IX ANNOYED

348 27 1
                                    

Kabanata 9

Annoyed 

Wala kaming lesson, English subject namin ngayon. May sasabihin daw si ma'am at pagkatapos ay may kailangan siyang gawin. Mukhang tungkol ito doon sa sinasabi nila na kailangan ng magpalit ng president dahil nga nasa ibang section na si Frei. 

"Okay class, please quiet. Back to your own perspective seat first."

Nasa ibang upuan din ako kaya isa ako sa tumayo. Halos lahat ay nagulo sa pagbalik sa kanya-kanyang upuan. Parang nahilo bigla si ma'am ng lahat kami tumayo para pumunta sa sarili naming upuan. Dinaig pa yung bagyo, napakagulo.

Katabi ko talaga sina Zayn at Casper. Kanina kasi doon kami naupo sa last row kasama sina Nathalia at Haze. Hindi talaga kami mapirmi sa mga upuan namin. Parang binagyo ang room ng pabalikin kami sa mga upuan namin.

"What a disaster." 

Ma'am sighed and we all smiling like crazy.

"Okay, so for now I want you to know that we need to assign a new class President. So Andrea is the vice president, so ikaw ang papalit."

"Pero po ayoko, ma'am. I don't think na kaya ko po. Sana po pagbigyan niyo ako. Magvote na lang po sana ulit."

"So, kung ayaw ni Andrea. Who else will gonna be our class President?" Ang bilis kausap ni ma'am. Walang suyuan na magaganap.

"Ma'am, kami na po bahala." Nagtaka naman ako sa sinabi ni Zeun.

"Let us handle it, ma'am. Magkakaroon din, we'll inform you na lang po," maarteng sabi naman ni Euque.

Nang makaalis si ma'am ay pumunta sa harap si Noah. Actually, mukha siyang guest speaker palagi sa tuwing may desisyon na gaganapin, like pupunta na lang siya sa unahan then magsisimula na ang prayer meeting.

"Okay, so sino ang favor na si Andrea ang maging President nitong klase?" tanong niya.

"Hoy! Ano yan? Oy guys ayoko talaga, hindi ko kaya!" Nagulat ako na halos lahat nagtaas ng kamay. "Ayoko, hindi na magbabago ang isip ko."

Nang sumunod na kasi ay may mga papel na nakakarating sa akin. May mga message ito na halos pare-pareho lang naman ang nakasulat. I don't want to be a class president. Hindi ko kaya, at ayoko talaga.

Isinilid ko lang sa notebook ko ang mga narerecieve ko galing sa kanila. Napagalitan na nga sila kasi nga ang gugulo raw. Bakit naman kasi nila pinipilit, ayoko naman kasi talaga. For me isa itong napakalaking responsibility lalo na kung sa section namin, si Frei nga halos umayaw na eh, kung hindi lang dahil sa consequence, siguro matagal na yun umayaw.

Nang dumating ang break ay kasama ko si Haze, kami magkasama kasi siya lang ata ang tahimik na hindi ako kinukulit.

"Drea, alam mo—"

"Subukan magsalita tungkol sa pagiging class President, pati ikaw hindi ko kakausapin."

"Hindi yun, tanga! Alam ko naman na buhay mo yan, desisyon mo yan pero kasi—" 

"Bahala ka nga d'yan." Iniwan ko na siya sa corridor.

Naglakad na ako papunta sa cafeteria, ng makita ko si Rylee. Tumakbo ako palapit sa kanya, nagulat pa siya ng hawakan ko siya sa wrist niya.

"Sabay na tayo. Pwede ba?" I asked.

"Ah s-sige."

"Huwag kang mahiya sa akin. Hindi mo naman siguro ako kukumbinsihin maging class president noh?" Umiling naman siya. "Good."

THE UNEXPECTED PRESIDENT OF SECTION HUMILITY (COMPLETED) PART ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon