Allian POV
Tatayo na sana ako nang may maramdaman akong braso na nakayakap sa bewang ko kaya tinignan ko kung sino yun at napangiti agad ako.
Ilang minuto pako tumingin sa mukha niya bago dahan-dahang inalis ang braso niya, tatayo na sana ako nang hilahin niya ako at niyakap, isinubsob niya pa ang mukha niya sa leeg ko.
"dito kalang" aniya at mas inilapit pako sakanya.
"kailangan ko nang mag-ayos, uuwi pa kami" natatawang ani ko.
"wag na kayong umuwi" bulong niya, natawa naman ako.
"hindi pwede" natatawang ani ko.
"bitawan mo na ako, maliligo pako" ani ko.
"edi sabay tayo" nanlaki naman ang mata ko at pinitik ang noo niya kaya napamulat siya.
"damn, why are you so hot" aniya at hinalikan ako sa leeg.
"magtigil ka nga xander throy" ani ko at pilit siya nilalayo pero hindi ko magawa dahil mas malakas nga siya sakin.
"tumigil kana" natatawang ani ko, bago siya huminto ay dinampian niya muna ako nang halik sa labi.
Nang tignan ko ang orasan ay 6am palang.
"maaga pa babe" napatingin naman ako sakanya at pinagtaasan siya nang kilay.
"wag kang maging malandi" ani ko
"ano ba yan? Kagabi malibog ngayon malandi? Ano na naman bukas?" aniya, natawa naman ako at dinampian siya nang halik sa labi bago pumasok nang banyo.
Ang isinuot kong damit ay yung kahapon na suot ko, nalabhan naman na to, mamaya nalang ako magbibihis sa bahay.
Nang lumabas ako nang banyo ay nakita ko si xander na tulala, siyempre bagong gising.
Isinampay ko muna ang tuwalya sa pinto bago ako lumapit sa side table niya para kuhanin ang salamin ko.
"babe uuwi ka na ba talaga?" nakangusong aniya na nangingilid pa ang luha. Natawa naman ako at hinawakan ang magkabilang pisngi, niyakap ko siya kaya napasubsob ang mukha niya sa tiyan ko.
"para kang bata, akala mo naman kung saan ako pupunta" natatawang ani ko.
"mamimiss kita eh"
Natawa nalang ako at sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay ko, siya naman ay hindi pa inaalis ang mukha sa tiyan ko at yakap parin ang bewang ko.
"edi dun ka matulog kung gusto mo, pero magpaalam ka sa mommy at daddy mo" ani ko
"talaga?!" aniya, tumango naman ako.
"kaya maligo kana" ani ko, nagulat ako nang bigla niya akong binitawan at tumakbong papuntang banyo, natawa naman ako.
Basa na tuloy ang polo crop top na suot ko, pero okay lang sa bandang tiyan niya lang naman at luha naman yun nang mahal ko.
Bumaba nako at sinalubong ako nang mommy ni xander.
"goodmorning po" ani ko
"goodmorning hija! Kain kana dito" aniya, nakita ko namang nandun na ang mga kasamahan namin.
"nasaan yung mga lalaki?" ani ko
"ayun nag-eempake" ani ni freya
"bakit?" natatawang ani ko
"sabi kasi namin pwede silang matulog dun sa bahay dahil na awa kami nang umiyak sila na akala mo naman sa mars ang punta natin" ani ni kiana, natawa naman ako.
Nagulat kami nang habang kumakain kami ay dumating ang mga lalaki na may dalang mga maleta, nasamid pako.
"ano yan?! Sabi namin pwede kayong makitulog hindi tumira" ani ni zaih.
BINABASA MO ANG
The Heiress (On Going)
FanfictionBasahin niyo nalang para namang others pinsan to ni Allisha kaya kalmahan niyo lang
