XVl GOODBYE

339 31 12
                                    

Kabanata 16

Goodbye

Nakita ko na kumakaway sa akin si Noah. Nakangiti siya ng matamis habang kumakaway. Nang ibaba niya ang kamay niya ay unti-unti na siyang tumalikod. Natatakpan na niya ang araw pero unti-unti na akong nasisilaw dahil sa unti-unti niyang paglayo at tuluyang pagkawala.

"Noah!" I shouted. Walang boses ang lumalabas sa bibig ko ang tanging nagawa ko na lang ay ang umiiyak.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Agad ako napahawak sa pisngi ko at nakitang may likido. Umiyak ako. Unti-unti kong inilibot ang paningin ko. Isa lang ang masasabi ko, nasa loob ako ng hospital. Napatingin ako sa kaliwang bahagi ko, tulog si kuya habang nakaunan ang ulo sa kalapit ng kamay ko pero nakaupo siya sa isang upuan.

"Kahit wala sa game mananatili akong superhero mo," sabi niya pa.

Binatukan ko siya kaya lumayo ito sa akin. "Masakit ah," reklamo niya.

"D'yan pa lang nasasaktan ka na. Paano pa kapag iniligtas mo na ako?"

"Basta, ang macho ko kaya."

"Macho? Patpatin ka nga eh. Matangkad ka lang."

"At least matangkad, ikaw minion."

"Hoy, singko height ko."

***

"B-e h-appy, l-ittle s-sis."

"M-mahal kita, t-tandaan mo y-yan."

"Kuya."

Napaangat ng ulo si kuya at agad na napaayos ng upo. Gulat ang nakita ko sa mukha niya at tila nakahinga siya ng maayos.

"Okay ka na? Ano nararamdaman mo? May masakit ba? tarantang tanong nito. "Wait, tatawag lang ako ng doctor." Nang makaalis si kuya ay nakatitig lang ako sa kisame.

Paano ko ba itatanong? Natatakot kasi ako sa maaaring sagot eh. Feeling ko hindi ako handa. Natatakot ako na kahit ayoko yung sagot yun ang totoo.

After ako tiningnan ng doctor ay tumabi sa akin si kuya. Wala si Tim, ayoko sanang mag-isip ng masama pero natatakot ako. Hindi ako handa.

"K-kuya, s-si N-noah ba?" nauutal na tanong ko. "K-kamusta na s-siya?"

"Andrea." Napalunok ako ng makita ko ang pagkalungkot ng mga mata niya.

"I'm sorry to say this pero... Hindi na umabot si Noah sa hospital. T-tumigil na ng tuluyan ang heartbeat niya ng nasa sasakyan na siya. Dead on arrival siya, Andrea."

Gusto ko umiyak pero parang wala akong mailabas, nanatili lang akong nakatulala. Nagulat ako ng yakapin ako ni kuya, at yun ang time na bigla na lang nagsibuhusan ang mga luha ko. Bigla na lang kumawala.

"Oh my gosh, Andrea," rinig kong sabi ni mommy ng makapasok na sila ni daddy.

"H-he saved me," humahagulgol kong sabi. "He's my hero. Sabi niya hero ko siya, pero bakit nawala agad siya? L-lumaban ba siya?" Naupo si daddy sa tabi ko at hinawakan niya ang kamay ko.

"Alam ko lumaban siya, hindi niya lang kinaya. Anak, sino naman gugustuhing mawala kung nasa tabi niya ang taong mahal niya, diba?"

"Ilang bala ang tumama sa kanya, kahit lumaban siya anak at nakasurvive, maraming maaring problema. Baka macoma siya or kahit ano pang operasyon dahil sa dami. Don't think that he didn't fight. Lumaban siya anak." Isinandal ko na lang ang sarili ko kay kuya.

Buti na lang daw at walang kung ano natamaan ang bala na tumama sa akin kaya ang naging operasyon lang ay upang matanggal ito. Nababalot ng benda ang sugat ko. Minabuti ko na lang magpahinga dahil kahit anong pilit ko, hindi pa rin nila ako pinayagan na makaalis.

THE UNEXPECTED PRESIDENT OF SECTION HUMILITY (COMPLETED) PART ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon