Chapter 36

6 0 0
                                    

Xander POV

"hoy mga madam at mga don! magsigising na kayo at kakain na!" rinig kong sigaw ni kiana mula sa labas kaya ako na ang nagbukas ng pinto at nang mabuksan ko na iyon ay nakita ko si kiana at lian na pumipikit pa ang mga mata at nakasandal sa pader. Natawa naman ako habang si kiana ay tinulak ako para makapasok siya sa kwarto at pinaghahampas ng unan ang mga natutulog pa dun.

lumapit ako kay lian na nakapikit padin ang mga mata. Biglang napamulat ang mata niya ng dampian ko siya ng halik sa labi, natawa naman ako at dinampian siya ulit ng halik sa labi at sa noo.

"goodmorning" bati ko sakanya at hinapit siya palapit sakin. Agad namang pumalibot ang kanyang mga braso sa leeg ko.

"goodmorning din" aniya at dinampian ako ng halik sa labi.

"ba't ba ang aga-aga eh ang ingay palagi ng bunganga mo kiana" antok na ani ni kio na kakalabas lang rin ng kwarto niya, nakapikit pa ang isang mata

bumaba na nga kami at nagsimula ng kumain.

"so kiana  and xander anong plano niyo sa birthday niyo?" tanong ni papa.

"uh kung ano po ang desisyon ni kiana ganun din po akin" ani ko.

sinabi naman ni kiana kung anong gusto niya at ako naman ay inabot ang kamay ni lian mula sa baba ng mesa, napatingin naman siya sakin ng masama at ako naman ay kinindatan siya.

"lian ano ba meaning ng LF?" tanong ni kiana ng makaalis sila mama dahil tapos naman na sila kumain at nagmamadali rin sila dahil may kailangan pa silang puntahan.

"looking for" sagot ni lian, habang pinagpapatuloy ang pagkain.

"looking for pala yun? akala ko kasi 'lyk fota' ang meaning hehe" ani ni kiana, mahina naman akong natawa at pinagpatuloy nalang ang pagkain.

Nandito kami ngayon sa sala at katabi si lian na nakaupo ng naka-upsidedown at naglalaro sila ng ml nila kiana.

"yawa ampota, depress ata yung tank natin pre" biglang ani ni lian.

"sadboi amputa" ani naman ni kiana

"lumilipas ang panahon..." dinig kong kanta ng isang lalaki sa kabilang linya, naka on mic.

nakita ko nmang napangiti si lian, "baby ko si kulot, inaalis niya ang aking lungkot" kanta pa nung lalaki pero ganun pa din ang tono ng pagkanta niya, tulad kanina.

"galing naman" natatawang ani ni kiana, sinamaan naman siya ng tingin ni raze, nagaaway ata sila ngayon kasi parang di sila okay eh. 

"hehe thank you lods, isang nice one baby naman diyan" ani nung lalaki.

"eh kung nice one-nin ko bunbunbunan mong bobo ka!!" sabay agaw ni raze ng cellphone.

"hala sorry pre HAHA" sabay tawa nung lalaki narinig ko naman yung tawa ni lian sa tabi ko kaya nilingon ko siya at niyuko saka hinalikan sa noo.

"sanaols!!" biglang singit ni freya.

"gusto mo ikiss din kita mahal?" ani ni vince at mula sa malawak na ngiti ni freya kanina ay biglang umiba sa walang reaksyon na mukha saka nilingon si vince.

"gusto mo kay ylay kita ipalalap?" ani ni freya at binigyan siya ng sarkastikong ngiti.

napanguso naman si vince kaya natawa ako. maya-maya ay natapos na ang laro nila at nagulat kami ng biglang bumuhos ang malakas na ulan sabay kidlat, naramdaman ko naman na sumiksik sakin si lian.  Niyakap ko naman siya dahil ramdam ko na natatkot siya sa kidlat pff.

"1,2,3!" bilang ni kiana sabay takbo paakyat, pero tung katabi ko ay siksik parin ng siksik sakin parang walang balak sumunod sa mga kasamahan namin.

"b-babe?" ani ko.

The Heiress (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon