Chapter 26

22 1 0
                                    

Xander POV

Isang linggo na ang nakalipas at tulad nang dati, andito na naman kami sa MC. Kasami rin namin sila Dainne at habang kumakain kami ay nagulat kami nang biglang dumating sila, jillian at chase.

"yo! Wussup mga tsong!" bati ni chase. Nakipag batian rin naman kami saknya at sabay na kaming lahat kumain hanggang sa magsalita si jillian.

"sino pala kasama nila Kiel dun sa bahay nila miel?" aniya

"ewan, sila lang ata" sagot ni chase.

"ano?!" sigaw ni jillian na halos umecho na sa buong silid nang cafeteria.

"bakit mo naman sila iniwan?" ani ni jillian habang hinahampas siya.

"ay oo nga pala" ani ni chase sabay tampal sa noo niya.

"bakit?" ani ko kahit medyo nag-aalala kasi baka may nangyari sakanila.

"pre pag pinagsama mo yung dalawang yun ay hindi makakalagpas nang isang minuto na walang bangayan na akala mo'y katapusan na nang mundo, teka tawagan ko"

Tinawagan naman ni chase si lian.

"hello! Nasaan na kayo?"

"andito na sa labas, putangina tumahimik ka nga! Bakla! Hampas-lupa! Kupal!" dinig naming sigaw ni lian mula sa kabilang linya.

"wow ha! Ano ka naman?! Bakulaw! Maganda nga pero pangit ang ugali tapos isang tomboy!" dinig rin naming sigaw nang lalaki.

"ako tomboy! Ikaw bakla! Bakla ka!"

Pagkatapos nun ay pinatay na ni chase ang cellphone.

"see? That's what our talking about" ani ni jillian, at maya-maya pa ay napabalikwas nalang kami dahil sa isang malakas na pag bukas nang pinto.

"ikaw bakla! Isa ka pang hampas lupa!" sigaw ni lian dun sa lalaki, pareho silang nakasuot nang lab suite at nasa likod nila si cass na naka busangot at may tulak-tulak na stroller na may bata.

"aish tumahimik nga kayo, the baby is sleeping" sita sakanila ni cass at padabog na umupo sa tabi ni chester.

"ito kasi eh!" turo nang lalaki kay lian.

"anong ako? Ikaw kaya" ani naman ni lian.

"wow! Adobo oh!" sigaw nang lalaki na nakaturo pa sa kinakain namin at bigla nalang umupo. Nilantakan niya na ang pagkain habang si lian naman ay nakangiwing nakatingin sakanya.

"patay gutom" aniya at umupo sa tabi ko.

"hey, ano nga palang nangyari kagabi?" ani nung lalaki habang kumakain.

"hindi mo natatandaan?! Ha?!" sigaw ni lian na tinututukan nang tinidor yung lalaki.

"ano ba ang nangyari? Uminom lang naman tayo"

"uminom tayo tapos nung malasing ka ay nagsasayaw ka sa parking lot tapos sinukahan mo pa akong kupal ka at ang gusto kong malaman ay kung bakit tinatawag mo ang pangalan ni naya?"

Nanlaki naman ang mata nang lalaki at hindi nakapagsalita.

"wag mong sabihing-may relasyon kayo kasi pag nangyari yun, puputulan ko kayong dalawa nang ulo" pananakot ni lian.

"a-ah kami? H-hindi no! Napakapangit non! Pangit! Sino naman magkakagusto dun sa pinsan mo? Yack!" tanggi nung lalaki.

"good, pero oras na malaman kong may namamagitan sainyong dalawa. Babaliin ko ang lahat nang buto mo sa katawan, pero hindi naman siguro mangyayari yun diba? Ni hindi nga kayo mapagsasama sa isang lugar eh" ani ni lian at nagsimula naring kumain.

The Heiress (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon