Kabanata 30
Under his umbrella
Maaga ako nagising, bumungad sa akin ang bulaklak na nasa side table ko at nasa vase. Ilang mga linggo na rin ang nakalipas simula ng birthday ni Art. I smiled a bit before I decided to take a bath. Pumapasok sa bintana ko ang sinag ng araw. Nagkikita kami ni Art pero ako na muna ang umiiwas hindi ako makarecover sa sinabi niyang "sapat lang".
"Cholo, catch!" Itinapon ko ang isang maliit na stuffed toy na agad naman niyang hinabol. "Sana all laging nikacatch," sabi ko bago ako tuluyang lumabas sa bahay.
"Kuya, sasabay daw si Tim."
He nodded.
Hinintay namin si Tim, ang tagal-tagal pa. Mukha siyang badtrip kaya hindi ko na lang pinakialaman pa kasi baka lalo mabadtrip.
Pagdating namin sa school ay agad ako hinarang ng guard. Nakalimutan ko na naman isuot ang ID ko. Hinanap ko kaagad sa bag ko. Kinabahan pa ako ng hindi ko mahanap.
"Shit!" I cursed.
"You're not responsible for being a student, Andrea. That's your duty," sabi ni kuya bago ako tuluyang iwan ng dalawa.
Nang makapa ko na ID ko ay agad ako ngumiti kay Manong guard. Nakahinga ako ng maluwag ng makapa ko talaga siya.
Akala mo iiyak ako? No way.
Kaagad ko isinakbit ang ID ko ng makita ko na hindi ko pala naaayos ang necktie ko. Kanina pa ako nakatayo roon tapos ganito ako ngayon.
"Ano bang meron ngayon?" Isinasara ko ang zipper ng bag ko ng lumapit sa akin si Art at kinuha ang bag ko.
"Fix your necktie," he said.
Nagulat man ay pinatuonan ko na lang ng pansin ang pag-ayos ko sa necktie ko, isinakbit niya sa balikat niya bag ko bago niya inayos ang ID lace ko dahil sa hindi ko pa naayos dahil sa pagmamadali ko.
"T-thanks."
Nang matapos na ako ay kaagad ko na kinuha sa kanya ang bag ko. Sabay na kami naglakad papasok, nagkahiwalay lang kami dahil sa magkaiba naming building. Sure ingay na naman nadatnan ko sa room na wala naman ng pinagbago.
"Zeun, samahan mo ko."
"Saan?"
"Sa labas."
"Alam mo ako na lang lagi mo sinasama, kunti na lang talaga iba na iisipin ko." Itinigil niya pa ang ginagawa niya. "Iisipin ko na talaga na may gusto ka sa akin, Andrea."
Napailing na lang ako. Halos lahat sila ay inaantay ang sagot ko. Are they really serious about that? Nakikinig pa.
"Of course, not."
"Rejected ako ah, ang sakit." Umakto pa siyang tila sobrang nasaktan.
Wala naman bago sa araw namin. Tambak activity, puro lesson lang.
"Andrea, pakibigay nga ito kay Ms. Castro. Nasa senior department siya now, sa room ng kuya mo." Lumapit ako kay maam Grazielle at kinuha ang yellow folder na hawak niya.
Wala naman na kaming subject, pinapaayos na lang ni ma'am ang mga upuan kaya dinala ko na bag ko. Kailangan ko pa tumawid sa school ground bago makarating sa kabilang building. Dali-dali ako kasi feeling ko uulan.
Kinailangan ko pa umakyat sa 3rd floor kasi doon room nila kuya. Nakahawak na ako sa hita ko ng tuluyan na akong nakarating sa taas. Inayos ko muna sarili ko bago tuluyang kumatok.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED PRESIDENT OF SECTION HUMILITY (COMPLETED) PART I
Teen Fiction[COMPLETED] Andrea Ryleigh Santiago becomes the president of section Humility unexpectedly without her will at first. Her classmates keep on bothering her until she approved and say yes. This is how the journey of Humility section, the worst section...