"Mandy, rinig at kalat na kalat na sa buong campus ang pakikipag-one night stand mo sa anak ng principal na si Anjo." mataray na saad ni Chyna, ang dakilang war-freak brat.
"W-wait what? I don't know what you're talking about—"
"Oh c'mon, don't tell na hindi mo alam ang mga malalanding ginagawa mo, Mandy-girl."
"Wala akong alam sa mga pinagsasasabi mo."
Maarte lang siyang tumawa kasama ang mga alipores niya.
"Mandy!" rinig kong sigaw ng bestfriend kong si Bianca.
Umalis rin naman sina Chyna pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsulyap niya kay Bianca na tila nag-uusap ang kanilang mga mata.
"Mandy, alam mo na ba?"
Tahimik lang akong tumango.
* * *
"Ate Mands, wala akong tiwala sa pagmumukha ng Bianca na 'yun ah."
"Jammy, 'yang bunganga mo."
"Eh 'Ma, masama kutob ko sa babaeng 'yun."
"Ako rin naman, unang tingin ko pa lang at para talagang peke ang pakikitungo niya sa ate mo."
"Bianca? Ung dinala mo dito nung hapunan natin kahapon?"
"Yes 'Pa." si Jammy na ang sumagot.
Tahimik ko na lang tinapos ang pagkain habang sige pa rin sila sa paninira kay Bianca sa'ken. Parang pinipiga ang puso ko, Bianca is a nice friend. Isn't she?
* * *
"...gusto ko pang ipahiya si Mandy ng bonggang-bongga para ako naman ang tatanghaling Queen Bee kung sakaling sisibakin siya sa trono."
"May iba ka pa bang pinaplano? Akala ko tapos na ang pinapagawa mo?"
"Not yet Bianca and please calm down."
"A-ano pa ba ang gusto mong gawin ko?"
Hindi ko na nakayanan kaya lumabas ako sa pinagtataguan ko dito banda sa pintuan ng conference room, and my phone is still live and had a thousands views on it.
"You betrayed me, Bianca."
"Mand—"
Ngumiti lang ako ng mapait at lumabas ng luhaan.
WORK. OF. FICTION.
All Rights Reserved ©2020
YOU ARE READING
elevated: my journey
Random: one-shot anthologies written from rpw : hello! just a quick reminder. most stories that you may read here are written way back 2020, so my style of writing isn't the same as today. i really want to unpub this but this is how i started and grow as...