Kabanata 24
Legend
Kay bilis lang ng panahon. Minsan talaga hindi na lang natin namamalayan ang mga bagay-bagay. Simula ng huli kaming magkasama ni Art hindi na iyon nasundan pa. Wala rin mga bali-balita ang kumalat, takot na lang noong dalawang yun. Feeling ko iniiwasan na ako ng tuluyan ni Art samantalang si Zeun naman ay panay ang panghihila sa akin sa tuwing lumalapit sa akin si Austin, Zeun, at Kieran. I don't understand what Zeun is up to.
Dahil sa nagreview ako kaninang madaling araw ngayon puyat ako. Hindi ko pa sure kung matatandaan ko ba mga inireview ko. Napagdesisyonan ko na magpahinga bago pa mag-exam.
Kinuha ko ballpen ko at inilagay ko sa ibabaw ng desk, ayoko naman na magreview kasi gusto ko na ipahinga muna isip ko. Nakakapagod, stock knowledge na lang ang aasahan ko kahit hindi sure kung meron nga.
Nakalugay lang ang buhok ko so dahil wala ako magawa nibun ko siya at ballpen ko ginamit ko para itusok at hindi mahulog buhok ko.
Ilang minuto ang nakalipas, naghahanap ng ballpen mga classmates ko. Exam na exam walang ballpen. Tunay talaga silang istudyante.
Nang dumating na prof namin ay hanap ako ng hanap ng ballpen ko. Kinakabahan pa ako kasi kanina hawak ko pa lang yun eh. Buti na lang may nakita pa akong extra sa bag ko.
Saglit na lumabas si ma'am ng may tumawag sa kanya. Math pa first exam so wala naman pakialam yun, recquire kasi yung scratch paper.
"Paano ba kasi to?" tanong ni Zeun dahil siya ang katabi ko.
"Hindi ko alam! Nakalimutan ko nga sabi yung formula," gigil kong sabi.
Tumayo siya at pumunta sa kinaroroonan ni Kieran. May binulong si Kieran sa kan'ya bago siya tuluyang umalis. Nakatingin ako sa may pinto kasi baka pumasok na si ma'am, malalagot itong si Zeun.
Nang masabi ni Zeun yung formula ay agad na akong nagsagawa ng plano, joke. I tried to solve the problem then I secretly gave the other piece of scratch to Zeun. Ang ibang problem na hindi ko pa nasasagutan ay nilampasan ko na muna. Zeun tried to approach me. Yung mga number na wala pa akong answer ay nagawan nila ng paraan, may mga papel na nakarating sa akin na may sagot na ng hindi nalalaman ni ma'am.
Pare-pareho kaming natigilan ng humangin at may dalawang tinangay na papel sa lapag. Halos mapalunok ako dahil sa kaba dahil sa hindi namin alam kung kanino yun.
Tatayo na sana ako ng tumingin si ma'am kaya hindi ko na itinuloy dahil mapapansin niya yun kapag yumuko ako.
The hell kanino yun!
Nagulat kami ng ihulog ni Zeun ang pen niya at agad siyang biglang tumayo at natumba. Napatayo ako at agad na lumapit sa kanya pero nahihigaan na pala niya yung mga papel kaya agad ko dinampot at inilagay sa bulsa ko.
Naupo na si Zeun kaya lumapit na si ma'am.
"Are yo okay, Mr. De Mesa?"
Humawak saglit sa si Zeun sa sentido niya. Ngumit siya kay ma'am at tuluyang tumayo.
"Nahilo lang po ako, ma'am. Nabigla po ata ako sa pagtayo ko, pasensiya na."
"Kailangan mo ba dalhin sa clinic?" tanong pa ulit sa kanya ni ma'am.
"No need, ma'am. Ayos na po ako."
Naupo na akong muli sa upuan ko. Hindi ko na inabala pa ang sarili ko sa papel na nakuha ko. Pinagpatuloy ko exam ko ng wala na sa kanilang pinapansin. Hindi ko nagugustohan ang nangyari.
Nang matapos ang exam ay wala akong kinikibo sa kanila maliban kay Zeun. Akala siguro nila hindi ko narinig na nag-aagawan sila sa papel.
"Are you okay, Andrea?" Zeun asked.
"Hand written ko ang nasa papel na isa samantalang kay Zuen, at nasa likod naman ang kay Kieran. Ginawan na nga ng paraan para makasagot ang lahat tapos hindi man lang naging responsable," I said.
He sighed deeply.
"I'll talk to them later."
Lumayo muna ako sa kanila ng magbreak. Mag-isa akong naglakad pababa. Ginugutom ako kaya kailangan ko kumain.
Matapos ko makabili ng snack ay bumalik kaagad ako sa room pero nagstay ako sa hagdan. Pinagmasdan ko na lang ang tanawin sa labas habang nakasandal.
"Grabe yung nasa section A, nahuli na may kodigo. Napressure siguro kaya ganoon," sabi ng isang babae na pababa pa lang.
"Yeah, hindi naman natin masisisi na mapressure siya lalo na at gusto rin ng parents niya na siya ulit ang magtop sa klase."
Nang makalampas na sila sa gawi ko ay napanguso na lang ako.
Nakakasira talaga ang pagiging pressure ng isang tao sa kahit ano mang bagay. Bilang istudyante nag-aaral tayo para matuto. Alam ko na mali ang ginawa namin pero masama bang humangad na sana lahat kami makapasa? Ginawa lang talaga namin ang ganoon sa subject na math, hindi naman kasi lahat yakang-yaka ang subject na iyon.
Sumusimsim sa straw ng iniinom niya si Art ng makita ako. Umiinom siya ng dutchmill kaya napaiwas tingin na lang ako at tumalikod. Nang maramdaman ko na nasa may likuran na siya ay iniyuko ko ang ulo ko.
"Why are you alone?" he asked habang nasa likuran ko.
"Why are you talking to me?" I asked.
"Nothing, it's just that you're lonely."
Humarap ako sa kanya habang siya ay nakahalf smile. Sumandal na siya sa pader at naupo naman ako sa baitang ng hagdan kahit alam ko na madumi.
"Don't stress yourself. Marami pa ang ieexam, tara na."
"Why would I listen to you huh?" I sarcastically asked. "You're avoiding me nga eh."
"Dati naman talagang ganito tayo ah."
"I thought we're friends pero hindi pala." Tumayo na ako at pinagpagan ko palda ko gamit ang palad ko. Nauna na rin ako maglakad paakyat.
Pagpasok ko ay nakatingin sila sa akin. Kinuha ko yung papel na nasa bulsa ko at saka ko pinagpupunit bago ko itinapon sa basurahan. Sinigurado ko na punit na punit talaga yun para walang may makahalata.
"Andrea, s-sorry."
"H-hindi namin sinasadya."
Humarap ako sa dalawa na bahagyang nakayuko.
"I'm trying to help you, guys. We're trying to help, the way I need a help too. Pero sa ginawa niyo kamuntikan na tayong lahat. Be responsible, hindi ibig sabihin na ganito ginagawa natin ito ay tama na."
"Alam namin, sorry."
"Zayn and Jude, ayoko ng maulit ang ganito. Parang walang k'wenta yung unity kung pati sa guidance magkakasama na naman tayo at hindi lang ito basta-basta gulo."
Bumalik na kami sa kanya-kanya naming upuan. Nang pumasok na ang isa namin prof ay nagsimula na kami sa test. Wala na rin mga bubuyog akong naririnig at mga kaluskos. Hindi na kasi math, I know na kaya naman na nila.
We may be cheating on the test but we know how to set our limitations. Hindi dahil nagcheat kami masama na kami, sadyang may ibang agenda lang kami. Hindi kami nagmamalinis, kasi alam namin na halos ng istudyante naexperience na rin magcheat sa exam.
AN
Magreview na lang kasi para hindi mahirapan. Yan lang naman yung sagot sa problema eh.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED PRESIDENT OF SECTION HUMILITY (COMPLETED) PART I
Teen Fiction[COMPLETED] Andrea Ryleigh Santiago becomes the president of section Humility unexpectedly without her will at first. Her classmates keep on bothering her until she approved and say yes. This is how the journey of Humility section, the worst section...