XlX-CHRISTMAS VACATION

300 27 0
                                    

Kabanata 19

Christmas Vacation

Malapit na ang Christmas, super excited na ako. We're going to South Korea. May tiwala ako kay mommy na tutuparin niya sinabi niya. Sana naman hindi izza prank kasi lalayas talaga ako.

South Korea, here I come!

"Hoy! Nagdidaydream ka na naman diyan, Andrea." Buraot na naman itong si Shardein.

"What do you what ba?"

"May damit ka na for tomorrow?" she asked.

Bukas na pala ang Christmas party and ball. Hapon ang party then gabi naman ang ball. May Christmas ball na naman tapos team bangko lang naman ako.

"Meron na, deretso na pang-ball. Ayoko na magpalit eh."

"May point ka. Asan na ba sina Zat kanina ko pa hinahanap eh..."

"Nagpractice yun, kasali siya sa program ng school eh."

For the first time naman may nakuha na magpiperform sa klase namin. I mean, hindi talaga napipili section namin eh. Laging naiiwan, at napag-iiwanan.

"Ay oo nga pala. Ba't kasi ngayon mo lang sinabi?"

"Eh sa ngayon ko lang naalala eh."

Hinintay ko si kuya sa baba ng building nila. Sabay-sabay kasi ngayon uwian ng junior at senior at may lakad si Timothy kaya si kuya na lang pinuntahan ko.

"Yan ba kapatid ni Andrew?" rinig kong sabi ng isang senior.

"Oo, nasa magulong section napasok. Sayang siya."

I'm not a vegetable na pwedeng masayang!

"Dapat sa section A siya."

Hinayaan ko na lang na pag-usapan ako, kunwari wala akong narinig. Ganito kasi yan, sayang lang sa oras at laway. Bahala sila pag-usapan nila buhay ko, at least mukhang sumasaya sila na ako pinag-uusapan nila. Hapoy pill na nila ako.

"Kuya!" Kumaway ako sa kanya kaya nagpaalam siya sa mga kasama niya saka lumapit sa akin.

"Why the hell did you wait for me here?"

"Why is it bawal ba? Hindi ako nainform."

"Let's go."

Nang makarating na kami sa bahay ay nakipaglaro na lang ako kay Cholo. Inayos ko na rin yung mga dadalhin ko for tomorrow. Ayoko ng hassle, nawawala ako sa mood.

***

A velvet top and white skirt is my outfit today and a pair of white shoes. I didn't bother to use sandal because I'm not used to it. I put on some makeup for my face.

"Rashim, help your sister."

Nakita siguro ni daddy na hirap na ako. Dala ko kasi yung boxes of pizza and yung pang-exchange gift ko.

"Kaya ko, dad." Todo ngiti pa ako.

"Akin na." Iniabot ko na lang kay kuya dala ko para wala ng mahabang usapan.

Hinatid ako ni kuya hanggang sa room. Halos grabe din makatingin sa amin ang mga juniors. G'wapo kaya ng kuya ko. Dami nanghihingi number pero dahil maattitude sila sa akin wala akong pinagbibigyan.

"Kuya, aattend ka ng ball?"

"Hmm... hindi."

"Sasabay na ako sayo."

Nag-enjoy naman ako sa party. Madaming games and activities sa room. Daming foods na dala kasi sharing. Makeups and paints ang natanggap ko dahil sa Timothy pala nakabunot sa akin.

THE UNEXPECTED PRESIDENT OF SECTION HUMILITY (COMPLETED) PART ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon