Xander POV
"Xander, anak gising na at mag-aayos kapa" Dinig kong boses ni Nana na nanggagaling mula sa labas nang kwarto. Nilingon ko ang katabi ko at nakita kong wala na si Lian kaya dali-dali naman akong lumabas para hanapin siya.
"Ito na pala ang birthday boy natin eh" ani ni Raze nang makababa ako.
"Nakita niyo ba si Lian?" Tanong ko
"May aayusin daw sila dre bali tayong mga lalaki nalang naiwan dito at bilin ni Lian na dapat before 1pm ayos na tayong lahat" Aniya
Umakyat naman ako at kinuha ang cellphone ko at tinext si Lian.
To: Allian
Asan ka babe?
Natuwa naman ako nang makita kong nagreply siya kaagad.
Secret basta magbihis ka na diyan. Happy birthday. Mamaya ko nalang ibibigay yung regalo mo.
Diba nabigay mo na? Tanong ko
Di mo sure 😉
Para naman akong naganahan at naligo na kaagad at paglabas ko nang banyo ay may damit nang nakalagay sa kama. Kinuha ko naman yun at sinuot.
Kinuha ko ang gel ko sa bag ko at humarap sa salamin.
"Pakasalan ko nalang kaya sarili ko" Ani ko sa sarili.
"Feeling naman ampota" Dinig kong ani nang nasa likuran ko at si Raze yun.
"Nakakagulat ka naman tol! Kanina kapa ba diyan?"
"Di naman, kakapasok ko lang tas di moko napansin" Nagulat ako nang may binato siya sakin na box at nang buksan ko yun isa iyong relo na may kasamang condom. "Wala nakong may maisip na magandang iregalo eh kaya yan nalang hehe Magagamit niyo pa"
"Tsk salamat, baba na tayo mag aalauna na" Ani ko at inakbayan siya saka kami sabay bumaba nang hagdan.
Nang makababa kami ay nandoon na ang lahat pati ang mga pinsan ni lian na mga lalaki.
"San sila tayo pupunta na?" Tanong ko naman sakanila
"Sa emong hart" ani ni yuan kaya binato ko siya nang unan na nadampot ko sa sofa, maya-maya pa ay dumating na nga daw ang aming sasakyan papunta daw sa venue kaya naman sumakay na kami at namangha pa ako sa laki nang lugar at sa ganda nang mga palamuti nito.
"Anak! Happy Birthday!!" Nagulat naman ako kay Mommy na biglang yumakap sakin at di ko alam na andito na pala sila.
"Mom, kailan pa po kayo dumating?" Tanong ko
"Kaninang umaga lang, sinundo kami ni Lian" aniya habang inaayos ang damit ko, napatingin ako sakanya nang may inabot siya sakin. Isang itim na box at nang buksan ko ito ay isa relo. Kinuha niya ito mula sa box at isinuot saakin.
"Pasensya kana at luma na iyan, yan ang pinaman sakin nang Lolo mo bago siya nawala, dahil wala naman siyang anak na lalaki ay wala din naman magsusuot niyan kaya binigay niya na lamang sakin at sinabing ibigay ko nalamang saiyo, of course ikaw lang naman ang apo niya" natatawang ani ni Mommy natawa din naman ako at tinignan maigi ang relo.
"Thank you po, atsaka di naman siya sobrang luma Mom, ganda nga e" ani ko at niyakap siya
"Binigay mo na pala sakanya yan? Hinanap ko pa naman sa kwarto kagabi" biglang sulpot ni Daddy sa kalagitnaan nang pagyayakapan namin ni Mommy atsaka siya may binato saakin na box din ngunit puti naman ang kulay nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/233629513-288-k963678.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heiress (On Going)
FanficBasahin niyo nalang para namang others pinsan to ni Allisha kaya kalmahan niyo lang