ML o AKO

91 3 0
                                        

'Enemy has been slain'
'Legendary'
'Victory'
'Maniac'

Iyan palagi ang naririnig ko sa cellphone ng boyfriend kong si Rayen.

"Babe, sabe mo manonood tayo ng sine kaya tara na."

"Mamaya na babe, tatapusin ko lang 'to."

"Punyeta ka, nakadalawang oras na ka na jan 'tas puro ka tatapusin ng tatapusin!"

"Babe, may 24/7 pang mall sa labas."

Binatukan ko siya.

"Tangna mong animal ka, may trabaho pa ako bukas at bawal akong magpuyat!"

Saglit niya akong tiningnan at ibinalik agad sa cellphone ang tingin.

"Mamaya na babe, tatapusin ko lang talaga 'to."

"Rayen, alas-singko ka pumunta dito at alas-syete na oh! Mata-maya maghahapunan na ako!"

"Eh dun tayo mall maghahapaunan."

Aba ang gago namimilosopo na!

"Ah ganun tapos alas-dyes na ako kakain?!"

Hindi niya ako pinansin!

Pabalik na ako sa condo ko at may dalang pagkain. Syempre para sa'kin 'to.

Nakakabadtrip talaga 'yang si Rayen eh, nagyayang gagala at manood ng sine tapos siya itong hindi pumunta.

Kung magwa-wattpad ako ay todo rin siya reklamo kung sa cellphone rin nakatuon ang atensyon ko. Eh siya nga itong adik sa aming dalawa.

"Babe, ikaw na ba 'yan?" sigaw niya mula sa sala.

"Ay hindi, konsensya niya 'to."

Tumawa lang ang adik.

Dumiretso ako sa kusina at nilapag ang dalang pagkain at kumain na.

Natapo ko ang pag-kain at wala manlang Rayen ang sumunod!

Pinuntahan ko siya sa salas at nakita kong katabi niya ang extension na nakasaksak ang charger niya.

Nakayuko ito at halos luluwa na ang mata sa kakatutok sa cellphone.

Pinuntahan ko ang main switch at in-off habang nakatingin sa kaniya.

"PUTANGINA BA'T NAMATAY?!"

Pinagkrus ko ang braso sa dibdib ko.

"BABE, BROWNOUT BA?" frustrated na sigaw niya habang tinatry na i-on ang nakapatay na cellphone.

Buti nga sayong yawa ka. Dagdag ka lang sa gagastusan ko eh.

Pumunta ako sa pinto at binuksan.

"Lumabas ka Rayen!"

Nakatayo na ito habang hawak-hawak ang charger at cellphone.

"Bakit babe?"

"Hindi mo ba alam na magha-hating gabi na?"

"Ay oo nga pala hehe."

Diretso siyang lumabas habang nakakamot sa ulo.

Sinarhan ko agad ang pinto pero hinarang niya ang kamay.

"Teka, wala pa akong kiss, babe. Sorry kase hindi natuloy ang lakad natin—"

"Break na tayo."

Sinarhan ko agad ang pinto.

Agad siyang nagwala sa labas at todo kalampag sa pinto. Tonawagan ko ang security sa baba.

"Hello Security, paki-kaladkad nga palabas ang taong baliw sa labas ng condo ko. Room 141. ASAP!"

Maya-maya'y wala nang ingay sa labas.

Wala na akong jowa at ang nagbabasa ay wala rin. Yiieee same vibes HAHAHAHA.




WORK. OF. FICTION.
All Right Reserved ©2020

elevated: my journeyWhere stories live. Discover now