XLI GONE

238 17 0
                                    

Kabanata 41

Gone

I tried to approach Kuya again but he's doesn't want to talk to me. Nalaman niya pa nangyari sa pagitan namin ni Dean kaya lalo niya akong hindi kinakausap.

Wala naman akong ginawang masama sa kan'ya kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya ako pinapansin.

Sinama ako ni Tim mag-grocery. Siya yung inutusan pero ako naman inuutusan niya.

"No! I'll help you pero ikaw pa rin ang bahala." Pagmamaktol ko. "If ayaw mo... hindi ako sasama."

I heard him sighed.

"Fine! Kainis."

Nagpasama kami sa driver nila. Nagmukha raw akong bata lalo ng magsuot ako ng long denim jumpsuit and peach simple shirts inside with a pair of white shoes. Nang makarating kami sa loob ng grocery ay sumakay ako sa cart at naupo sa loob sabay pose na nakapierce at nagpapicture kay Tim. Siya ang may tulak sa cart at ako na ang may hawak ng listahan.

"Ang dami naman nito," sabi ko sabay kamot sa ulo. Umakbay siya sa akin at ang isa niyang kamay ang nagtutulak sa cart. "Libre mo ko, gutom na ako."

"Maya na, tapusin na muna natin 'to. Gutom na rin ako eh."

Mukha kaming tanga sa loob dahil sa pinaggagagawa namin. May magjowa kaming nakasabay tapos nagtitisuran kunwari kaya ang ginawa ni Tim ay kunwaring hindi niya sinasadyang ibinangga ang cart sa lalaki kaya natalisod ito ng dapat kunwari-kunwarian lang nila ng girlfriend niya. Tinaguan ko rin siya ng maghanap ako ng pagkain na pwede ko bilhin.

Kumain kami sa isang fast food restaurant ng matapos kami. Buti na lang dahil sa gutom na gutom na talaga ako. Hindi na ata ako napapakain ng tama.

"Grabe, I'm already full. Thank you sa foods," nakangiting sabi ko.

"Nagtext si kuya, nasa bahay niyo na raw sina tita at tito." Napakurap-kurap ako parang mali ang narinig ko. "Tara na, hindi ka ba curious bakit sabay ata sila dumating sa bahay niyo?"

"Curious, bakit nga kaya?"

"Tara na."

Nang makarating kami ay umuwi na muna sina Tim, dumiretso na ako sa loob at nakita ko na parang galit si kuya na nakaharap sa parents namin.

"Why destiny is unfair to us! Sige, magdivorce na kayo! Huwag kayo aasa na sasama ako isa sa inyo, mas gugustohin ko pa na mag-isa!" Padabog na umalis si kuya.

"Rashim! How dare you!" sigaw pa ni mommy.

Naglakad na ako papunta sa may hagdan pero natigilan ako ng tinawag ako ni mommy. "Saan ka sasama? Choose now!"

I smiled.

"No thanks, bumuo na kayo ng sarili niyong mga pamilya. Gawin niyo na yung mga bagay na hindi niyo nagawa noon, hindi na kami magiging hadlang pa." Tumalikod na ako sa kanila. Tanggapin ang katotohanang wala na talaga. "Nga pala, kina Lolo Dean na lang ako. Huwag niyo na akong pilitin pa, good luck na lang."

"Anak," rinig kong sabi ni Daddy pero hindi na ako nagtagal pa at dumiretso na ako sa k'warto ko.

Kinuha ko na ang maleta ko na nasa ilalim ng kama ko. Pumili na akong iilang gamit ko, sa school, pambahay, at iilang maaring gamitin ko. Kinuha ko ang isa sa picture na nasa frame at inilagay ko sa notebook ko, sa picture kung saan kompleto pa kami.

Nang makita ko na padilim na sa labas ay napagdesisyonan ko ng lumabas. Hatak-hatak ko ang maleta para mailabas sa k'warto ko. Nahirapan pa ako sa pagbaba sa hagdan pero kinaya ko. Wala akong tao na naabutan sa living room, napalingon pa akong muli sa taas bago ako tuluyang tumalikod at lumabas ng main door.

Nang makalabas ako ng gate ay nakita ko si kuya na papatawid, tumigil siya at nagtipa sa cellphone niya. Inalis ko muna ang paningin ko sa kan'ya ng itinaas ko ang maleta ko sa bawat baitang ng hagdan bago ako tuluyang makalabas. Tatawagin ko na sana si kuya ng maaagaw ng pansin ko ang isang nakakasilaw na ilaw, napabaling ako kay kuya na may kausap sa phone habang papatawid pa rin.

"Kuya!" sigaw ko at pinilit ko tumakbo pero hindi ko inaasahan ang pagtakbo ni Chollo at kaagad na inambahan si kuya at matumba si kuya pero papalayo sa kung nasaan ang sasakyan. Pareho na lang kaming napatingin sa gawi ng sasakyan na nakahinto na.

Halos madurog ang puso ko ng marinig ko ang tila paghikbi ni Cholo, napapikit pa ako at hindi ko alam kung kaya ko ba siyang lapitan. Lalo akong naiyak ng wala na akong marinig na kahit ano galing kay Cholo.

Parang namanhid ang paa ko, pinilit ko ihakbang ang mga paa ko papalapit sa harap ng sasakyan. Napaluhod ako ng makita ko ang paa ni Cholo na medyo labas sa mula sa ilalim ng sasakyan. Napapikit ako at napahawak sa dibdib ko na ng makita ko sa ilalim ng sasakyan si Cholo.

"N-no..." Napalingon ako kay kuya.

Nakita ko kung paano siya mapaluhod at umiyak. Nanginginig niyang hinawakan ang paa ni Cholo.

"S-sorry, hindi kumakagat a-ang preno kanina. Pasensiya na, h-hindi ko sinasadya." Halos ni isa sa amin ay walang lumingon sa driver ng kotse.

"Cholo!" Lumapit ako kay kuya at niyakap siya.

"Hush. H-he s-saved you." Kumapit siya sa braso ko at hinayaan niyang yakapin ko siya. "Kuya..."

Hindi na namin napansin ang paglabas nina mommy at daddy, may mga tumulong sa amin para alisin si Cholo sa ilalim ng sasakyan. Hindi ako umalis sa tabi ni kuya, wala na siya.

Kaagad na ipinalibing nila daddy si Cholo sa likod ng bahay. May bakas pa ng dugo ni Cholo ang kamay ko. Walang gana akong naghugas ng kamay ng maabutan ako ni kuya.

"I'm leaving," he said. "I'm staying to lolo Ben's house."

Si lolo Dean at lolo Ben ay iisa.

"Doon din dapat ako papunta k-kanina. I'll go with you," malumanay kong sabi.

He nodded.

Sumunod na ako ng maglakad na siya. Pareho kaming napatigil sa paglalakad ng makita ko ang bahay ni Cholo.

Mamimiss ko lahat. Paglalaro, paglalambing, sa lahat-lahat. Kung paano kami maglaro, kung paanong lagi siyang nasa tabi namin sa tuwing nasisigawan kami ng magulang namin. Hindi lang siya basta aso lang, kaibigan namin siya, pamilya na handa kaming laging damayan sa tuwing ramdam niya na kailangan namin ng sandalan.

"Anak."

"Tama na, dad. Pagod na kami, don't worry darating din ang araw na kaya na namin makisama sa inyo na tanggap na ang lahat. Ngayon kasi hindi pa," sabi ko bago ko siya tinalikuran.

Kinuha ni kuya ang maleta naming dalawa, isinakbit ko na rin ang backpack at shoulder bag ko. Nauna na si kuyang maglakad kaya ako ang hinawakan ni mommy sa braso.

"Don't do this to me."

I smiled bitterly. "Stop it, mom. You're the best mom for me sa kabila ng lahat. Hindi mo ako hinayaang lagi na lang nakalugmok pero ngayon hindi ko kaya na makisama sa inyo. Kung magkakaroon na kayo ng bagong pamilya, sana kahit papano maalala niyo pa rin na may anak kayo sa una."

Pinilit kong alisin ang kamay niya sa braso ko. Nang maalis ko na ito ay ngumiti ako ng mapait sa kanya.

"Ingat na lang kayo," I whispered before I leave.


THE UNEXPECTED PRESIDENT OF SECTION HUMILITY (COMPLETED) PART ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon