang yan matanggap niyo!"
Nang makapasok kami ay hindi na kami umimik maging si kuya ay naging tahimik na lang. Ayoko magsumbong si kuya, kahit hindi namin kasalanan. Buong school alam na kami lang naman may kapasidad na magsimula ng gulo.
Bago magsimulang umandar ang sasakyan namin ay nakita ko si Noah na hinalikan sa pisngi si Frei.
Omg! Anong meron sa kanila?
I'm confused, sila kaya? Ang chismosa ko, ang sama, huwag tularan. Pero bakit naman kasi ganoon diba? Hindi ko mapigilan, napalingon pa ako isang beses pero wala na si Noah at naiwan na lang si Frei na nakatulala. Sana all.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED PRESIDENT OF SECTION HUMILITY (COMPLETED) PART I
Teen Fiction[COMPLETED] Andrea Ryleigh Santiago becomes the president of section Humility unexpectedly without her will at first. Her classmates keep on bothering her until she approved and say yes. This is how the journey of Humility section, the worst section...