EVERY GIRLS NIGHTMARE

88 3 0
                                        

Napaungol na lang nang may naramdamang kakaibang sensasyon sa aking katawan lalo na sa aking pribadong parte nito.

Naramdaman kong pumatong na naman siya sa akin kaya napahawak na lang ako sa kanyang balikat. Wala akong may nakikita kundi dilim at tanging naririnig ay halinghing.

Minsan nang may nangyari sa amin na may konting liwanag ngunit hindi ko makikita ang kanyang mukha ngunit ito'y ipinagsawalang-bahala ko na lang dahil nakakadala ang ginagawa namin gabi-gabi.

Hindi na ito ang unang beses na nangyari sa akin at pagkagising ko ay nalaman kong isa lamang itong panaginip at wala namang nagbago sa aking damit pantulog. Sa madaling salita, isang lalaki sa aking panaginip ang nakauna sa akin.

"Marjorie, anak. Gising na."

Tuluyan na talaga akong nagising ng totoo nang bahagya akong yugyogin ni Mama.

"Hmm ano 'yun Ma?"

"Gising na, hindi ka pa tapos sa sinasagutan mong module anak, bangon na dyan at kakain na."

"Sige po."

Normal lang naman sa akin ang kada umaga at kada gabi lang naman may hindi normal sa akin.

Patapos na ako sa isang asignatura ay napagpasyahan kong buksan ang isa sa aking social media account.

Naagaw ng atensyon ko ang isang post ng aking kinikilalang threader tungkol sa nakakatakot na mga panaginip ng mga babae.

Pinindot ko ang comment section at base sa mga nababasa ko ay nakakatakot nga pero may isa talagang nagpakabog sa dibdib ko.

Kao Threader
sa panaginip especially for girls.
napanaginipan niyo na bang nagsese*x kayo ng isang lalaki na hindi kita yung mukha? it means nire-rape ka ng demon.

Tama ba ang nababasa ko?

Agad kong tinungo si Mama sa kusina at pinakita sa kanya ang aking nabasa at sinabi ang nangyayari sa akin sa tuwing nananaginip ako.

Alam kong magugulat siya pero mas nakakagulat ang kanyang ginawa dahil ako'y kanyang niyakap at umiyak!

"Mama? Anong nangyari sa'yo? Bakit ganyan na lang ang iyong reaksyon?"

Hinawakan niya ang mukha ko pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"Ma!" suway ko.

"Hindi mo ba talaga nakikita ang kanyang mukha?"

Umiling ako. "Hindi po."

"Halika't maupo at sasabihin ko sa'yo ang aking sikreto."

Sabay kaming umupo sa hapag-kainan at nakatutok lang ang aking pandinig sa sasabihin ni Mama.

"Alam mo naman diba na wala kang ama?"

"Opo."

"Patawarin mo ako ngunit hindi patay ang iyong tunay na ama."

"Po? Anong hindi patay? Tunay na ama? Hindi kita naiintidihan Ma."

"Nabuntis ako nang walang asawa o kahit kasintahan man lang Marjorie. Dahil ako'y minulestya sa panaginip ng isang demonyo at ngayon ikaw naman ang kanyang sinunod sa akin." umiiyak na paliwanag ni Mama.

"...tinago ko ito sa mahabang panahon dahil inakala ko'y tatantanan na niya ako ngunit hindi pa pala at alam kong hinding-hindi niya gagawin. Patawarin mo ang nanay dahil nagpadala siya sa kamandag ng kadiliman at ikaw ang bunga ng kasinungalingan sa nakalipas na mahabang panahon.

Hindi ako makapagsalita!

"Anak ka ng demonyo sa panaginip, Marjorie."




WORK. OF. FICTION.
All Rights Reserved ©2020

ps: Kao Threader is one of my fav threader in facebook. Idk, if gano'n pa rin ang gamit until today ~

elevated: my journeyWhere stories live. Discover now