"Pa, nabalitaan mo na ba 'yung pangyayari about dun sa mag-inang pinatay?" tanong ko sa Papa kong nanonood ng tv na kasalukuyang nasa channel ni Idol Raffy Tulfo.
"Oo 'nak tsaka ilang beses ko nang pinanuod pero hanggang ngayon nasasaktan ako para sa pamilyang naiwan."
Hininaan ni Papa ang volume ng tv tsaka sumenyas na umupo ako sa katabing sofa kaya umupo naman ako.
"Balita ko ay kahapon nangyari 'yun diba?"
Tumango ako. "Opo."
Umayos ng upo si Papa at maluha-luhang nag-iiwas ng tingin sa akin kaya medyo nataranta ako.
"Pa? Ayos lang kayo? Gusto niyo bang tawagan ko si Mama?"
Umiling siya and this time, may tumulo nang luha sa mga mata niya.
"Papa naman eh." saad ko na nagdadabog kase di ko na alam ang gagawin ko kung bakit umiiyak na si Papa!
Pinunasan niya ang kanyang luha at ngumiti ng mapait sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.
"Alam mo habang pauwi ako kanina sakay sa sasakyan, may narinig akong mga bulungan dun sa kanto..."
Tahimik naman akong nakinig sa kanya.
"...alam ko na pinaparinggan nila ako base sa mga pananalita nila tungkol sa isyung pagpatay ng kapwa ko pulis sa dalawang inosenteng tao. Nung una, binalewala ko pero may narinig akong hindi ko nagustuhan kaya nagmamadali akong umalis dun."
Tumingin siya sa'ken at nagsalita ulit.
"Alam mo ba kung ano ang sinabi nila? Na mamamatay tao rin ako kase kapwa ko rin pulis 'yung si sarhento—"
"Pa..."
Tumawa siya ng mapait na umiiling.
"Ang sakit nun sa part ko 'nak. 'Wag naman sana nilang lahatin ang lahat ng katulad kong pulis kase nasasaktan rin naman kami sa pagkakasalang hindi namin ginawa pero nadadamay. Kahit ako ay nagagalit sa kapwa kong iyon pero alam kong hindi ko gagawin ang karumal-dumal na ginawa niya! Dinadamay niya ang mga katulad kong walang ginawa kundi ang pangalagaan ang mga taong naaapi tapos ngayon kami pa ang sinisisi!"
"Hindi ko naman masisisi ang sambayanan kung ganyan na ang tingin nila sa amin. Ang sa akin lang ay 'wag nilang lahatin."
"Hanga rin ako sa mag-inang 'yun Pa. Makikita mo talaga sa video na ayaw niyang mapahamak ang anak niya kahit alam niyang hindi na maganda ang nagyayari. Naiyak nga ako kanina eh kase nakikita ko si Mama kay Lola, naaalala ko 'yung time na may nagsabunot sa kanya at nanampal tapos umeksena ako pero ang ginawa niya ay 'yung yakapin ako tapos may binubulong siya sa'ken na umuwi ako dahil ayaw niyang madamay ang anak niya..."
Napangiti naman si Papa. "Isa 'yan sa mga nagustuhan ko sa Mama mo, 'nak."
"Ang masaklap nga lang dun ay 'yung palapit na ang pasko. Nakakalungkot 'yun at the same time nakakaiyak rin kase imbis na magsasaya kayo ay nag-iiyakan kayo sa burol at ramdam na ramdam 'yung sakit na pangyayari."
#JusticeMustBeServed
#StopTheKillingsPH"Pilipino ang papatay sa kapwa pilipino"
—Heneral LunaHe wasn't lying. He really mean it.
All Rights Reserved ©2020
YOU ARE READING
elevated: my journey
Rastgele: one-shot anthologies written from rpw : hello! just a quick reminder. most stories that you may read here are written way back 2020, so my style of writing isn't the same as today. i really want to unpub this but this is how i started and grow as...