Kabanata 39
Worse vs Worst
"Andrea, classmate niyo binubully ng class B." Napatingin ako sa bata na nagsabi, I think grade 7 pa lang siya.
"Saan?"
"Sa likod po ng school building ng room C."
Lalabas na sana sina Tim ng pigilan ko sila. "I'll handle it first pero kapag talaga no choice na, gogora na tayo. Bahala na sila, alam ko naman na halos lahat dito gustong naghihirap tayo."
Tumakbo na ako papalabas. Nakasunod na rin sa akin ang iba. Halos magkakalapit lang kaming lahat sa pagtakbo, nagsisi-iwasan na lang ang ibang mga students dahil sa amin. Well tumabi ang dapat tumabi.
Pagdating namin sa likod ng building ay nakita namin na nakahandusay na si Dianne. Napakuyom ako ng kamay ko dahil sa nakita ko. Pinagtatawanan lang siya ng mga ito na parang sayang-saya sa pinaggagawa nila. Akala mo mga Santo kung humusga sa amin pero nandito sila at nang-bubully.
"Oh! There you are," sabi ng isang malditang pusit.
"Oh, hinihintay niyo pala ako." Nagbigay ako sa kanila na tulungan na nila si Dianne. Lumapit pa sa akin ang lalaking ito na akala mo naman g'wapo mukha namang aso ng malditang pusit. "Lumayo ka sa akin, hindi bagay ang isang katulad na lumapit sa akin." Hinawakan niya ang k'welyo ko pero agad ko itinaas ang kamay ko para hindi sumugod ang mga kaklase ko.
Tinabig ko ang kamay niya kaya naangas ata siya kaya sinampal niya ako. Itinaas ko muli ang kamay ko para hindi basta-basta magsigalawan mga kasama ko. Akala mo kung sino silang gustong pumapel.
"Ito lang ba kaya mo? Ang manakit ng babae? Bakla ka pala."
Halos mangalaiti siya sa galit kaya tinawan-tawanan ko lang siya. Nang biglang lumapit sa akin ang malditang pusit at sinampal ako ay kaagad ko siyang ginantihan ng sampal.
"Papansin," tanging sabi ko bago niya hablutin ang buhok ko.
Kita ko na rin ang pagresback ng iba kaya tumulong na mga classmates ko.
"Kayo ang papansin! Lagi na lang kayo ang nasa taas! Kami dapat yun, hindi kayo!"
Should I laugh?
Anong klaseng mindset kaya ang mayroon sa mga taong ito? Akala ko ba kami yung dapat na hindi ginagaya? Bakit gusto nilang maging on top? Mukha silang tanga.
"Class B will always be the worst?" I asked. "Tanga ba kayo!" Hinila ko ang buhok ng malditang pusit at isinubsob ko mukha siya sa pader. "Ano akala mo magtitimpi pa ako?"
"Andrea, tama na yan. Joke, sali kami. Kami lang ang worst 'no," rinig kong sabi ni Rey.
Rinig ko na may umaawat na pero sobrang gulo na para matigil pa. Pinagtutulungan na ako ng tatlong babae kaya nahihirapan ako. Hindi ko na alam kung sino ang uunahin sa kanila.
"Ta**ina! Bitawan niyo, pinsan ko. Kung hindi lang kayo babae pinag-susuntok ko na kayo kaya bitaw na!" sigaw ni Timothy pero ayaw talaga paawat ng mga ito.
"Kung si Timothy hindi nanununtok ng babae, ako nananampal ako. Mga bruha kayo, bitawan n'yo sabi eh!" Lumabas na ang kamalditahan ni Diego.
Humahangos akong napahawak sa kanya matapos niyang pinaghihila sa buhok at pinagsasampal ang babaeng may hawak sa akin.
"Ayos ka pa?" he asked.
I nodded.
Pare-pareho kaming nagulat ng may mga pumito na. May mga guard at prof na at maging si Dean ay kasama nila. Masama na ang tingin ni Dean at mukhang problemado na talaga.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED PRESIDENT OF SECTION HUMILITY (COMPLETED) PART I
Teen Fiction[COMPLETED] Andrea Ryleigh Santiago becomes the president of section Humility unexpectedly without her will at first. Her classmates keep on bothering her until she approved and say yes. This is how the journey of Humility section, the worst section...