Xll TENTACLES

318 30 0
                                    

Kabanata 12

Tentacles

Mommy didn't go home. Daddy waited for her for almost 4 hours. Bumaba kasi ako to grab some drinks pero nakita ko siya sa living room. Hindi na rin naman ako mainit kasi uminom ako ng gamot. Pinagmasadan ko si daddy habang nagliligpit na ng magazines at mukhang aakyat na siya.

Nanatili akong nakaupo sa hagdan. Nang papaakyat na siya ay natigilan siya ng makita ako. Nagpatuloy siya sa pag-akyat, I didn't expect that he'll sit beside me.

"Why are you here?" he asked.

"Nothing, I'm just bored," tanging sagot ko.

"Your brother told me that you're sick. Are you fine now?" I nodded. "Buti naman."

"Yeah, kuya gave me med so I think okay naman na ako."

I heard him sighed, that's why I also want to talk to him.

Pareho kami natahimik. Nakatitig lang ako sa mga kamay ko na inaalis at binabalik ang singsing sa daliri ko.

"Why do you always wait for mom?" I asked.

Hindi naman na kasi palauwi si mommy. Siya rin kasi halos ang umaattend ng mga business trip sa company. Minsan naman kung uuwi siya, matutulog then aalis ulit ng maaga. Yung dating strict na mommy ko ay naging hangin, pero kinakamusta niya pa rin naman kami, at sinasabing huwag siyang biguin.

"I know this is crazy but I love your mom. Nagloko ako, oo." Tumingin siya sa akin saka ngumiti ng mapakla. "Sinusubukan ko lang na kalimutan ang mommy mo."

"Bakit, may anak kayo pero bakit feeling ko feeling niyo nasa high school pa rin kayo? Kalimutan? What are you thinking, dad?"

Yun kasi ang napapansin ko sa parents ko. Feeling ko feeling nila nasa high school days pa rin sila. Kasi pag nag-aaway, lalayas ang isa at hindi magpaparamdam. Nagloko para makalimot? Nagkakatampuhan, susuyo ang isa, ayaw naman magpasuyo ng isa. Sobrang gulo nila, parang nakalimutan nila na nag-eexist kaming anak nila.

"Siguro nga, feeling namin high school pa lang kami. Kasi hindi namin naranasan ang maging malaya sa mga panahon na yun."

"What do you mean, dad?"

"Hey." Napalingon kami ni dad sa may likuran namin nakita namin na nakatayo si kuya.

Hindi na sinagot pa ni daddy ang tanong ko.

"What are you talking about? The two of you look so serious."

"Wala, ngayon lang kami nagkausap nitong kapatid mo. Matulog na kayo may pasok pa kayo bukas. Kaya mo na ba, Andrea?"

"Oo naman po." Tumayo na ako at tinalikuran na rin kami ni kuya kaya tumakbo ako at sumapa sa likod niya.

"Hey! Andrea, let go of me!"

"Thank you, kuya." Nauna na ako sa k'warto ko.

***

Pagkagising ko ay masakit na naman ang ulo ko pero kaya ko naman. Naligo ako ng mabilisan at nagbihis, bago nag-ayos at saka tuluyang bumaba. Kumain ako ng breakfast kasi nagugutom ako. Nanghingi ako kay yaya ng gamot, ininom ko na agad bago pa ako makita ni kuya.

"Huwag niyo sahihin na uminom ulit ako ng gamot, yaya. Baka hindi nila ako payagan pumasok eh."

"Kaya mo ba, sure ka d'yan?"

Tumango naman ako. Ayoko umabsent. Feeling ko malalate ako sa events. Isang araw na absent ako feeling ko hindi na buo ang taon ko.

"Opo, ako pa ba?"

"Sige."

Hinintay ko na lang na matapos si kuya bago kami tuluyan pumunta sa school. Hindi ko pa rin sila pinapansin, girls lang ang pinapansin ko. Manigas sila, bahal sila sa buhay nila.

Nang magbreaktime ay lumabas agad ako pero kung minamalas ka naman talaga, mamalasin ka. Saktong papalabas din si Art, nakapasok ang kamay niya sa isang bulsa niya habang nakatingin sa akin. Nang sumilip ang mga classmates niya na nakasunod sa kaniya, panay ang tukso ng mga ito.

"Huwag mo pangarapin ang isang matalinong President," maarteng sabi ng isang babae kaya nainis ako.

Naglakad ako papalapit sa kanila at saka ngumisi ng nakakaloko. Inggit lang kasi siguro.

"Kung matalino ang President niyo, may ibubuga rin ako. Hindi ko pa kasi inilalabas talino ko, baka maubusan pagdating ko sa college."

"Omg! Ang kapal ng mukha." This time halos nagsisilabasan na sila. Nasa unahan lang si Art at ngayon ay nakaharap na din sa akin.

"Section niyo pa lang wala ng laban sa amin."

"Weh, 'di ka sure." Ngumisi ako ng magtatataas kilay nila. "Nakikipaglaban ba kami?"

May war ba? May contest ba?

"Kayong mga matatalino, sandata niyo libro. Kami sandata namin bato, ipukpok kaya namin sa inyo ang bato kung hindi kayo maging bob*. Sabi nga nila walang ipinanganak na bob*, depende na lang kung paano natin to gagamitin."

"Kaso hindi niyo nga ginagamit yung sa inyo."

"Hindi pa nga namin ginagamit, ganyan na kayo. Paano pa kaya kung gamitin namin, baka hindi na magkasya ang estudyante sa room A tapos maipatapon pa kayo sa lower."

"Why so makapal?"

"Why so maarte?' Panggagaya ko sa kaartehan niya kaya maging ang mga classmates niya ay natawa rin pero sinamaan niya lang ng tingin.  "Why so makapal? Parang librong maraming laman lang yan, hangga't hindi mo binubuksan at binabasa ang nilalaman, mananatili kang walang alam. Nakikita mo man ang ginagawa namin na parang book cover na kasama ang title, hindi n'yo pa rin alam kung ano ang content at totoo sa amin."

Nagulat ako ng may nagpalakpakan sa likod ko kaya maging ako ay napalingon at nakita ko ang Humility at nakangiti. Akala ko wala akong supporters.

"Ang k'wento at totoong kami ay mananatiling nasa loob. Kung walang mambabasa, walang kakalat na spoiler." Nakangiting naglalakad si Austin at umakbay sa akin nang makalapit ito.

"Kami ang author at bida, sa k'wento namin. Nagmumukha lang kayong reader na spoiler sa tuwing nagsasalita kayo ng tungkol sa amin."

"Parang kayo— kunwari book cover kayo, isang tingin pa lang maganda na. Pero kapag ang content ng isang k'wento ay boring, tingin niyo may kakalat ng spoiler?" tanong ni Noah.

"Wuhoy!" sigawan ng mga classmates ko.

"Let's go, humility!" sigaw ni Austin.

"Nakakagutom kaya tara na," sabi naman ni Tim.

"Joke lang yung kahapon, hindi din namin hahayaan na magustuhan ka ng President namin kasi ang taas niyo," malakas na sabi ni Zeun. "Hiya kami," dagdag niya na tila pabulong na lang sabay kindat.

Nang patianod na lang ako sa kanila, hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. Dumiretso na kami sa cafeteria at saka nag-ingay. Nagmumukhang palengke ang cafeteria kapag nandito kami, ang iingay ng kasama ko.

Feeling proud ako.

Nilapag ni Tim ang pagkain sa harap ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Bati na tayo. Sorry na." Ngumuso na lang ako at kinuha ang pagkain.

"Kinain mo na kaya bati na tayo. Ba't ka ba pinagpapawisan?" Nagulat ako ng idampi niya ang palad niya sa noo ko.

"Ang lamig ng pawis mo. Uminom ka pa ba kanina ng gamot? May lagnat ka pa ba kanina?" Sunod-sunod na tanong nito at nakikinig ang mga kaklase namin.

"Kanina, ayos na ako."

Buti na lang at hindi na sila nag-ingay. Kumain na lang kami at hinayaan ang mga chismosang spoiler sa paligid. Toxic. Dapat iniiwasan ang mga ganun kasi wala naman silang ambag sa buhay ko. Sino ba sila para makapagsalita? Ganito man kamis a kanilang paningin kami ay may binatbat din. Akala nila sila lang, no way. Nandito kami para sa sarili namin hindi para sa kanila.

THE UNEXPECTED PRESIDENT OF SECTION HUMILITY (COMPLETED) PART ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon