Kabanata 29
Kōhai
"Ayoko na. Kanina pa ako, pagod na pagod na ako hindi ko mabuo-buo." Sumandal na lang ako sa pader dahil sa inis.
"July 18 pa lang, mukha mo pang November 1 na." Isa pa ito sa Euque, sarap ihambalos.
"Hiyang-hiya naman kasi sayo na maganda. Kahit stolen picture mo nadadala mo, kahit pa pagod na pagod ka na maganda pa rin. Kahit anong bagay pa nasa malapit sayo ikaw ang mapapansin kasi you're too cute and beautiful. Pwede ka na nga sumali sa Miss Universe eh," sabi ko.
They chuckled.
"Dinala ko lang lahat sa ganda 'no? Kahit ata magpulot ako ng basura maganda pa rin ako."
"Malamang, nang nagpaulan ng kagandahan sinalo mo yung 75%. Hindi 100% kasi hindi lang ikaw maganda sa mundo."
"Funny ka na girl, ayusin mo na yan flower na ginagawa mo ng matuto ka." Ngumuso na lang ako.
Magkakasama kasi kami ngayon dito sa isang table at trying hard na gumagawa ng flower gamit ang crepe papers.
Nang tumabi sa akin si Rylee ay natigil na kami sa pagbabangayan ni Euque. Pinapaulanan ko kasi ng papuri na may halong pagkabitter si Euque pero gustong-gusto niya naman.
"Today is Art's birthday," she whispered.
"R-really?" I asked.
She nodded.
Kanina pa ako nakabuo ng stem at leaves pero yung flower hindi ko talaga mabuo-buo. Pinagpapawisan na ako't lahat wala pa rin akong nabubuo na flowers.
Kumuha ako ng bale dalawang pinutol na white crepe paper. Nagdala ako ng glue at inilagay ko sa bulsa ko bago lumabas. Library time naman so okay lang kahit hindi maglibrary talaga kasi vacant na to.
Pumunta ako sa soccer field bleachers. Naupo ako sa isang upuan at nagtry pa rin sa ginagawa ko. Ba't ba kasi ang hirap mo?
Halos hindi ko alam kung ilang minuto ko tuluyang nabuo ang flowers. Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas may nabuo akong isang bulaklak. Agad ko rin ito inilagay sa tangkay na ginawa ko na. I captured it through my phone for remembrance too.
"That's beautiful." Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Art na nakatayo. "Nakakatawa mukha mo habang ginagawa yan ah."
Nang-insulto pa talaga.
"Whatever. Ang ganda—" Napatingin ako sa kanya ng maupo siya sa tabi ko. "Oo na sariling puri 'to."
"Maganda nga kasi." Tumingala siya sa langit at saka pumikit. Nakasupport sa likuran niya ang dalawa niyang kamay.
"Kanina ka pa ba nakatingin?" I asked.
"Sapat lang na makita ko kung paano ka ngumuso, mairita, kung paano mo kagatin labi mo at marami pang iba. So sapat lang."
Ngumuso na lang ako at sinimulan ko na ulit ang paggawa sa isa pa samantalang siya ay nakamasid lang sa akin. Feeling ko ang ganda ko na.
Nang makita ko na tumingala ulit siya kasabay ng pagpikit niya ay napatulala ako sa mukha niya. Mapupula ang labi, sakto lang ang kapal ng kilay niya, napakaamo ng mukha at naglalamlam na mga mata.
"Nagwiwish ka na ba kaagad?" I asked.
Itinagilid niya ulo niya at tila pinagmamasdan ako. Nakagat ko ang labi ko kaya umiwas ako ng tingin.
"Ba't ako magwiwish?"
"Kasi birthday mo," sabi ko ng hindi siya nililingon
"How did you know?"
"Sabi."
"Sabi nino?"
"Ko."
"Huh?"
"Wala."
"Gulo mo."
"Mas magulo ka."
Sinukuan na lang niya ako. Nagulat ako ng mahiga siya at ginawang unan ang hita ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Buti na lang at nakapikit siya.
"Hoy! Ba't ka ba nahiga diyan?"
"Quiet, please..."
Hinayaan ko na lang siya at itinapat ko sa mukha niya ang bulaklak.
"Anong gamit mong liptint, Senpai. Ang pula ng labi mo."
"Try mo punasan dali," sabi niya habang nakapikit.
"Wala akong pamunas eh."
Nagulat ako ng magmulat siya at inagaw ang kamay ko at ipinahid ang hinlalaki ko sa labi niya. Halos manlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya. Why so smooth? Agad ko inagaw kamay ko at napaiwas ng tingin. Hindi ko alam kung ipupunas ko ba daliri ko or ano... pababayaan na lang.
Inayos ko ang bulaklak at napangiti. Ba't nagawa ko na ng maayos ngayon? Hindi lang isa kundi dalawa pa. Napangiti ako habang pinagmamasdan ko ang bulaklak na hawak ko.
"Happy birthday," I said.
"I thought you're not going to great me."
"Nahihiya lang ako, dapat pala sa social media na lang kita binati mas madali pa."
Para kasing may kung ano sa dila ko na simpleng happy birthday lang hindi ko pa masabi. Ba't ba minsan talaga nakaka-awkward na bumati in person?
"Hinihintay mo bati ko 'no?"
"In your dreams."
"Gusto mo batiin pa kita sa panaginip ko?" I asked.
"Aisyt!" Bumangon na siya at ginulo niya buhok niya. Ang daldal ko raw kasi. "Aalis na ako."
"Wait lang naman!" Tatayo na sana ako ng nangalay ang paa ko kaya hindi ko maigalaw.
"Sakay na." Hindi ako gumalaw kahit na nasa harap ko na siya at nakaready na. "Sa field lang, ibaba rin kita." Napangiti na lang ako bago ako tuluyang umangkas sa likuran niya.
"Am I heavy?" I asked.
"Hmm."
"Is it yes or a no?"
"Sapat lang."
"Sapat lang na paano?"
"Basta sapat lang."
"Seryoso?"
"Oo."
"Sapat lang ako sayo?"
"Oo."
"Crush mo ako?"
"Oo." Maging ako ay natigil dahil sa sagot niya. "Sapat lang," dagdag niya pa kaya hindi na ako nakapagsalita pa.
Ibinaba niya ako bago kami pumunta sa kanya-kanya naming classroom.
"Senpai, wait lang." Tumakbo ako papalapit sa kanya at agad ko iniabot sa kanya ng isang bulaklak. "Ito na lang gift ko sayo. Simple lang pero alam ko na alam mong pinaghirapan ko."
I saw him smiled a bit.
Isa lang kinuha niya kaya ngumuso ako. "Ito pang isa, Senpai."
"Itago mo yan isa na yan. Iniingatan ko 'to kaya ingatan mo rin yan, Kōhai."
He tapped my head before he leaves me in shock.
Kōhai?
"Saan ka ba galing, Andrea?" tanong ni Austin ng makita ako.
"Sa bleachers."
"Tara na, kanina pa kita hinahanap eh. Matatapos na vacant hour natin so let's go?" Ngumiti lang ako sa kanya.
Napatingin ako kung saan dumaan si Art bago ako tuluyang naglakad at sumunod kay Austin. Napangiti ako habang nakatingin sa bulaklak na ginawa ko. Sinong mag-aakala ng dahil sa bulaklak na ito ay sasaya ako? Wala na ako, malalà na ang tama ko.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED PRESIDENT OF SECTION HUMILITY (COMPLETED) PART I
Teen Fiction[COMPLETED] Andrea Ryleigh Santiago becomes the president of section Humility unexpectedly without her will at first. Her classmates keep on bothering her until she approved and say yes. This is how the journey of Humility section, the worst section...