"Manong, bili po kayo? Tig-piso lang po ang isa." ani ko sa mga taong nagbabantay sa mga sasakyan pauwi.
"Manong, sige na po. Kahit limang piso lang." ani ko ulit.
Halos manlumo ako nang makita ang ibang mga tao na lumalayo sa akin. May iba pa na mukhang nadidiri sa presensya ko.
"Pasensya na, bata. Sa susunod lang." sabi naman ng isa at umalis.
Napabuntong-hininga na lang ako at bagsak ang balikat na umuwi.
Mukhang uuwi naman ako na walang dala. Kahit ni piso na benta ay wala ako. Uutang na naman siguro ako sa tindahan para may makakain kami ni Nanay at mga kapatid ko.
Pagkatawid ko sa kalsada pauwi ay may nakita akong batang lalaki na nakaupo sa gilid ng kalsada at nasa tabi nito ang malaking maleta. Nakatayo naman sa gilid nito ang ina niya na may mga alahas na nakapatong na katawan.
Habang papalapit ako sa kanila ay iniyuko ko ang ulo ko. Ayokong mapunta naman si Nanay sa presinto dahil sa napagkamalan akong magnanakaw.
Nang makalapit ako ay nakita ko na may hawak pala na cellphone ang batang lalaki at kita ko sa mukha niya ang kabagutan.
"Mom, I'm bored." rinig kong aniya.
Hindi siya narinig ng ina dahil may kausap rin ito sa cellphone.
Sa halip na dumiretso ay umupo ako sa tabi ng batang lalaki at halata sa mukha nito ang gulat. Pero ilang saglit pa ay binuksan nito ulit ang cellphone at may kung anu-anong pinindot doon at may pinanuod kasama ako.
Ngumiti siya sa akin. "Nood tayo?" tanong niya kaya tumango ako.
May pinanuod kaming mga nakakatuwa at iba pang mga pambatang tanawin.
"I'm Catboy while you're Gekko since my sister is Owlette, okay?" aniya ngunit wala akong maintindihan pero tumango pa rin ako.
Ilang saglit pa ay may tumigil na sasakyan sa harap namin at kasabay niyon na umayos ng tayo ang ina ang batang lalaki na katabi ko.
"Let's go, son. You're Dad is waiting for us in the airport."
Tumayo ang batang lalaki at inilahad ang kamay sa akin kaya tinanggap ko 'yon at tumayo rin.
Nginitian niya ako pagkatapos. "I'm Cody. You?"
"S-saul..."
Ginulo niya ang buhok ko at may kinuha sa bulsa nito saka kinuha ang palad ko at nilagay do'n ang kinuha niya.
Yema?
"It's a watermelon candy. That's the only one left since I ate all of them." sinundan niya 'yon ng pagtawa.
"Hello..."
Tiningala ko ang may-ari ng boses at nagulat ako nang makita ang ina ng batang lalaki. Umupo ito para magkapantay ang laki namin at nginitian rin ako.
"Ano 'yang binebenta mo?"
Agad ko namang naintindihan ang sinabi niya. "Mga kendi po saka mga mani na niluto ng Nanay ko,"
Mahinang natawa ang babae. "Ah, you're so bright, kid. And since you're bright, I'm gonma give you something..."
May kinuha rin ito sa maliit na bag nito at may inilabas na pera. Mga nasa papel.
Kinuha niya ang kamay kong nababalutan ng mga uling at alam kong alam rin niya na hindi malinis ang kamay ko. Pinatong niya sa kamay ko ang pera at tiniklop niya 'yon.
"Alam mo bang hindi mahilig makipagkaibigan ang mga anak ko? Lalo na itong si Cody kaya nagpapasalamat talaga ako sa'yo dahil alam kong may pag-asa pa ang anak ko." ani ng ginang.
"Mom, what are you saying?" tanong ng anak nito.
Natawa ang babae. "Nothing, son."
Humarap siya sa akin pagkatapos niyang tingnan ang pambisig na relo nito.
"Mukhang male-late na kami sa byahe namin. Ang binigay ko sayo ay bigay ko talaga at bibilhin ko itong lahat ng paninda mo para may iuuwi ka sa inyo. Maraming salamat ulit, Saul."
"...and, you can call me, Cruella, Tita Cruella."
Pagkatapos niyang bigyan ako ng pera para sa mga paninda ko ay umalis na sila. At habang papalayo ang sasakyan nila ay nakita ko pang kumaway sa akin si Cody.
"See you soon, Saul!"
YOU ARE READING
elevated: my journey
Random: one-shot anthologies written from rpw : hello! just a quick reminder. most stories that you may read here are written way back 2020, so my style of writing isn't the same as today. i really want to unpub this but this is how i started and grow as...