Chapter 29

24 1 1
                                    

xander POV

nagising ako dahil sa sikat nang araw na tumatama sa mukha ko,nang imulat ko ang aking mata ay agad na bumungad sakin ang mukha ni lian.

'patay na ba ako?' tanong ko saking sarili dahil nakakakita nako nang anghel eh. Babaliwin ata ako nitong babae na 'to.

hinalikan ko muna siya sa noo bago ako tumayo at naligo dahil pupunta pa kaming MC. Pinahiram muna kami nang damit nila dric.

Matapos kong ayusin ang sarili ko ay agad akong lumabas at nakita ko silang kumakain na.

"aghh,nawawalan ako nang gana pag nakikita ko mukha mo" iritang ani ni cass na nakatingin kay chester na nasa harap niya.

napahawak naman si chester sa kanyang dibdib na animong nasasaktan "grabe ka sakin cassandra myloves ah" aniya, nandidiri naman siyang tinignan ni cass.

"alam mo cassandra napaka maldita mo talaga" ani ni buen na pinagsisilbihan si jolina.

"so? ano naman?" masungit paring aniya at ipinagpatuloy ang pagkain.

napalundag kami sa gulat nang biglang sumigaw si lian na ngayon ay tumtakbong pababa nang hagdan.

"kuya!" sigaw niya pa at hingal na hingal na tumigil sa harap namin.

"ano ba ang sinisigaw mo allian kiel?!" sigaw sin ni dric sakanya.

"si naya kasi" humihingal na aniya.

"oh anong meron sakanya?"

"n-nag text kasi siya sakin at nandito daw sila kasama sila papa at mama, n-nasa MC daw sila" utal na aniya. Napatayo naman si kiana.

"di ka naman siguro nantitrip lian ano?" aniya.

magsasalita na sana si lian nang mag ring ang cellphone niya.

"mama!haha po? si kuya?oh eto po oh" aniya sabay bigay nang cellphone kay dric.

"po?ah opo,papunta na kami" ani ni dric at binaba na ang cellphone.

"ba't daw sila nandito?" ani ni lian, nakibit balikat naman ang kapatid nito.

"tapos na ba kayo?" tanong samin ni buen, nagsitanguan naman kami.

"edi tara na"

"susunod nalang kami"ani ni lian at sabay silang tumakbo paakyat ni kiana.

"sino pala yun sweetie?" ani ni eloisa kay dric na nagmamaneho.

"ah lola at lolo namin" sagot naman nito at maya-maya pa ay nakita na namin ang motor ni lian at kiana sa likod, pareho silang naka helmet kaya maangas silang tignan.

ilang minuto pa ay nakita namin sa mini monitor nitong sasakyan na tumatawag si kiana na nasa right side namin habang si lian naman ay nasa left side.

"oh?" sagot ni kio sa kapatid.

"ang pangit mo" aniya at umuna samin, natawa naman kami.

nilingon namin si lian na nasa tabi namin nang bumusina siya, akala namin kung ano na yun pala ay kinawayan niya lang kami at umuna narin.

"lakas nang amats" ani ni miel.

nang makarating kami sa MC ay naabutan namin si kiana at lian na may kasamang babae na siguro yun ay si naya at si bella na napalingon samin.

"kuya!" sigaw niya at yumakap sakin. Binuhat ko naman siya at pinaulanan nang halik.

"oy!pangit" ani ni miel kay naya.

"ay! nako naman pano nakapasok dito ang aso?diba no pets allowed dito?" ani ni naya.

"tsk ikaw?bat naman kasi pinapasok dito ang baliw nako baka naman matakot ang mga tao dito"

The Heiress (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon