Chapter 17

29 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa mga ingay na naririnig ko mula sa baba, kaya bumangon nako at dahan-dahang binuksan ang pinto. Nagulat pako nang makita ang apat na lalaki na naglalakad pababa.

Lumapit rin ako sakanila at sumulyap sa relo ko.

"tangina naman lian, hindi ganyan yan!" dinig naming sigaw ni zaih.

"sorry, hindi naman kasi tayo maid para magluto, kung gusto niyo linisan niyo narin ang buong bahay" ani ni lian na nadidinig namin mula sa kusina.

"nakita ko kaya sa mga nababasa ko dapat paglutuan nang babae ang lalaki" ani ni kiana, dahan-dahan naman kaming sumilip sa kusina. Nakita ko si lian na nakaupo lang at nakasimangot.

"ano siya maid?" aniya

"no" sagot nang pinsan niya.

"e, bakit niya pa lulutuan?"

"para sweet"

"tss, mas sweet yan kapag silang dalawa ang nagluluto. Bakit ba ginagawa natin to? Makatulog na nga" aniya kaya nagsitakbuhan naman kami paakyat.

Nagpanggap ulit akong tulog pagkahiga ko sa kama. Maya-maya pa ay pumasok narin si lian.

"ganun ba yun? Gawin ko kaya? Aishh, magmumukha naman akong katulong pag ganon. Isa pa hindi ako marunong magluto. Hayaann na nga, matulog ka nalang allian kiel"

Muntik pa akong matawa dahil sa narinig ko. Naramdaman ko naman na siyang humiga sa tabi ko.

"tss, lalamig rin yung ginawa nilang pagkain. Alas-tres? Sinong magluluto nang ganun kaaga? Mabuti sana kung importante pero watdapak? Ginawa lang nilang restaurant yung bahay sa dami nang niluto, sunog naman" bulong niya. Patuloy pa siya sa pagbubulong.

"buti nalang hindi ko tinuloy yung lulutuin kong itlog"

Naramdaman ko siyang tumayo kaya iminulat ko ang isa kong mata, nakita ko siyang pumasok nang banyo.

Nang lumabas siya ay agad ako napalunok nang makita kong nakatuwalya lang siya.

"tss, akala mo naman tulog" bulong niya kaya hindi ako gumalaw, nagulat ako nang bigla siya tumalon-talon sa kama.

"ano ba? Natutulog yung tao eh" kunyaring inis na ani ko.

"talaga? Edi matulog kalang," aniya at bumaba na nang kama para magbihis.

Umupo nalang ako at sumandal sa headboard, kumunot ang noo ko nang pumasok siya ulit sa banyo.

Nanlaki ang mga mata ko nang lumabas na siya. Nakasuot siya nang, spaghetti crop top at short.

" oh akala ko ba matutulog ka?" nakangising aniya.

"bakit ganyan ang suot mo?"

"bakit? Matulog ka nalang, lalabas lang ako" aniya at akmang bubuksan na ang pinto ay agad ko siyang hinila at siniil nang halik.

Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama. Pero nagulat ako nang bigla niya akong tinulak.

"matulog kana" aniya at tumakbo palabas, hinabol ko naman siya. Bago siya makababa ay hinuli ko na siya.

Tawa naman siya nang tawa.

"may pupuntahan lang ako" aniya at hinalikan ako sa pisngi, tumakbo na siya pababa.

"hoy! Hindi ka aalis nang ganyan ang suot mo!" sigaw ko pero tinawanan niya lang ako at lumabas.

"saan na si lian?" tanong ni kiana nang makapasok ako sa dinning area.

"may pupuntahan daw" sagot ko.



Allian POV

Nandito nako sa labas nang Airport at hinihintay na lumabas si kuya at bella. Maya-maya pa ay nakita ko na sila bella na hawak-hawak ni kuya at siya naman ay may hawak na teddy bear sa kabilang kamay.

The Heiress (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon