"Tatay!"
Dali-dali kong sinalubong si Tatay na may dalang isang supot ng pagkain.
"Tay, ano po 'to?" tanong ko nang binigay niya sa'ken.
"Puto 'yan nak. Kumain ka na, alas-tres na ng hapon at di ka pa nakakakain."
Napangiti na lang ako at niyakap siya. "Salamat po!" saad ko bago nilantakan ang dala niya.
* * *
"Tay, baka pagod na po kayo."
Kanina pa kase akong nasa likod niya at ang nilalakaran niya ay halos pulos bato na tsaka manipis na rin ang tsinelas nito. Maaraw pa naman.
"Ibaba niyo na po ako."
"Hindi pwede nak. Baka masira pa 'yang sapatos mo, ingatan mo 'yan ha."
"Opo."
* * *
Huminto na kami sa tapat ng gate ng school. Tiningala ko naman si tatay na ngayon ay nakangiti na sa'ken kaya nginitian ko rin siya.
"Mag-aral kang mabuti ha at 'wag kang mag-aaway. Mahal na mahal ka ni tatay."
"Mahal na mahal na mahal ko rin po kayo."
Niyakap niya ako.
"Mr. Castro."
Sabay kaming napatingin sa tumawag ng apelyido namin.
"Ma'am."
Nakangiti akong tiningnan ng teacher namin, pati na rin si tatay.
"Hatid-sundo mo pala itong si junior mo, Mr. Castro."
"Oo nga po e." Napakamot na lang ng batok si tatay. "Ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo Ma'am?"
"Wala naman pero may sasabihin ako tungkol sa classroom fees." Mukhang alam ko na kung ano ito. "...hindi pa kase kayo nakakabayad, Mr. Castro." may lungkot na saad nito.
Napayuko na lang si Tatay.
"Wala po ako gano'ng kalaking halaga at kung meron man, pang-kain at pabaon lang sa anak ko."
Ngumiti si Ma'am. "Kaya ko po kayo sana imbitahan sa bahay para ipagsibak kami ng kahoy panggatong. 'Wag po kayong mag-alala dahil susuhulan ko po kayo."
"Nako, maraming salamat po!"
* * *
"Our first honor for this class is..."
"Eric Castro!"
Literal na lumaki ang mata ko nang pangalan ko ang banggitin ni Ma'am!
Buong klase ang nagpapalakpakan kaya tumayo akong nakangiting pumunta sa harapan para kunin ang aking sertipiko.
"Isama mo ang tatay mo sa araw ng iyong Recognition, Eric."
"Opo!" masiglang saad ko.
* * *
"Tay, nakauwi na po ako!"
Nakangiti kong binuksan ang kawayang bakod namin at ang isa kong kamay ay hawak ang sertipikong hindi pa nalulukot hanggang ngayon.
"Tay?"
Pinuntahan ko siya sa silid niya ng makita kong walang tao ang maliit naming sala.
"Tay! First honor po ako!"
Wala siya sa silid niya.
"Tay?"
Pinuntahan ko ang kusina nang makita kong wala rin siya sa silid niya dahil maayos pa ang higaan.
"Tay?"
Kinabahan na ako ng makitang wala rin siya doon!
"Tay, asan ka?"
Lumabas ako ng bahay at pumunta sa bakuran.
"Ta—tay!"
Tinakbo ko ang pagitan namin nang makita kong nakahandusay siya hawak ang isang pangbungkal sa lupa at ang pala ay nasa paanan. Nakasuot rin siya ng botang marami nang putik.
"Tay! Gumising ka tay!" paulit-ulit na saad ko at niyuyogyog siya.
Halos limang minuto ko siyang ginising pero wala pa rin at huli ko nang nalaman na wala na siya.
* * *
"Hi po 'Tay. I'm here again. Happy 35th Death Anniversary,"
Umupo ako sa harap ng lapida niya at hinaplos ito.
"Nanganak na po ang asawa ko at lalaki ang apo niyo at kambal pa! Gusto ko po talaga ng lalaki para maipamana ko sa kanila ang apelyidong ipinamana mo sa'kin na nagsisimbolo ng sakripisyo at pagmamahal. Doktor na po ako ngayon at marami nang negosyong napatayo. Alam kong mahirap pero kayo po ang inspirasyon ko at ang pamilya ko. Maraming salamat po sa lahat-lahat ng nagawa mo tay. 'Yung binili mong bahay at lupa noon ay tinitirhan ko na at dun na rin siguro kami titira ng pamilya ko kung ayos lang po ba sa inyo?"
Umihip ang malamig na hangin. "Salamat po."
Tuluyan na akong umiyak nang maalalang namatay siya dahil sa pagod at 'yon din ang araw kung 'kelan niya binili ang bahay at lupa, ang araw kung 'kelan ang first honor sa klase at ang araw na hindi na siya babalik sa dati.
"Hinding-hindi ko po sasayangin ang lahat ng sakripisyo mong nagawa para sa'kin, Tay. Mahal na mahal na mahal ko po kayo."
WORK. OF. FICTION.
All Rights Reserved ©2021
YOU ARE READING
elevated: my journey
Random: one-shot anthologies written from rpw : hello! just a quick reminder. most stories that you may read here are written way back 2020, so my style of writing isn't the same as today. i really want to unpub this but this is how i started and grow as...
