Chapter 16

30 0 0
                                    

Xander POV

"babe gising na"

Kanina ko pa ginigising si lian pero hindi parin siya gumigising at nagtalukbong lang nang kumot.

"mauna nalang kayo sa school, baka nga hindi kami makakapanood eh"

Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya.

"bakit naman?"

"Uh, may pupuntahan pa kami nila kiana, mauna nalang kayo"

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo na.

"final answer na ba yan?"

"yes po" cute na aniya na hindi parin inaalis ang kumot sa pagkakatalukbong sakanya.

Mas lalo pa akong ngumuso at kinuha ang kumot para mahalikan siya.

"hindi kaba talaga makakanood?"

Umiling naman siya, bumuntong hininga nalang ako at kinuha na ang bag na dadalhin ko.

Nagpaalam muna ako sakanya at bumaba na. Hindi nako nakapag-paalam sa iba dahil nasa kani-kanilang kwarto pa sila.

Allian POV

Pigil ko ang tawa ko kanina habang kinakausap ko si xander, kaya naman nang masiguro ko nang nakaalis na siya ay dun nako tumawa nang tumawa.

Nang makaalis narin ang ibang lalaki ay agad narin kamin. Nagsuot lang ako nang white-highwaist - maong short na pinartneran ko nang jersey na kagaya kay xander at nagsuot rin ako nang pulang bandana para partner sa jersey. Habang ang buhok ko naman ay hinayaan ko lang na nakalugay.

Nang makarating kami sa MC ay may nakita kaming bentahan nang balloon na mahaba na color red kaya bumili narin kami. Ang suot rin nang mga babae ay kagaya nang jersey nang mga boyfriend nila, pwera nalang kay Dainne na kakarating lang na naka pula'ng tank top at naka pantalon lang.

Nang pumasok kami ay agad namin nakita ang mga lalaki na nakasimangot. Hindi pa nagsisimula ang game.

Lumapit naman ako kay xander at tumayo sa tapat niya habang siya ay nakatungo lang.

"wala bang energy ang player ko?" ani ko, agad namang lumiwanag ang mukha niya at hinila ako para mayakap, isinubsob niya na naman ang mukha sa tiyan ko at mahigpit ang pagkakayakap sa bewang ko.

"akala ko hindi ka pupunta" aniya, hindi ko man nakikita ang mukha niya, alam kong nakanguso siya.

"pwede ba yun?" natatawang ani ko at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"goodluck" ani ko at dinampian nang halik sa pisngi at labi.

Sabay kaming lumingon kay coach na nasa tabi na pala namin nang umubo nang peke.

"ah, lovebirds baka pwedeng mamaya na muna yan. May laro pa oh" aniya, natawa nalang kami ni xander at tumango.

"babe dito ka nalang umupo" aniya

"baka hindi pwede dun nalang kami sa likod" ani ko at dinampian siya ulit nang halik sa labi bago naglakad papuntang next row.

Nag-uusap sila nang tumingin siya sakin, ngumiti naman ako at kinawayan siya gamit ang balloon.

Bago magsimula ang game ay lumapit muna siya sakin at hinalikan ako. Medyo nailang naman ako dahil nagsigawan na naman ang mga tao.

"pampalakas" aniya na nakangisi at hinalikan pa muna ako sa noo bago umalis.

Nagsimula na ang game at patas lang ang score nila kaya naging mainit ang labanan. Si xander ang may hawak nang bola ngayon at tumingin muna sakin bago itinira iyon.

The Heiress (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon