"Jien!"
"Oh Leah, bakit?"
Panibagong chismis na naman ang lalabas sa bunganga nito. No wonder na siya ang taga-simula ng gulo dito sa campus. Tsk.
"Grabe hindi talaga ako makapaniwala!"
"Ano nga 'yun?!"
"Si Charles!"
"Bakit? Anyare kay Charles?"
"May tinutukoy daw siyang pokpok na nagyayang makipagtalik daw sa kanya!"
'Kala ko kung ano na.
"Eh ano ngayon?"
"At alam mo ba kung sino ang tinutukoy niya?"
"Sino?"
"Ikaw!"
Doon ako natigilan sa sinabi niya.
"What are you saying Leah, hindi ako gano'ng klaseng babae!"
"Err, alangan namang ako diba, eh si Charles na nga ang nagsabi 'no." maarteng saad pa niya.
Tiningnan ko siya ng mariin.
"Are you sure?"
"Aba 'wag mo'kong matitigan ng ganyan Jien!"
"Sinisigurado ko lang na hindi ka nagsisinungaling,"
"Inaakusahan mo ba ako?"
"May sinabi ba ako?"
Nagdududa na talaga ako dito eh.
"Pero 'yon ang sinasabi ng mata mo."
Napangisi na lag ako nang nakikita ko siyang naiinis na.
"Kung 'yun ang nakikita mo edi 'yun nga."
What the—Sinampal niya ako!
"I hate you Jien! Ikaw na nga ang tinutulungan, ikaw pa ang mang-aakusa!"
Sinampal ko siya pabalik. Mas malakas pa sa sampal niya.
"May tiwala ako sa'yo Leah na hindi mo ako sasaksakin patalikod, kahit alam kong ikaw ang dahilan sa lahat ng gulo na nangyayari dito sa school. Pero alam mo ang mali ko? Nagtiwala ako sa isang tulad mo!"
Nakabukas-sara ang bibig na animo'y nangangapa ng salitang ibabato sa'ken pabalik.
"At huwag na huwag mo siyang akusahan na sinabihan ako ni Charles na pokpok!"
"T-totoo ang sinasabi ko Jien!" depensa niya.
Pinagtitinginan na kami ng mga kapwa namin estudyante dahil agaw-pansin talaga ang aming sigawan.
"I trusted you Leah, pero anong ginawa mo? Siniraan mo ako mismo sa boyfriend ko na alam kong hinding-hindi niya sasabihing pokpok ako!"
Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya at naramdaman kong may humawak sa beywang ko na mas lalong nagpalaki sa kanyang mga mata.
WORK. OF. FICTION.
All Rights Reserved ©2020
YOU ARE READING
elevated: my journey
De Todo: one-shot anthologies written from rpw : hello! just a quick reminder. most stories that you may read here are written way back 2020, so my style of writing isn't the same as today. i really want to unpub this but this is how i started and grow as...
