Chapter 18

36 0 0
                                        

Xander POV

Pagkagising ko ay agad akong napangiti, sino ba naman hindi?

Nasa harap ko ngayon ang dalawang pinakamagandang babae sa paningin ko.

Hinalikan ko muna sila sa noo bago pumasok nang banyo at naligo.

"babe, gising na may laro kapa" panggigising ko sakanya. Iminulat niya naman ang mga mata niya at hinalikan muna ako bago pumasok nang banyo.

Nagbihis nako at pink na short lang ang isinuot ko at plain black t-shirt. Wala naman kaming laro eh.

Nang makalabas si lian ay mukhang inaantok pa kaya lumapit ako sakanya at niyakap siya.

"inaantok kapa?" ani ko, tumango naman siya. Natawa nalang ako at hinalikan sa noo. Kasalukuyan kaming nakayakap sa isa't isa nang may biglang sumingit na bata sa gitna namin.

"pasali" bulol na aniya. Natawa nalang ako at binuhat siya.

Nauna na sila sa MC dahil maghahanda pa sila, kami naman ay pinapakain si bella.

"dre anong nangyari kagabi?" ani ni raze.

"wala naman, pumunta lang kami sa bahay nila bell, tapos nakipaglaro sa mga bata" ani ko

"bella po ang pangalan ko hindi bell" ani nitong cute na katabi ko, nakasuot  pa siya nang maliit na bathrobe dahil pinaliguan muna siya ni lian bago sila umalis.

"okay, inday" pangaasar ko sakanya, napasimangot naman siya at sinamaan ako nang tingin. Natawa nalang ako at ipinagpatuloy ang pagpapakain sakanya.

Binihisan ko na siya nang white  na short at pink na t-shirt. Nandun na iyon sa kama baka siguro inayos na ni lian.

Sinusuotan ko siya nang sapatos nang magtanong siya.

"saan po tayo pupunta?" aniya.

"manunuod tayo nang laro nang ate mo" ani ko, tumango naman siya.

Nang makarating kami sa MC ay marami nang tao at may nakita kaming nagbebenta nang mga balloons dun sa gilid at mga bandana na kulay pink at black. Bumili nalang kami at pagdating namin ay hindi pa nagsisimula ang game, umupo kami sa bandang unahan kasunod sa upuan nila lian pero may harang.

Nang makita kami ni lian ay agad siyang lumapit samin.

"hello baby!" aniya na bahagya pang yumuko para magkapantay sipa ni bella. Hinalikan niya si bella sa pisngi.

"ako wala?" nakangusong ani ko, natawa naman siya at nagpatangkad para mahalikan rin ako sa pisngi.

"go ate!" cheer ni bella sa tabi ko na tumatalon pa. Natawa nalang ako at kinandong siya dahil baka madumog siya nang mga tao dun sa tabi niya. Mukhang daga pa naman siya. Sobrang liit kasi.

Nanliit ang mga mata ko nang may mapansin ako kaya bumulung ako kay yuan na katabi ko.

"pre hindi mo ba napapansin? Kanina pa sila foul oh" ani ko

"oo nga eh," aniya.

Nang tumingin ulit ako sa unahan ay kagrupo ni bianca ang may hawak nang bola. Nang ipasa niya yun kay bianca ay nagulat ako dahil pinilit niya magbackflip pero hindi niya na tamaan ang bola at napasubsob pa ang ulo niya.

Naghiyawan naman ang mga tao, napatingin ako sa mommy nila lian nang lumapit siya kay bianca at itinuro si lian.

"bakit parang sinisisi nila si lian? Kasalanan niya naman diba?" ani ni yuan.

Hindi nalang ako sumagot at tumingin kay lian na parang pilit na ine-eplain ang nangyari.

Allian POV

The Heiress (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon