Tahimik kong pinagmamasdan ang kalsadang dinadaraanan ng mga sasakyan at yapak ng mga tao.
Dito rin ako natutulog kaya malaya ko silang natatanaw habang nakapaskil ang mga nakangiting mukha na parang walang problemang dinaramdam.
Samantalang ako ay halos isang beses lang sa nakakakain sa dalawang linggo at poproblemahin pa ang kakainin sa susunod na araw.
"'Lo, para po sa inyo."
Tiningala ko ang isang binatilyo na may hawak na isang supot at naaamoy ko'y pagkain ito.
Nakangiti ko itong tinanggap.
"Maraming salamat, apo."
Umupo ito sa harap ko habang ang isang tuhod ay nakadikit sa semento.
"Magpakabusog po kayo Lolo." saad nito habang nakangiti pa rin.
Iniangat ko ang kamay ko para haplusin ang makinis niyang mukha.
"Napakabait mong bata. Pagpalain ka nawa ng Diyos."
Ngumiti siya kaya tinanggal ko na ang kamay ko sa kanyang pisngi.
Tinapik niya ang balikat ko at hudyat na iyon na umalis siya.
"Maraming salamat 'Lo. Mauuna na po ako." saad nito nang nakatayo na.
"Maraming salamat din apo. Mag-iingat ka."
Ngumiti uli ito at tumalikod na.
Binuksan ko ang supot at dali-daling kinuha ang pagkain at kumain na.
May narinig akong mga boses sa di kalayuan, nilingon ko ito. Grupo ng mga kalalakihan at mukhang nag-aaral pa.
"Ayos pre, sisikat ka nyan!" saad ng isa habang nakatingin sa kanyang selpon.
"Alcohol nga dyan. Ang gaspang ng kamay nung matanda tsaka ambaho at amoy lupa pa." nagulat ako nang makita na siya ang lalaking tumulong sa akin.
"Ayan kase pahawak-hawak ka pa."
"Hanap tayo ng banyo sa mall. Gusto kong maghilamos, ang kati ng mukha ko,"
Nang makaalis na sila ay tuluyang tumulo ang luha ko.
Ganito talaga kapag mahirap ka. Gagawin ka nilang kasangkapan sa kasikatan upang makamit ang atensyon ng lahat.
Kapag mahirap ka, talo ka.
Malayong-malayo na ito sa pinaglakihan kong bansa kumpara noong una.
Kinakailangan ba talaga ang mga katulad namin para kahit paano ay may maiambag kami sa mapanghusgang lipunan?
WORK. OF. FICTION.
All Rights Reserved ©2020
YOU ARE READING
elevated: my journey
Random: one-shot anthologies written from rpw : hello! just a quick reminder. most stories that you may read here are written way back 2020, so my style of writing isn't the same as today. i really want to unpub this but this is how i started and grow as...