Chapter 32

15 1 0
                                    

Allian POV

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas, nag unat-unat muna ako bago bumangon saka pumasok sa banyo para maligo at mag-ayos ng sarili.

Nang makalabas ako ay bahagya pang lumaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"a-anong ginagawa niyo dito?" tanong ko kela Xander na ngayon ay nakaupo sa sofa at may mga pagkain na nakahain sa maliit na mesa. Ibinaling ko kay kiana ang tingin ko na ngayon ay kumakain.

"a-alam mo lian kumain kana" utal na aniya, iniiba ang usapan.

"wag mong ibahin ang usapan kimiana" malamig na ani ko at kinuha yung suklay sa table ko."allian ang boring kaya pag tayo lang lalo na ikaw ang kasama ko, antahimik" aniya, sinamaan ko naman siya ng tingin at tignan isa-isa sila xander, nandito rin pala si raze.

sinenyasan ko si kiana na lumapit sakin at agad niya namang sinunod. "nagkabalikan na kayo?" bulong ko

Nakangiti naman siyang tumango. "tss, marupok" ani ko at umupo sa tapat ni xander at kumuha narin ng pagkain.

"lian kulayan kaya natin buhok mo?" ani ni ke.

"tadyak gusto mo?" nakataas kilay na ani ko, inirapan niya naman ako.

habang kumakain ay minamasahe ko ang leeg ko dahil masakit.

"masakit leeg mo?" tanong ni xander na nakatingin ng deretso sa mata ko, tumango naman ako.

nagulat ako ng bigla siyang tumayo para siya mismo ang mag-mesahe ng leeg ko hanggang balikat.

"ehem, labas muna kami lian" biglang ani ni raze at hindi na nila hinintay ang sagot ko at agad silang lumabas.

"masakit pa ba?" ani nitong kasama ko.

"medyo, pati yung kamay ko" medyo paos pa na ani ko.

"ba't di kasi nagpapahinga? yan tuloy. paos ka na nga rin. uminom ka na ba ng gamot?"

umiling naman ako at siya naman ay napabuntong hininga na akala mo ay sinakop niya lahat ng problema sa mundo.

"ubusin mo na yang pagkain mo at lalabas muna ako dahil bibili ako ng gamot mo" aniya pero bago pa siya makalabas para bumili ng gamot ko ay hinalikan niya muna ako sa noo saak siya tuluyang lumabas.

nakangiti ko namang pinadausdos ang sarili pababa ng sofa, parang tubig lang.

naubos ko na ang pagkain ko at niligpit yun, inayos ko nalang ulit yung mga dapat gagawin ko dito sa opisina at maya-maya pa ay dumating na si xander dala ang mga gamot at pawis na pawis.

"bat ganyan na itsura mo?" nagtatakang ani mo.

"akala ko kasi malapit lang ang bilihan dito ng gamot eh, ang layo pala nilakad ko pa naman" hingal na hingal na aniya. Natawa naman ako.

"oh ito tubig kawawa ka naman" natatawang ani ko at inabot sakanya ang tubig na hawak ko pero nagulat ako nung ang kamay ko ang hinila niya at siniil ng halik.

"ano ba?! ito yung tubig ang inaabot ko oh" ani ko

"eh sa labi mo ako nauuhaw eh" aniya at dinilaan pa ang sariling labi.

inirapan ko lang siya at palihim na napangiti, kinuha ko ang dala niyang plastik na naglalaman ng mga gamot at ininom ang mga dapat ko na inumin.

bumalik na ulit ako sa table ko pero di muna trabaho ang ginawa kundi nanood ako ng anime, pake niyo ba eh ito ang gusto ko.

tumabi sakin si xander at tahimik rin nanood at maya-maya pa ay pumasok na ulit si raze at kiana.

"baby, umalis na muna kayo may gagawin pa kasi kami eh tapos bukas? pupunta ata kami sa MC kasi kakausapin namin si dean" ani ni kiana ng maka-upo sa table niya.

The Heiress (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon