Xander PoV
Nandito na kami ngayon sa MC at hinihintay namin si lian ngayon dito sa labas ng kwarto niya kung saan ay dun siya nag aayos mag-isa ayaw niya kasing mag pa-makeup sa mga bakla.
"lian, lumabas kana" pangungulit ni kiana sakanya.
"pag di kayo umalis di talaga ako lalabas" pananakot ni lian, napasimangot naman si kiana at hinampas ang pintuan. nagulat kami ng biglang binuksan ni lian ang pintuan pero ang kamay niya lang ang pinalabas niya saka niya hinablot ang buhok ni kiana na agad rin namang binitawan at sinara ulit ang pinto.
"yan kasi, nakatikim ka tuloy" pang-aasar ni zaih.
"tara na nga!" iritang sigaw ni kiana at nauna ng maglakad. Bahagya naman akong natawa at sumunod na sakanila.
pumunta na kami sa gym kung saan duon gaganapin ang event. Umupo kami sa tabi ni tito alliance, nandito narin ang ibang pinsan pa ni lian ang iba dun di pa namin kilala.
"ay by the way guys, ito pala si kuya Gabe, pinsan din namin at ito ang asawa niya na si ate tiarra pero rara nalang tawag niyo sakanya" pakilala ni kiana. Nagpakilala naman kami sakanya "at ito naman ang anak nila na si theo gabrielle" ani ni pa ni kiana.
"nice to meet you po" masayang ani ni theo na kumakaway pa, kumaway naman ako pabalik.
maya-maya pa ay nagsidatingan narin ang mga kuya nila sav at yung iba di namin kilala pero nung makita nila kiana ang kasama ng kuya nila ay bigla nalang itong sumigaw pati narin sila sav.
"conny!!" sigaw ni kiana at yumakap dun sa isang lalaki nakita ko naman ang pagkuyom ng kamao ni raze, natawa naman ako.
"guys, ito pala ang mga teamates namin sa soccer noon. Ito si conny, obien, brice, shina, trizon, dina, and rica" pakilala ni sav samin.
Nagakilala din naman kami.
''o nassan na si miss injured?'' ani nung conny.
"hmm, hinahanap agad ah" may halong panunukso na ani ni kiana. dumilim naman ang mukha ko at masamang tinignan si conny.
"para kang ano ke, past is past" aniya mas lalo namang dumilim ang mukha ko.
"uy gago xander ano ba?" ani ni zaih na katabi ko. dun ko lang napagtanto na hawak ko pala ang kamay niya na namumula na sa sobrang higpit na pagkakakapit ko. Agad ko naman iyong binitawan.
"okay lang yan pre, i feel you" ani ni miguel na siyang pumalit sa pwesto ni zaih, sinamaan ko naman siya ng tingin.
"wag mong sabihin na nagkakagusto ka parin kay lian. gago ka ilang beses ka nang binusted ni lian ah" ani ni zaih, kaya naman mas lalong sumama ang tingin ko kay conny
"tsk, past is past nga! ang kulit nyo ah pag untugin ko pa kayo" aniya
"ngek, pikon" ani ni rica na nakaupo sa kabilang side ko. tumayo nalang ako at lumipat ulit sa tabi ni tito alliance. lumipat kasi kami nung nagsidatingan sila conny.
"o bat ka nandito?" tanong ni dric, sinamaan ko naman siya ng tingin.
"wag kanang magtanong" madiing ani ko, tinawanan niya naman ako.
namatay na ang mga ilaw at nagsimula na ang event.
Nakasuot palang ang mga contestant ng kanya-kanyang jersey ng kanilang school. Nang makalabas na si lian ay dun ko lang napansin na nag iba na ang kulay ng kanyang buhok, kulay hazel na iyon. Malakas ang hiyawan ng mga tao, ang suot niya ay yung jersey na kagaya ng samin na ginawa niya last year at nung umikot siya ay nakalay dun sa likod yung apelyido ko kaya naman napalitan ng malawak na ngiti yung simangot ko kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/233629513-288-k963678.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heiress (On Going)
Fiksi PenggemarBasahin niyo nalang para namang others pinsan to ni Allisha kaya kalmahan niyo lang