ARREST ME, SIR!

33 2 0
                                    

"Bhe, anong meron? Ba't maraming pulis? May aarestuhin ba?" tanong ko sa kaibigan ko nang makitang maraming estudyante sa gate ng school at halos ay babae at may iba ring mga bakla.

"Oh nandito ka na pala," aniya. "May gwapong pulis kasi tapos ang macho pa!" kinikilig panh sabi niya at may pahawak sa pisngi.

"Gwapo? Asan?" ani ko.

"Ayun, tingnan mo dun sa unahan. Inichapwera na kasi ako ng ibang kaibigan natin nang makita nila si Mister Machong Pulis."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Tiningnan ko ang batalyon ng mga estudyante at may natanaw nga akong isang pulis car sa unahan.

"Samahan moko." ani ko sabay darag ng pulsohan ng kaibigan ko.

"Aba hoy! Nabusog na ako kakatanaw kanina! Wag mo na akong idamay!" saad niya pero hindi ko siya pinansin.

Lahat ng mga nakaharang ay tinulak ko. May narinig pa akong napa-aray at nagreklamo. Ang kaibigan ko naman ay ilang beses ring kumawala sa pagkakahawak ko pero mahigpit ito kaya wala siyang takas.

"Bitaw na kasi, bhe. Nabusog na talaga ako kanina sa tanawin 'no! Infact, ako pa ang unang nakakita kay Machong Pulis tas nang nabusog na ako, saka ko na sinabihan ang mga kaibigan natin sa nakita ko. Kaya sige na, bitaw na." aniya.

"Ayoko. Baka may gagawin akong hindi kaaya-aya tapos ikaw ang ituturo ko kung sakali man." sabi ko sabay tawa.

"Ay gaga ka!"

Tinawanan ko na lang siya at itinulak ang ibang nasa harapan ko. Ilang saglit pa ay may natanaw na ako sa unahan.

"Excuse me muna mga 'day, kailangan ko ng vitamins from mga pogi kaya padaanin nyoko." saad ko sa mga'ang ayaw talagang tumabi.

Mukhang hindi nila ako narinig dahil sa malalakas na sigaw ng mga estudyante.

"I'm sorry, kids. I really can't take picture with you all. Sandali lang kami dito sa school niyo at babalik rin kami agad."

Napatigil ako nang marinig ang barakong boses at napatingin aa unahan. Halos lumuwa naman ang mga mata ko sa nakita.

Dalawang pulis at ang gwapong macho na tinutukoy ng kaibigan ko ay parang mapupunit na ang uniform na suot nito. Ang isang pulis na kasama nito ay may edad na.

"Bhe, hindi pa ba mapupunit ang uniform ni Sir? Mukhang konting galaw lang, nasa langit na ang mga mata natin." saad ko sa kaibigan ko na nasa tabi ko.

"'Yan nga ang sinasabi ko. May iba pa nga kanina na halos tumalon sa kanya para mahawakan ang biceps niya."

"Eh bakit parang wala nang lumalapit?"

"Syempre, winarningan ni Principal. Kung gusto mong ma-expell sa gagawin mong kahihiyan, gawin mo na."

"Ano bang ginagawa ng mga 'yan dito?" tanong ko.

"Balita ko, aarestuhin daw 'yung sumira sa electricity ng school, ang sumira sa alarm ng kada room, inaapak-apakan ang mga tanim, pinunit ang mga school works na nasa desks ng teachers natin, at marami pa. Pumunta sila dito para imbestigahan. Sunod-sunod na kasi ang nangyari, at isipin mo, kada lunes pa 'yon!" aniya at parang alalang-alala.

Ako naman ay natigilan sa sinabi niya. Aarestuhin?

"Hindi mo alam? Kalat 'yun sa buong school eh." aniya pero tahimik lang ako.

"Bhe, mahal mo pa rin ba ako kahit may ginawa ako?" tanong ko.

"Aba, wag kang ganyan. Don't tell me, na may gagawin kang kahihiyan?"

"Ginawa at gagawin pa."

Magtatanong pa sana siya pero agad kong pinutol at sumigaw,

"ARREST ME, SIR!"

Tumahimik ang lahat.

"Hoy gaga, anong ibig mong sabihin?!" tanong kaibigan ko pero hindi ko pinansin.

"Wala sana akong balak umamin pero kung ikaw ang aaresto, bakit hindi?" ani ko at lumapit sa kanya at inilahad ang kamay.

"What do you mean?" tanong niya at halos matunaw ako sa lalim ng boses. Iba talaga kapag malapitan!

"Ako po ang gumawa ng lahat ng nangyari dito sa school at kung araw-araw ka namang nasa presinto, ayos lang sa akin." ani ko at ngumit nga matamis.

I heard some gasps. Pero ang pulis na nasa harapan ko ay may nakaarko ang kilay. Tila hindi alam ang sinasabi ko.

"What do you mean, kid? Were not here to arrest the culprit who done so many ungrateful things to the school." aniya.

Napawi ang ngiti ko. "A-ano?"

"Were here because your school needs some guidance from us to the security. Alam rin namin ang mga nangyayari dito pero wala kaming balak arestuhin dahil on the spot namin dakpin ang salarin. So..."

Oh shit.

Nilingon ko ang kaibigan ko pero mas nagulat ako sa nakita ko. Nakangisi siya.

"...you're the culprit, huh? Thanks to you, we don't need to investigate anymore." rinig kong saad niya at naramdaman ko na lang na may malamig na bagay ang dumapo sa balat ko.

Pero hindi ko 'yon pinansin at nakatuon lang ang tingin sa kaibigan kong nakangisi sa akin at may isang pangungusap lang ang nasa isip ko.

Hindi ako ang gumawa no'n.


***

Almost, 1 year akong hindi nakapagsulat dito kaya bumawi ako ng halos 800+ words. Plano ko sanang nasa 300-400 word count lang kaso hindi ko napansin at natamad rin akong mag-edit na paikliin. Baka mas lalong hindi ako ma-satisfied.

Since December 30, 2020 pa 'to at marami pa ang ganitong drafts ko kaya babawi ako this year.

Hope you learn something!

elevated: my journeyWhere stories live. Discover now