Chapter 21

14 1 0
                                    

Allian POV

"oh, magiingat kayo dun ah," ani ni aleng, ngayon na kasi kami uuwi.

"baks, babalik kayo ah" ani ni yanyan,

"oo naman" ani ko at  niyakap siya.

"uuwi narin sila bella, dun ko nalang daw siya ihatid sa Airport sabi ni kuya" anunsyo kaya agad silang napalingon sakin.

"talaga?!" gulat na ani ni kiana, tumango naman ako. "oh, iiwan na ulit tayo ni inday" pangaasar niya. Natawa naman ako.

Natulog nalang ako habang nasa byahe at nang nasa Airport na kami ay agad kaming bumaba at nagpaalaman.

"wag mong pababayaan yan ah" ani ko kay kuya, hinalikan ko muna si bella sa noo bago sila pumasok.

"so tahimik na naman tayo" ani ni zaih nang makapasok kami nang bahay.

"edi paingayin natin" nakangising ani ni miguel at hinila nalang siya bigla, umakyat na sila. Napailing nalang ako at umupo nang carpet, nilabas ko na ang laptop ko at mga papers ko na hindi ko pa natapos.

"babe hindi ka ba magpapahinga?" ani ni xander na nakayakap na sa likod ko, umiling naman ako.

"ilang araw na tayo nagpapahinga eh, at saka isa pa marami pa tung mga papers ko. Bukas pupunta rin kami sa school" ani ko habang hindi inaalis ang tingin sa laptop.

Nanlaki ang mata ko nang sinimulan niya naman halikan ang leeg ko at bigla yun kinagat kaya siniko ko siya. Natawa naman ang mokong.

"umakyat ka na nga dun" ani ko, hinalikan niya muna ako bago umakyat.

Gabi na at hindi ko pa natatapos ang mga papers ko,

"kiel hindi ka ba kakain?" dinig kong ani ni freya mula sa dinning area.

"sandali!" sigaw ko, bago tumayo dala parin ang laptop ko.

"kiel, manners please?" ani ni freya sa unahan ko.

"oh sorry" ani ko at pinatay na ang laptop ko. Binilisan ko ang pagkain ko at umakyat na dala ang mga papers ko.

"babe hindi ka pa matutulog?" ani ni xander na nakahiga na sa kama.

"hindi pa" ani ko, narinig ko naman ang pag buntong hininga niya kaya tumayo muna ako at lumapit sakanya.

"matulog kana" ani ko at hinalikan siya sa noo, bago ako umalis ay inayos ko muna ang kumot niya.

Mga alas tres na nang umaga ako natapos kaya natulog lang ako at pag-gising ko ay natutulog pa si xander kaya hindi ko na siya ginising at nag-iwan nalang nang note.

Nakabihis nako nang labgown ko at pagdating ko sa hospital ay agad akong sinalubong nang mga kasamahan ko.

"madam!" sigaw ni Kristine

"oh?" ani ko at nagtimpla nang kape.

"wala lang" aniya habang nagtitimpla narin.

"ang ganda nung content niyo ngayong buwan ah" ani ni carlo, ex ni Kristine.

Lahat kami nang mga kasamahan namin dito ay boto sakanila kaya nga gumagawa kami nang paraan para magkabalikan sila eh.

"salamat" ani ko at umupo.

Maya-maya pa ay inanunsyo na aalis na kami at pupunta sa MC.

"ang laki pala neto no?" ani ni Kristine, nurs siya at kami ang kasama niya ni cyril.

Kami nila carlo, mikael, cyril Kristine at ako ang naka assign sa batch nila xander. Naka mask kaming tatlo at ang mga lalaki sa likod ay may tig dadalawang dalang bag. Ako naman ay chart lang.

The Heiress (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon