Allian POV
"iyan nalang oh, yung malalaking red roses" turo ko dun sa mapupula at malalaking rosas. Nandito kami ngayon sa flower shop, bumibili kami nang mga bulaklak dahil itong torpe na chase ay magtatapat na daw nang kaniyang pagsinta kay jillian, tch ang kokorni.
"feel mo ba magugustuhan niya yan?" nagaalalang aniya.
"oo naman" ani ko kaya agad niya itong binili. Pagkatapos naming bumili nang bulaklak ay agad kaming pumunta nang mc kasi nandun na naman silang lahat para panoorin ang pag Re-rehearsal namin na mamaya pa namang hapon.
Pagdating namin dun ay agad kaming nagpunta nang cafeteria nang makita naming wala sila dun sa stage.
Pagpasok palang namin ay agad kaming nagulat ni chase nang makita na magkayakap si clark at jillian.
Napatingin silang lahat samin nang mabitawan ni chase ang bouquet na binili niya at umaagos na ang luhang nakatingin kela clark.
Pilit naman siyang ngumiti at tumalikod, napailing nalang ako at malamig na tinignan si jillian na naglalakad palapit sakin.
"ano yun kiel? At ano ito?" aniya sabay pulot nang bouquet.
"fuck! May ikakamanhid ka pa ba? Ba't ang manhid mo? Di mo manlang ba nakita ang ginagawa ni chase para sayo? Sabagay naka focus ka kasi kay clark kaya di mo makita ang kahalagahan nung tao eh, makikita mo lang pag wala na" madiing ani ko.
"what are you talking about?" naguguluhang ani nito.
"gusto ka ni chase! Pero sa sobrang manhid at sa sobrang tanga mo di mo nakikita yun kasi nakatuon lagi atensyon mo kay clark!!" sigaw ko sakanya.
"allian! Tama na" awat ni cy sakin
"wala naman palang silbi tung binili naming bulaklak sayo, tss sana lang di mo pagsisihan yang desisyon mo" madiing ani ko at kinuha yung bulaklak sakanya saka ko iyon itinapon.
Lumabas muna ako para magpahangin at para narin hanapin si chase, and i found him at the garden of this school, or should i say it's a secret garden because not everybody in this school doesn't know this place.
"hey, are you okay?" tanong ko nang makalapit. Tiningala niya lang ako at ngumiti nang pilit.
"totoo pala yung sinabi mo 'no? You can't force people to love you back" umiiyak na aniya, umupo nalang ako sa tabi niya at hinagod ang likod niya.
"it's okay, marami pa namang iba diyan, di mauubos ang babae sa earth chase. Just open your heart when your ready to love again"
"i dont think so, ayoko nang masaktan. Nakakapagod na at nakaka-tangina na humabol sa taong di ka naman kayang mahalin pabalik" may halong diin na aniya.
"chase ito lang mapapayo ko sayo, dapat pag magmamahal ka, handa kang masaktan. Kasi yun naman talaga eh, sa isang relasyon kailangan mong magpalaya, magtiis at masaktan kasi parte na nga iyon nang pagmamahal"
Tumahimik muna kami nang ilang saglit bago kami nag-ayaang bumalik ulit sa cafeteria at wala na sila dun, siguro pinaghahanap na kami nun o di kaya nasa stage na.
Bumili kami nang in can beer, ewan ko kung bakit sila nagbebenta nang beer dito eh eskwelahan naman ito.
Naglalakad kami at parang wala akong kasama dahil sa sobrang tahimik ni chase, di ako sanay. Siya yung maingay samin eh, sila ni miel. Siya ang laging high pero ngayon mukhang di ito si chase na nakilala kong masaya, palatawa at positibo laging mag-isip.
Nang makarating kami sa stage ay nandoon nga sila.
Author:(ang stage po ay yung basketball court sadyang sanay lang po talaga akong tawaging stage ang basketball court hehe)

BINABASA MO ANG
The Heiress (On Going)
FanfictionBasahin niyo nalang para namang others pinsan to ni Allisha kaya kalmahan niyo lang