UNTOLD STORY of Little Red Riding Hood

97 4 0
                                    

"Apo, alam mo ba ang totoong kwento ni Little Red Riding Hood?"

Gulat na napatingin sa akin ang aking apo. Palibahasa'y nasa elementarya kaya alam kong marami na siyang nalalaman sa mga kwentong pambata.

"Po?"

"Naalala mo ba ang kinukwento ko sa'yo noon tungkol sa lobong nagpanggap na lola niya?"

"Opo."

"Gusto mo bang kwentuhan kita?"

"Sige po."

Isinandal nito ang sarili sa uluhan ng kama at tiningnan ako ng may ngiti sa labi.

"Pagkatapos ng pangyayaring nakatakas ang lobo dahil sa merong tumulong sa kanila ng lola niya ay naging payapa na ang kanilang lugar at lumaking napakagandang dilag si Little Red Riding Hood kaya Red na lang ang itinawag sa kanya. Isang araw pumunta siya sa bayan dahil may kailangan siyang bilhin para sa kanyang putaheng lulutuin at naagaw ng mga naga-gwapuhang matipunong lalaki ang kanyang kaakit-akit na ganda kaya siya'y sinundan,"

Tahimik lang na nakikinig sa akin ang aking apo kaya pinagpatuloy ko ang aking kwento.

"Kaya—"

* * *

"

Maaari bang malaman ang iyong pangalan, binibini?" tanong sa akin ng isang lalaki at halata sa mukha nito ang taglay na kagwapuhan.

"Pasensya ngunit ako'y nagmamadali."

Nagugulat niya akong tiningan na tila hindi makapaniwala sa aking sinabi.

"Maaari bang pakiulit ang iyong sinabi, binibini? Sapagkat ikaw pa lang ang nakakatanggi sa akin anyaya."

"Hindi ko alam, pasensya na."

Pinagpatuloy ko lang ang aking pamimili ng mga sangkap sa lulutuin at nagmamadaling umalis dahil gagabihin ako sa paglakad pauwi.

At sa kasamaang palad ay tila gagabihin akong makauwi dito mismo sa gubat at dinig ko na ang ingay ng mga insekto sa paligid.

"Sino 'yan?" tanong ko nang may narinig kong kaluskos sa likuran ko na tila naglalakad at ako'y sinusundan!

"Sino 'yan?" nagagalit ko ng tanong.

Sa sobrang takot ay niyakap ko na ang aking dalang bilao.

"Lumabas ka! Magpakita ka!" ani ko.

May anino ng tao na lumabas mula sa madidilim sa bahagi ng puno at hindi siya nag-iisa! Pasikreto ko silang binilang at lima silang lahat!

"S-sino kayo? Anong ginagawa niyo dito? Bakit niyo ako sinusundan?"

Tumawa ang isa at nagpakita sa liwanag. At siya ang lalaking nangungulit sa akin kanina sa bayan!

"Dahan-dahan sa pagsasalita, binibini. Gagamitin mo pa 'yan sa ating makalangit na gagawin."

Tumawa naman ang mga kasamahan nito!

"A-anong ginagawa mo?!" saad ko nang umpisa na siyang lumapit sa akin pati ang kanyang mga kasama.

"Alam mo bang insulto sa akin ang ginawa mo kaninang hindi pagtanong sa sagot ko? Pinahiya mo ako at tila hindi ka madaan sa dahan-dahan kaya sa dahas na lang para madalian."

"Anong ibig mong sabihin?" nanginginig kong saad.

"Iyan ang gusto ko sa babae, inosente!"

Tumawa ang lahat ngunit siya ay seryoso lang habang nakikipagtitigan sa akin!

elevated: my journeyWhere stories live. Discover now