Kabanata 37
Aishiteru
Hindi ko na alam ang sunod na mga nangyari ng oras na iyon. Nagising na lang ako na nasa bahay na ako at si tita ang nagbabantay sa akin. Nanatili lang akong hindi nagsasalita.
"Aalis na ako. Pupunta tito mo rito," sabi ni tita pero hindi ako kumibo.
Hindi ko alam kung nasaan si kuya, hindi ko siya nakita. Dumating nga si tito at pinagsabihan ako. Ano pa nga ba aasahan ko? Hindi man lang umuwi ang parents ko.
Ilang araw na akong hindi pumapasok sa school, si Kieran ang umaayos sa mga nangyari as a vice president of the class. Hindi ako nagpapabisita ng sino man sa kanila kasi gusto ko mapag-isa. Hindi ba nila alam na pagod na pagod na ang anak nila?
"Kumain ka na."
"Wala akong gana," tanging sagot ko kay kuya.
"Pwede ba!" Inis na singhal niya. "Huwag mo isipin sinasabi nila okay?"
"Hanggang saan ba ang alam mo?" tanong ko.
Lumabas ako sa k'warto saka bumaba at pumuntang living room.
"What do you mean?" tanong niya ng maabutan ako. "Anong alam mo?"
"Kuya, sa simula pa lang wala naman na talagang pagmamahal sa pamilyang ito! Mahal-mahal, natutunan na lang nila magmahal pero hindi pa rin sapat yun para magstay sila sa isa't isa."
"Alam mo! Hindi naman tayo aabot sa ganito kung mahal nila ang isa't-isa eh!" Iniwan ko na siya at bumalik na lang ako sa k'warto ko.
Maaga ako nagising para pumasok na. Tumawag si daddy sadyang hindi ko lang sinagot. Walang ni isa sa aming nagsalita sa amin sa sasakyan, nakaearphones lang ako at nakatingin sa bintana.
Sumabay si Tim sa akin sa paglalakad, pati siya ay hindi ko rin pinapansin. Minabuti ko na muna na huwag magsalita. Natigil kami pareho ng nasa harapan namin si Art, napaiwas na lang ako ng tingin at nilampasan siya. Hinawakan niya ang wrist ko pero kita ko ang pag-iling ni Tim.
Nang bitawan ako ni Art ay dali-dali na akong pumunta sa room.
Ni isa ay walang lumapit sa akin, napatingin na lang ako sa labas ng bintana habang nakikinig ng music.
Nang magbreaktime ay pinilit na lang ako ni Zeun na sumama sa kan'ya. Nakapulupot ang kamay ko sa braso niya at nakasandal ang ulo ko sa balikat niya habang naglalakad.
"Libre mo ako. Utang mo yan sa akin," sabi niya kaya tumango na lang ako. "Ayaw mo talaga magsalita noh?" tanong niya pero hindi ako sumagot.
Iniwan niya ako sa bleacher sa may soccer field. Nahiga ako sa bleacher at nakatingala, ipinikit ko na lang ang mga mata hanggang sa dumating si Zeun na may dala ng pagkain.
I sighed while I'm chewing my burger.
"Noong mga nakaraan ba yun yung sinasabi?"
Lumingin ako sa kanya. "Huh?" sagot na tanong niya habang ngumungaya.
"Instinct mo."
He nodded.
Lumunok muna siya saka uminom ng drinks niya. "Oo, ramdam ko na eh. Kahit sa kakambal ko kita ko na rin. Sorry hindi ko kaagad sinabi, malay mo naman kasi mali eh."
I chuckled a bit.
"Thank you, Zeun."
"For what?"
"For staying like this with me. Wala ka naman na siguro tinatago noh?"
"Kung iniisip mo na may gusto ako sayo bakit ang kapal naman ata ng mukha mo?" I frowned at him. "Totoo nga wala talaga. Basta I'll always be your big and little brother." Humalakhak pa siya na parang proud na proud.
We finished what we were eating before returning to our room, he keeps on bugging me.
Nang maupo si Tim sa tabi ko ay napakaseryoso ng mukha niya. Napabuntong-hinga pa siya bago umayos ng upo at humarap sa akin.
"Pasensiya ka na sa naging gulo, we're just protecting you. Tsaka alam mo naman na pagkatapos ng gulo, bati-bati naman right?"
I gave him a short nod.
"So... ito ba yung reason kung bakit hindi mo kami pinapansin? Kasi sinaktan namin siya—" Kaagad ko tinakpan ang binig niya.
"No, sadyang wala lang ako sa mood. My parents didn't go home, everyone keeps on taking about my parents. Hindi ko na rin naman kasi alam kung ano na ba talaga ang nangyayari." He tapped my head before he stood up.
"Huwag mo na sila isipin, matatanda na sila. They will decide for this themselves this time. Siguro makalipas nito, malalaman na natin ang magiging desisyon nila. Nga pala mamaya, susunduin ka ni Art dito. Tsaka, alam din ni kuya mo."
Nagpatuloy ang araw ko na matamlay pa rin. Iniisip ko rin kung bakit ako susunduin ni Art.
Nang mag-uwian na ay inayos ko na gamit ko, isinakbit ko na rin bag ko sa balikat ko at isinuot ko black plain cap sa ulo ko. Palabas na ako ng room ng makita ko si Art.
"Where are we going? I'm not really in a mood—" I was just surprised when he handle my wrist and pulled me to run.
Nang makalabas kami sa school ay saka lang kami tumigil. Halos mawalan na rin ako ng laway sa kakatakbo. Binilhan niya ako saglit ng drinks bago kami naglakad-lakad.
Pumayag na rin ako na sumama sa kanya kumain sa isang fastfood, at bumili ng school stuffs niya. Nakacap pa rin ako kasi nakakatamad ng maglakad sa gitna ng mga taong mapanghusga.
Inabot na rin kami ng dilim kaya kita na ang mga ilaw sa buong paligid. Masarap din ang simoy ng hangin, malamig nga lang.
Sabi niya ng nasa kalagitnaan kami ng isang park. Naupo ako sa isang swing samantalang nakatayo lang siya at bahagya niya itong idinuduyan.
"Namiss kita," sabi niya.
"Hindi ka gan'yan. Balik mo na lang yung dating ikaw, tsaka sabi nga ng lola mo doon ka sa mga kapantay mo."
Tumayo ako at ramdam ko ang pagsunod niya. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi ako tumigil at nagpatuloy na lang.
"Hindi mo kailangan na maging kapantay ko kasi ako mismo mag-aadjust para sayo."
I don't want to get involved in the fight he will have with his family when I'll accept to be his girlfriend. My family in the middle of chaos, hindi ko na ata kaya kung may isang pamilya pang magpapababa pa sa pagkatao ko.
I looked up to the sky and smiled. Itinaas ko pa kamay ko at kunwaring nahahawakan ko ang munting buwan.
I was surprised when he hugged me tight behind my back. I swallowed slightly before biting my lip in nervousness. My heart is beating so fast and the reason is I don't know. I held his hand and trying to get myself away from him but he hugs me tighter. He even pressed his chin to my neck.
"I don't want to let you go. Sabi nila ang mahalaga is kung ano yung mayroon ngayon basta huwag din kalimutan ang bukas. I don't want to lose this feeling anymore, minsan lang tayo magmahal so I'll try my best to an ideal man to you as of today and for tomorrow."
"Art."
"Aishiteru," he whispered.
Muntikan pa ako mabuwal sa kinatatayian ko, mabuti na lang at yakap niya ako. Hindi man ako magaling sa Japanese words pero alam ko ibig sabihin non.
"I love you, Andrea. I know you will gonna think this is so quit quick pero wala akong pakialam. I love you, and I really wanna be with you. I want you to be my girl."
"Art."
"Shhh... it's okay. Don't pressure yourself, I'll wait."
Pinilit ko humarap sa kanya kaya niluwagan niya pagkakayakap sa akin. Kaagad ko iniyakap ang mga braso ko sa leeg niya.
"Thank you."
Please wait 'till I know that I'm already ready.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED PRESIDENT OF SECTION HUMILITY (COMPLETED) PART I
Teen Fiction[COMPLETED] Andrea Ryleigh Santiago becomes the president of section Humility unexpectedly without her will at first. Her classmates keep on bothering her until she approved and say yes. This is how the journey of Humility section, the worst section...