Nagmamadali akong nagligpit nang nakita kong pasado na alas-onse ng gabi at ako na lang mag-isa dito sa office.
Binitbit ko ang bag ko at lumabas na. Tahimik akong naglalakad sa madilim na hallway nang nakita ko si Chelsea na lakad-takbong linagpasan ako.
"Chelsea? Akala ko umuwi ka na? Anong oras na oh tsaka wala nang tao sa office." saad ko sabay lingon sa kanya.
"Naiwan ang ibang papeles ko, nandun pa naman ang ilang appointments na nakalista para kay boss, so if you don't mind mauna ka na, ako na ang sasara ng building."
Tumango na lang ako at umalis na. Binusinahan ko muna ang guard na nagbabantay bago umalis na parking lot ng building. Pero bago 'yun ay tinanaw ko muna ang floor namin mula dito sa loob ng sasakyan at nakita kong bukas pa ang ilaw.
Kinabukasan, maaga akong nagising at nagulat ako ng nakita kong maraming tao ang nakaabang sa tapat ng building at ang naagaw ng pansin ko ay ang ilang sasakyan ng mga pulis at isang ambulansya. Anong meron?
Medyo nahirapan pa akong makahanap ng mapaparkingan dahil sa dami ng tao. Nang makahanap na ay pumasok na ako sa loob.
"Hindi ka pwedeng pumasok, Miss." saad ng isa sa dalawang pulis na hunarang sa dadaanan ko.
"Po? Dito po ako nagtatrabaho."
Nagkatinginan sila. "Ano po ang nangyayari?" tanong ko.
Hinayaan nila akong makapasok kaya agad akong nagtungo sa elevator para makarating agad sa floor namin.
Pero ang mas lalong nakakagulat ay ang ibang mga pulis ay nandito! At ang mga kasamahan ko sa office ay nagtitipon sa dulo, ang iba ay umiiyak at ang iba naman ay parang nasusuka!
Pinuntahan ko sila at sumingit para tingnan kung sino at ang nakakagulat sa lahat ay ang bangkay ni Chelsea ang nakita ko!
"A-anong nangyari sa kanya?"
Hindi ko maiwasang madirian dahil sa itsura niya! Bukas ang tyan at nagkakalat ang mga laman-loob, nakatabingi ang ulo at mukhang nabali at ang naagaw ng atensyon ko ay ang mulat niyang mga mata na tila nagulat bago siya nawalan ng buhay! Nakita kong tuyo na ang mga dugong nagkakalat dahil nasa dark red na ang kulay nito.
"Isa ka ba sa nakasama ni Miss Chelsea bago ang pangyayari o isa ka sa mga kaibigan niya?" tanong ng isang taong naka-coat, Detective.
"Hindi niya po ako kaibigan at hindi rin kaaway. Malayo po sa kaibigan ang turing namin sa isa't isa," paliwanag ko.
Tumango-tango siya. "Maaari mo ba kaming kwentuhan kung saan at kailan mo nakasama si Miss Chelsea?"
"Kagabi, pasado alas-onse ng gabi nang lumabas ako ng office at nakita ko siyang dali-daling linagpasan ako at sabi niya ay may kukunin daw na papeles dahil doon ang ibang appointments ng boss namin na nakasulat at siya na daw ang bahalang magsara ng building. Pumayag naman ako at lumabas na sakay ng sasakyan at ang tanging naiwan ay ang isang guard na nagbabantay sa labas ng building na nakita ko bago umalis...ayun lang po ang tanging natandaan ko."
"Tama ka." saad nitong hawak-hawak ang baba niya.
"Po?"
Tumingin siya sa'ken. "Nakita namin sa cctv ng floor na ito ang sinabi mo at tama nga. Nakita rin namin ang pangyayaring sinasabi mo sa cctv ng ground floor..."
Eh? Pinagsusupetsahan ba ako nito?
"Pero ang tanging ipinagtataka namin ay kung bakit ganito ang kinahinatnan ni Miss Chelsea. Wala rin kaming nakitang ibang gagawa nito dahil walang tao sa loob ng office ng lumabas ka at pumasok naman siya."
What? Imposible namang patayin ni Chelsea ang sarili niya!
Isa rin sa mga suspek ang boss namin pero kulang sa ebidensya dahil nasa labas ito ng bansa kasama ang pamilya.
Ang guard naman ay isa rin at tulad kay boss ay kulang rin sa ebidensya dahil kita sa cctv na inaatok siya at kitang tutulog-tulog ito.
Pinauwi ang lahat ng empleyado dahil sa nangyari. Nanatiling malaking tanong sa isip ng lahat ang nangyari kay Chelsea.
Who killed Chelsea?
"Naabutan niya ang sumpa kaya nangyari iyon sa kanya. Kaya hindi na ako magtataka kung hanggang ngayon ay hindi pa rin natatahimik ang kaluluwa ng babaeng iyon. Paghihiganti ang laman ng kanyang puso at isip bago namatay. Hindi tatahimik ang kaluluwa niya hangga't hindi ninyo nalalaman ang totoong pangyayari kay Edelyn..."
Napahinto ako at gulat na nilingon kung sino ang nagsasalita, isang matandang babae na nakaupo sa bukana ng parking lot at ang dungis ng itsura.
Tumingin siya sa'ken at tumawa na parang baliw!
Dali-dali naman akong pumasok sa sasakyan at pinaandar na. Tiningnan ko ulit ang matanda at ngayon ay seryoso na siyang nakatingin sa sasakyan ko!
Who killed you Chelsea? Is it possible that a vengeful ghost killed you?
WORK. OF. FICTION.
All Rights Reserved ©2021
YOU ARE READING
elevated: my journey
Random: one-shot anthologies written from rpw : hello! just a quick reminder. most stories that you may read here are written way back 2020, so my style of writing isn't the same as today. i really want to unpub this but this is how i started and grow as...