Allian Pov
Kinaumagahan nagising ako dahil kay Xander na patuloy na hinahalikan ako sa buong mukha.
"babe gising na, ilang balik na dito si Nana oh di ka parin gumigising" aniya
"Masakit ulo ko, kung gusto mo mauna ka nang bumaba" nakapikit na tugon ko sakanya.
mas hinigpitan niya pa ang yakap sa bewang ko at hinalikan ako sa sentido "ayan inom pa, saka ayoko gusto ko sabay tayong bumaba" aniya.
Dahan-dahan ko namang iminulat ang mga mata ko saka siya nilingon, binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti bago niya dinampian ng halik yung noo ko.
"kain na tayo asawa ko, tayo nalang nila yuri ang hindi naka kain" nag iwas naman ako ng tingin dahil di ko kayang itago ang pamumula ng pisngi ko dahil sa tinawag niya sakin.
Nauna naman akong tumayo at sumunod naman siya sakin, bago kami bumaba ay pinuntahan ko na muna sila Aspen sa kwarto niya kasi panigurado andun din si yuri, Yung kwarto kasi ni Aspen ay katapat lang ng pinto namin ni kiana.
Napangisi ako ng si Yuri ang magbukas nun at nakapikit pa saka damit pa ni aspen ang suot niya, may nakikita din akong mga hickey sa leeg niya, magulo din ang buhok niya.
"Saan na yung sinabi mong di mo na babalikan pinsan kong gago?" nakangising ani ko.
Napamulat naman siya bigla at nanlalaki ang mga matang tumingin sakin bago ibinaling ang mga tingin sa sarili niya saka niya nilingon si aspen na nasa kama at malawak ang ngisi sakanya. wala itong damit pangtaas at tanging short lang ang suot.
"Pinagsamantalahan moko no?!" biglang sigaw niya kay aspen, mahina naman akong natawa.
"Pinagsamantalahan huh? eh ikaw nga yung unang nanghalik sakin at sabi mo mag se-"
"Wag mo nga akong niloloko eve!!" galit na putol ni yuri sa sasabihin ni aspen. Halata ngang galit na ito kasi tinawag na niya ito gamit ang second name ni aspen.
"Hon-"
"Wag ka na ngang sumabat!!" muli na naman nitong putol sakanya at galit na lumabas ng kwarto niya.
Binigyan ko naman si Aspen ng 'hala ka' sign pang-asar lang sakanya, sumama naman ang tingin niya sakin kaya natawa ako at sinundan si yuri na siyang papunta sa kusina. Nang makarating kami ng kusina ay si nana lamang ang naroon at ang ibang mga katulong.
"San po si Kiana nana" tanong ko at kumuha ng gatas sa ref saka iyon isinalin sa baso nagpalagay din si yuri kaya nilagyan ko nalang din. Di ko na pinasok sa ref kasi baka iinom din sina xander.
"ay umalis muna saglit, pupunta daw silang mall baka mamaya andito narin sila. Di na nila kayo inaya kasi sabi ng mga nobyo niyo ay masama daw pakiramdam niyong dalawa.

BINABASA MO ANG
The Heiress (On Going)
FanfictionBasahin niyo nalang para namang others pinsan to ni Allisha kaya kalmahan niyo lang