"Bakit late ka na naman? Anong oras na oh, patapos na kami sa klase at ikaw ay kakarating lang?!" puna ko sa isa sa nga estudyante kong nasa ikalabing-limang baitang dahil sa palagi nitong pagpasok ng late sa klase ko.
"S-sir, so-sorry p-po. M-may sakit po k-kasi ang n-nanay k-ko—"
"Aba! Kasalanan ko ba kung may sakit ang nanay mo ha! Hala kumuha ka ng tatlong libro at pagbalensihin ito ng naka-skwat!"
"O-opo..."
Kahit nauutal ay hindi ko pa rin nakikitang lumuluha ito.
Nakita kong mismo ang mga kaklase niyang kinukutya siya sa pisikal na anyo at ayos ay parang wala lang sa kanya. Kahit pundo ng luha sa mata ay wala ka talagang makikita.
Kahit ako mismo na ilang beses siyang pagalitan at ipahiya sa buong klase ay wala talaga.
"Umiiyak ba ang batang 'yan, Sir Paul?" tanong ng isa sa mga co-teacher na pinagmamasdan ang estudyante kong nag-iisa sa oras ng tanghalian at mukhang wala itong pagkain.
Nagkibit-balikat lamang ako. "Ewan ko."
Hapon ng uwian nang matanaw ko siyang nag-iisang lumalakad palabas ng gate. Dahil wala naman akong masyadong gagawin ay sinundan ko siya at para makita ko kung saan siya umuuwi at kung bakit nale-late palagi sa pagpasok.
"Hindi ba napapagod 'to?" mahinang tanong ko habang sinusundan pa rin siyang nilalakad ang baku-bakong daan at kung uulan ay maputik.
Lagpas kalahating oras na pero naglalakad pa rin kami ngayon at madilim na! Masakit na ang paa ko!
Tumingin ako sa relo ko at ala-sais na ng gabi at nakita kong medyo humina ang paglalakad niya kaya dahan-dahan rin akong naglakad.
Lumiko siya at naglakad ulit sa palayan na wala nang palay dahil mukhang kaaani lang.
Huminto siya sa isang napakamaliit na bahay at tanaw ko mula dito sa labas ang isang maliit at mababang papag na may nakahigang may edad na babae.
Napakamaliit na bahay. Kawayan na may pinagtatagpi-tagping iba't-ibang uri ng plastik at ang bubong ay nipa na may lumang yero na pinatungan ng goma ng sasakyan, marumi tingnan at wala sa ayos ang kagamitan.
Malayo ang kabahayan dito at wala silang alagang aso na mag-iingay kung may tao kaya dahan-dahan akong pumasok sa maliit na bakuran nila at nagtago sa madilim na bahagi ng bahay nila.
"Nay, kain na po kayo. Wala pa kayong kain simula kanina hanggang ngayon hindi pa rin kayo kakain?" mahinahong ani nito habang sinusubukang subuan ang nanay nito na nakasandal ang ulo sa dingding.
Nakatulala lang ito at nagulat ako ng itapon nito ang kutsarang may lamang kanin na hawak ng anak niya at nadala pati ang hawak nito sa kabilang kamay na maliit na pinggan.
Napatakip ako ng bibig nang nakita kong umiiyak ang estudyante ko habang pinupulot ang natapong kanin sa lupa!
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko kaya nang tumayo siya para itapon ang natapong kanin ay lumabas ako sa pinagtataguan ko at hindi ko na inabalang punasan pa ang luha ko.
Nagulat siya sa biglaang pagsulpot ko kaya niyakap ko siya agad.
"Sorry...sorry...sorry...sorry..."
Walang tigil ako sa paghingi ng tawad habang nakayakap pa rin sa kanya.
"S-sir—"
"Sorry...sorry..."
Naramdaman ko ang kamay niyang niyayakap ako pabalik kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
Nasobrahan 'ata ako sa pagmaltrato sa kanya kaya ganito na lang ang pagsisising nararamdaman ko!
Natatandaan kong ilang beses kong tinapon ang mga sobrang pagkain ko na mapapakinabangan pa habang sila ay halos wala nang makain.
Halos araw-araw ko siyang pinapagalitan, pinapahiya at binabato ng mga masasakit na salita pero sa isang tapon lang ng pagkain at ang ayaw kumain ng nanay niya ang nagpaiyak sa kanya!
Patawad.
WORK. OF. FICTION.
All Rights Reserved ©2021
YOU ARE READING
elevated: my journey
Random: one-shot anthologies written from rpw : hello! just a quick reminder. most stories that you may read here are written way back 2020, so my style of writing isn't the same as today. i really want to unpub this but this is how i started and grow as...
